Chapter 3 : War

82 4 0
                                    

Chapter 3

War

Anika

Magaan na rin ang unang mga araw dahil hindi na muling sumulpot sa buhay ko si Azron. Kasalukuyan kong kinakain ang chips habang binabasa ang isang novel na matagal kong hindi nababasa dahil sa busy palagi.

Napatigil ako nang mag-pop up sa messenger ko ang isang mensahe.

Ibinaba ko ang novel na hawak at chips. Binuksan ko iyon habang inuubos ang chips.

"Hmm? Kanino galing ito?"

-------------------------

Josh Lacsamana:

I need your help sis.

Anika Lacsamana:

Kuya. What's wrong?

seen 4:24 pm

-----------------

Hindi na nag-reply pa si Kuya. Ano kaya ang problema niya? Bakit kailangan niya ng tulong ko? Napabaling ang tingin ko nang magreply ulit si Kuya.

---------------------

Josh Lacsamana:

Kailangan kitang makausap Nika,

Kailangan mong magpanggap na si Blue Bird.

Darating diyan bukas si Alina. She'll explain

everything to you.

Anika Lacsamana:

Si Lina, Kuya? Bakit?

Akala ko ba diyan na siya sa U.S Mag aaral?

seen 4:35 pm

-----------------

Hindi ko na nagawang tapusin ang pagba basa dahil sa mga sinabi ni kuya. Ano'ng blue bird? Matagal na panahon na simula nang gawin ko iyon. Matagal ko nang kinalimutan ang bagay na iyon. Matagal na panahon na. Bakit kailangan ako ulit?

Napasandal ako habang naglalaro parin sa isipan ko ang mga posibilidad na mangyari kung sakaling, ako nga talaga ang gumawa ng bagay na 'yon.

"Nika! Nika! Open the door! dali!"

"Sandali!"

Tumayo ako para pagbuksan ng pinto kung sino man ito.

"Lina?" She's Alina. My twin sister. Never kami nagkasundo ng katulad sa iba. Hindi ko alam pero hindi ko masabayan ang mga gusto niyan sa buhay.

"Don't you say 'welcome, sis?"

Tinitigan ko lamang siya.

"Anyway, Mukha namang hindi ako welcome so, Welcome back!" Nagtuloy-tuloy na siya sa paglalakad papasok ng bahay.

"Ang akala ko bukas pa ang uwi mo." aniya ko.

Inalis niya ang sunglasses at inilagay sa kanyang ulo.

"Napa aga ang flight ko going back sa manila. So, before kuya Josh ask me to go back, nagpa book na ako ng flight. Am I that bright, right?" Hinawi niya ang kanyang buhok at umakyat na patungong kuwarto.

"Sakit sa ulo," bulong ko sa sarili.

~*~

Kinagabihan pagkatapos namin mag hapunan, dumiretso na ako ng study room dahil may pag uusapan kaming tatlo. Tumawag si Kuya kanina at kailangan na namin mag usap na tatlo.

Umupo ako sa harap ng table at si Lyna naman sa kabilang upuan.

"So, Kuya, sasabihin na ba natin kay Twinnie ang lahat?"

Tumingin ako sa monitor at kay Lina.

"Ano ba kasi 'yon Kuya, Lyna, sabihin niyo na kasi kung ano 'yon."

Umayos nang upo si Kuya at bumuntong hininga.

"Kagaya nang sinabi ko sa iyo kanina, Kailangan mong mag panggap na si Blue Bird. Since Alina is done with her task ㅡ"

"Kuya, 'Di ba umalis na ako diyan? Bakit gusto niyo ang bumalik akong muli sa gang na ito? Alam niyo naman na too risky ang bawat kilos natin diyan. I'm sorry kuya pero hindi ko na kayang ㅡ"

"Before you say anything, pakinggan mo muna kami." Alina said.

"Your sister is right, listen to us first."

"Fine,"

"As Kuya was saying, Nagsisimula na ang war sa pagitan ng Phantom at Blue Eagle. So kailangan namin ikaw para kay Blue Bird. You know that I'm the real blue bird. Pero kailangan kong iwanan ang pagiging blue bird para maging si Lanterm. Kaya please, Nika, We need your help. Napipilayan na ang ating group. Please?" Ikinuyom niya ang mga kamay at yumuko.

Kailangan ko ba talagang gawin ito? Nakataya dito ang buhay ko. Kundi ang buhay naming tatlo. Kahit ano ang mangyari, what ever happens stays behind.

"Fine. Papayag na ako."

"Really?!"

"Oo. H'wag kayo masyadong matuwa."

"That's great! Ikaw na bahala Lina." Kuya said. Nawala na lang sa monitor si Kuya. Hudyat na pinatay na niya ang tawag.

"Mamaya ko ibibigay sa iyo lahat ng details. Sa ngayon, ite-train muna kita para sa pakikipag laban. Kailangan mong tatagan ang loob mo, Nika. Dito sa mundong papasukin mo, karahasan at puso ang nakataya. Kailangan mong maging matatag, dahil kung hindi, hindi para sa iyo ang mundong ito."

Kinuha niya ang glass niya at lumabas na ng kuwartong ito.

Pabagsak akong umupo habang ini-scan ko ang mga librong nakalagay sa mga shelves.

Ganitong mundo ba ang gusto ko? Ganito ba talaga ang nakalaan para sa akin?

Bahala na.

Courting My Bad Boy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon