Chapter 7 : Favor

47 7 3
                                    


Chapter 7

Favor

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko rin inaasahan ang mga nangyari. Mukhang gumagana ang mga plano ko para kay Azron.

Hinayaan kong kumilos sina Alina at Kuya Josh para sa plano. At hahayaan rin nila akong kumilos para plano namin ni Alina kay Azron.

"Anika, Hindi pa rin ba nahuhulog sa patibong mo si Azron?" ani Alina.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at nagtungong kitchen upang kumuha ng maiinom. Sumunod naman sa akin si Alina habang nanatiling naka-halukipkip.

"Hindi pa. Ginagawa ko pa lang kasi."

Kumuha ako ng baso at sinalinan ito ng tubig.

"Isang linggo na itong plano natin, hanggang ngayon ay zero progress pa rin?"

Humarap ako sa kanya.

"Mainipin ka talaga, ano? Maghintay ka. Hindi ganoon kadaling patumbahin si Azron. Ano ang akala mo, porke't naramdaman na niyang may pinaplano tayo ay susuko agad siya? Alina, Miyembro ng isa sa malaking gang si Azron. Baka nga binabalak na niyang ipapatay ako."

"Okay, fine! Pero sa susunod kasi ay galingan mo na. Hindi 'yung sa isang araw ay isang plano ang ginagawa mo. Nau-ubusan na tayo ng oras. Baka mamaya, maunahan na nila tayo."

Umirap siya sa akin at tuluyang nilisan ang kusina.

Bumuntong hininga na lamang ako at binitiwan ang basong hawak ko.

Kailangan ko na talagang maisagawa ang plano namin.


Nang sumunod na araw ay hindi ko lang alam kung ano pang susunod na hakbang ang gagawin ko. Alam kong planado na ang lahat, at ewan ko kung bakit parang bigla-biglang gusto ko nang umatras.

"May gana ka pang magpakita sa akin."

Agad akong napalingon sa aking likuran.

"Azron."

Naglakad siya at huminto sa aking tabi.

"Pumapayag na ako,"

"Anong pumapayag? Saan?"

Kumunot naman ang kanyang noo.

"Your favor, remember?"

"Ah! Oh? Ano naman, anong tungkol doon. Hindi ba sinabi ko papayag lang ako na maging girlfriend mo kapag nagseryoso ka na." Lumapit ako sa kanya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya just enough para maramdaman niyang seryoso ako sa gusto ko sabihin. "Magseryoso ka muna."

Lumayo ako sa kanya at nagsimula na akong maglakad, ngunit bago pa ako makalayo ay nagsalita siya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"I accept it now. I will take you seriously. Iniwan ko na lahat ng babae ko. Is that enough?"

Ngumisi ako.

Bibigay ka rin pala Azron, e. Pinahirapan mo pa ako.

"Alright," Humarap ako sa kanya. "Halika na!" Hinila ko siya palapit sa akin and I gave him a kiss on his cheek.

"Why did you do that?" singhal niya matapos makabawi sa paghalik ko sa kanyang pisngi.

Sinimangutan ko siya.

"Bawal ba? We're official na. So, I have the rights to kiss you. Come on!" Hinila ko siyang muli.

Alam kong ayaw niyang magpa-hila dahil pilit niyang inaalis ang pagkaka-hawak ko sa kanya.

Unti-unti nang umaayon ang plano ko.


Courting My Bad Boy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon