Chapter 19 : Answer

34 3 0
                                    


Chapter 19

Answer

Matapos ang nangyaring pag uusap namin ni Azron ay hindi ako nakatulog nang maayos. Siguro ay dala na rin ng mga nangyayari ay nahihirapan na akong makapag isip nang maayos.

Unti-unti nang nasisira ang mga plano ko. Hindi na maayos ito. Napipilitan na lang akong gawin ito dahil sa kay Alina.

Sa sumunod na araw ay nakauwi na si Dad at Kuya. Nagkumustahan at nagkaroon ng kaunting kainan sa mansyon. Nakihalubilo ako sa aking mga pinsan at ganoon rin naman si Alina.

Gabi na nang natapos ang salu-salo sa bahay. Sa mga guest room nanatili ang mga pinsan ko at pati sina Tito Dave at Tita Carlita.

Maaga ako umalis ng bahay, nagpaalam na lamang na may kailangan akong gawin sa school.

Hindi na nagtanong pa si Mommy, even Daddy didn't asked me, too.

Pagdating ko sa school ay tila may kung ano  silang pinagkakaguluhan sa announcement board. Ilang mga higher level at mga batchmates ko ang naroon. Even the senior high students.

Dahil sa pagiging curious, ay lumapit ako sa umpukan ng nga estudyante.

Nakisiksik ako at pinilit na makalapit sa kung ano ang mayroon.

Nang nakalapit ako ay parang nanghina ang mga tuhod ko sa pag aakalang nakalimutan na ng lahat ang nangyari noon. Ang pag aakalang ibinaon na ng lahat ang matagal nang tapos.

Naka-paskil sa board ang matagal ko nang gustong kalimutan.

Pero may mga bagay na kahit pilitin mong kalimutan, babalikan ka ng nakaraan na hindi mo puwedeng takasan ng gano'n kabilis.

Ang lihim na ako, si Alina, Kuya Josh at Azron lamang ang nakaka alam. Paanong may ibang tao ang naka alam ng lihim na ito?

Narinig ko ang bulungan ng mga estudyante at ang kanilang mga masasakit na salita.

"Manggagamit pala 'yan."

"No wonder, She's literally a trash."

"She's evil."

"Ginamit niya si Azron."

Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas ng loob na aminin sa lahat ang tunay na katotohanan.

Hindi ko ginamit si Azron. Ako ang ginamit. Ako ang taong dapat hindi kamuhian pero dahil sa nangyari noon, sa akin naisisi ang lahat.

"So, ano ang pakiramdam na alam na ng lahat ang lihim mo. Na ngayon ay tanging si Azron ang makakasagot."

"H-Hindi ko siya ginamit. Minsan nang naging-"

"Shut up!"

Isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi.

Galit na galit at namumula ang mukha sa galit si Elysa. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik at tanggapin sa sarili kong ako ang may kasalanan.

"Kaya pala noong grade 8, lapit ka ng lapit kay Azron. Kaya pala halos ikaw ang laging naikukuwento niya. You scheming bitch. Nilason mo si Azron sa pagkukunwari mo."

Tumingin ako kay Elysa at umiling.

"Hindi ko iyon ginawa.."

"Isa kang basura!" Muli niya akong sinampal.

Napahawak ako sa pisngi ko at narinig ko ang iyak ni Elysa sa akinh harapan. Pinigilan kong bumuhos ang mga luha ko.

Natahimik ang paligid at napaangat ako ng tingin dahil nasa tabi ni Elysa si Azron.

Sa akin siya nakatingin, galit ang mga mata niya at hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.

"What did you do to her?"

Hindi ako nakasagot tanging paglunok lang ang nagawa ko.

"She lied to you, Azron." So Elysa.

"Alam ko."

"Gusto mo ba siya? Kaya ganyan ka sa kanya?"

Elysa was the one who asked it. But Azron only swallowed hard and he held Elysa's hand.

"I don't like her. She's just nothing to me." Naglakad silang dalawa at tinalikuran ako.

Pakiramdam ko ay may isang bagay akong hindi alam sa nangyari noon.

Ganito pala kasakit kapag unti-unti mong nare-realised sa sarili mo na kahit gaano man kaliit iyon, nagugustuhan ko na siya.

At ganito rin pala kasakit malaman na kaya ka rin talikuran ng taong unti-unti mong pinahahalagahan.

I will promised to myself that I won't do this again.

On my last year in college, I did my best to have a latin honor and luckily, I am a Summa Cum Laude graduate.

Iilang pagbati ang natanggap ko sa mga ka-batch mates. Hindi ko na muling nakita si Azron pagkatapos ng naging issue na naging dahilan para mas lalo akong kinainisan ng marami.

Iyon na lamang ang ginawa kong dahilan para magsumikap na makapagtapos ng may latin honor.

Kasalukuyan kong nire-review ang mga presentations ng mga intern sa aming kumpanya.

Alina has her own business. Ayaw niyang dito sa company magtrabaho. Katwiran niya, gagawa siya nh sarili niyang pangalan on her own ways. Kuya Josh is now married with his long time girlfriend. Nasa Maldives sila para mag celebrate ng wedding anniversary nila ni Ate Sachel. And Kuya is now a proud Daddy sa kanyang three years old daughter na si Yvonne.

And me? Here I am, taking care of our business. Wala namang bago. It's just me and my usual self at work.

May mga naging ex- boyfriends ako through the years but kahit isa ay walang nagtagal.

Kung hindi nagsasawa, ay iniiwan at may isa pa na nahuli kong nambabae. Ako ang laging nauunang makipag hiwalay.

Matapos kong i-review lahat ng presentations ng mga interns ay nagligpit na ako. Bukas ko haharapin ang mga interns pati ang mga bagong partners ng last project ni Kuya Josh.

Nang nakauwi ako sa bahay ay naroon na si Alina. She is busy with her some projects as fashion designer. Nasa study naman si Dad at may ka-conference call.

Tumigil ako sa tabi ni Alina, may inaayos siya sa ginawa niyang bagong design ng gown na ngayon ay nakasuot sa human size mannequin.

"It's beautiful," puna ko sa gown.

Tiningnan niya ako.

"Nakauwi ka na pala,"

Umupo ako sa sofa at ngayon ko naramdaman ang pagod sa araw na ito.

"May batch reunion tayo next month. Junior high batch reunion. Pupunta ka?"

Natigil ako sa paghilot sa aking sentido. May posibilidad kaya na naroon siya? Wala na akong naging balita sa kanya simula noon.

Ayokong isipin na naroon siya. Siguro ay kung makikita man kami, ang lahat ay bahagi na lamang ng nakaraan.

Courting My Bad Boy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon