Chapter 2 : Plans

142 7 0
                                    


Chapter 2

Plans

Hindi ko na lang ininda ang nangyari noong isang araw. Yung nakita ko? Kinalimutan ko na lang. Inisip ko na lang, ako siguro yung naging daan para hindi mabugbog ng malala yung dalawang lalaki.

Naglalakad na ako ngayon sa may corridor, knowing na marami ang nakatingin sa'kin. Hinayaan ko na lang sila. 

Nasanay na ako sa mga tingin nila.

Mga tingin na akala mo nanghuhusga.

Matagal na ako nagbago. Matagal ko na kinalimutan ang dating ako. Pero kahit nagbago na ako, hindi pa rin maiaalis sa kanila ang masasamang tingin.

Napayuko na lang ako dahil sa naisip ko.

Dati ako ang tinitingala, kinikilala.

Pero iba na ngayon.

"You again." Malamig na sabi nya sa'kin.

Ngumiti ako ng sarcastic sa kanya.

"Ano naman kung ako ulit?" pagtataray ko sa kanya.

Ngumiti sya ng pilyo.

"Don't you dare step in my world, unless you want it."

Malakas akong tumawa.

"Ako?" turo ko sa sarili ko. "papasok d'yan sa buhay mo? C'mon Az. Never akong magiging part ng buhay mo. As If naman gusto ko rin, haha. Funny"

Bigla bigla nya akong tinulak pasandal sa pader. Shet! Ang bilis ng pangyayari!

"See? Whether you like it or not, you're already part of it."

Hinaplos pa nya ang buhok ko.

Shet! Kinikilabutan ako sa ginagawa nya.

Bigla kong naalala meron pala akong pepper spray sa bag ko.

Pasimple akong tumingin sa bag ko at nilabanan ko ang mga tingin nya.

Akala siguro nya papatalo ako? No way!

Dahan dahan kong kinuha ang pepper spray sa bulsa ng bag ko habang nakatingin sa kanya.

"Talaga ba?"

Biglang kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko.

Pasimple akong ngumiti.

At sa isang iglap, nakuha ko na ang pepper spray ko at mabilis kong ini-spray sa mata nya.

"Ahh. My eyes!"

Kinukusot kusot nya ang mata nya dahil sa sakit.

Sa isip isip ko, tumatawa ako.

"Don't underestimate me, Az."

Mabilis syang naka-recover sa sakit at mabilis nya akong tinulak sa pader.

"Don't call me Az, as If you know well about me. You're just an stranger who ruined my plans. Now, you're part of it." baritonong sabi nya.

Mabilis nya hinarang ang leeg ko ng braso nya. Sobrang higpit. Yung tipong hindi ako makahinga.

"A-az, hindi.. ako m-makahinga."

"You deserve that."

Halos masakal na ako dahil sa sobrang higpit ng ginawa nya.

Agad nya rin itong tinanggal at masamang tumingin sa'kin.

Lumunok ako.

Tinignan ko ang mga mata nya. Galit.

Galit ang nakikita ko sa mga mata nya.

Dark eyes and unpredictable.

That's Azron. His trademark. The way he stare, it's too cold as If like ice.


Azron


She's weird. Hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang lakas ng loob para kalabanin ako.

I know her very well, but one day she act like an angel. 

Act like as If nothing she did.

"Pre, Ano'ng plano mo sa babae na yun?" tanong agad ni Ian ng makarating HQ.

"Kasapi sya dati ng blue dragon gang, hindi na ba sya ibabalik sa grupo na yun?" sunod sunod ang mga tanong nilang lahat.

"Fuck! Can you both please stop?! Tsk!"

Umupo ako sa swivel chair ko at dumuko sa table.

"Something is bothering on you."

Napa angat ako ng ulo sa pinto ng HQ.

"You're back, Falcon."

Ngumit sya ng mala angelic face.

"Ayuun naman pala eh!" sigaw pa ni Ian.

"Si Falcon lang pala ang magpapahinahon sa'yo." sabat pa ni Ember.

Naisip ko na i-background check si Anika. I know kasapi pa rin sya ng grupo na yon.

"Falcon, Ember. I-background check nyo si Anika Lacsamana. Also known as blue bird. I need that, asap."

Agad na silang lahat kumilos.

Nakatingin pa sa'kin si Ian.

"Ako naman, ano papel ko?"

Nag isip pa ako ng mabuti kung ano ang papel nya sa misyon na ito.

"Stay with her, bantayan mo bawat kilos nya. siguraduhin mo na malalaman mo ang bawat plano nila. Lalo na ng grupo nila."

Tumayo na ako at balak ko ng umalis ng HQ.

"Phantom." Lumingon ako kay Falcon.

"What?"

"Ano na plano mo kay Blue Bird?"

Hindi ako umimik.

"So, wala pa?"

"Still planning. I have to go." 

Lumabas na ako ng HQ. Agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko.

Pupuntahan ko ang dati nilang HQ kung saan pinabagsak na namin ang gang nila.

Habang papunta ako doon, hindi mawala sa isipan ko ang expression ng mukha nya kanina. Ibang iba. Iba sa dating walang kinatatakutan na bagay.

Lahat kayang sugurin at labanan.

Posible kayang nagbago na talaga sya?

Huminto ako sa tapat ng isang malaking mansyon.

Sarado ang gate at pinto nito.

Mahahalata mo na abandonado na ang bahay.

Huminga ako ng malalim dahil sa pag aaksaya ko ng panahon sa lugar na ito.

Malalaman ko rin kung tiwalag ka na sa gang ninyo.


~*~

Courting My Bad Boy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon