Chapter 30Appreciate
Natapos ako sa lahat ng mga kailangang tapusin nang tumawag na si Azron.
"Hello.."
"What are you doing?"
Umupo ako sa gilid ng aking kama at mas lalo kong inilapit sa aking tainga ang cellphone.
"Nothing, katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko. How about you? Are you done at work?"
Narinig ko ang pagkalabog ng kung ano sa kabilang linya kaya agad akong nagsalita.
"Ano 'yon?"
"Wala naman. Nahulog ko yung pen holder ko." I then heard him chuckled.
"Akala ko kung ano na..uhm...nakausap mo na ba ang parents mo?"
Ilang minuto ang pananahimik ni Azron sa kabilang linya kaya tumayo ako at lumapit sa aking bintana. Hinawi ko ang kurtina upang matanaw ko ang làbas.
Maliwanag ang buwan at klaro ang kalangitan. May mga iilang stars din akong nakikita.
"Ang ganda.." wala sa sarili kong sinabi.
"What?" I finally heard him after a while.
"Yung langit...ang ganda.."
"Where are you now?"
"Sa bahay ako, nagtatanong kasi si Mom kung kailan ako uuwi.."
"That's okay na umuwi ka.."
Ngumuso ako nang naisip na hindi siya makakapunta kahit gabi na. Alam niya na kapag sa bahay ako umuwi ay hindi na siya pwedeng dumalaw.
"I badly wanna see you.." his voice was hoarse. Halata ang pagod sa kanyang boses.
"Magpahina ka na. Bukas na lang tayo magkita."
"Alright, then."
Ngumiti ako at hinintay na ibaba niya ang tawag at nang tumagal ay narinig ko na ang pagputol nh linya.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Sigurado akong tulog pa sila kaya naman ay naisipan kong lumabas para sana mag jogging. Gusto kong marelax kahit sandali.
Nagpalit ako ng pang jogging na suot atnaglakad na ako palabas ng bahay.
Tahimik sa labas ng village, walang mga tao, dahil kaoag hapon ay may mga bata ang madalas magbike. Pero dahil maaga pa hindi na ako lumayo pa.
Pasado ala-syete nang nagpahinga ako ay napagdesisyunan kong maglakad na lang pabalik ng bahay.
May dumaang sasakyan at bumagal ang takbo nito. Nang lingunin ko ay si Alina iyon.
"Pauwi ka na?"
"Oo."
"Get in." aniya. "Mas lalo kang matatagalan pag naglakad ka."
Left with no choice dahil medyo napalayo rin ako kaya pumayag ako sa alok ng kapatid.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at sumakay na.
"Ngayon ka lang nakauwi?" tanong ko nang nagsimula nang magmaneho si Alina.
"Yup. Galing akong Palawan. As usual, business trip."
"Okay," sagot ko.
Hindi na ako umimik at nang makarating kami sa bahay ay may nakahanda ng breakfast sa mesa.
Mom was preparing our breakfast. Si Alina na kahit kararàting lang galing airport ay agad na umupo sa hapag pagkatapos maghugas ng kamay at uminom ng tubig.
Gusto ko sana magbihis pa bago kumain pero Mommy insisted na kumain na muna.
Habang kumakain ay nagtatanong si Mommy about sa aming dalawa.
"You two are both busy. And your Kuya is still in France. Matagal pa bago uuwi."
Humigop ako ng hot chocolate at hinayaan si Mommy sa mga sasabihin niya.
"What about you, Anika?"
"Po?"
Bumaling ako kay Alina, nakatingin din siya sa akin. Curios at mukhang nag aantay ng isasagot ko.
"Uhm.. usual thing po Mommy,"
"I know," uminon si Mommy sa kanya teacup bago ako binalingan. "I've talked to Lizette Lim and she said that you are dating his son."
Hindi ako nakasagot.
Hindi ako agad nakaimik.
Mommy was looking at me. Gano'n rin si Alina. Naghihintay sila ng isasagot ko.
Bumuntong hininga ako at bumaling ako kay Mommy na naghihintay ng isasagot ko.
"Yes, Mom. I am still...in love with him.."
Nakita ko ang pagdaan ng galit at pagkadismaya sa itsura ni Mommy. I know that they're not in good terms because of what happend years ago.
"Kailan pa?"
Ibinaba ni Mommy ang tinidor na hawak.
"Mom.. i still love him. Hindi naman 'yon nawala-"
"Hindi ko siya gusto para sa iyo, anak."
"Mom.." I plead.
"Mommy." Si Alina. "Nasa tamang edad na si Anika. Let her enjoy her life. It's up to them how they will handle this problem between our families."
"I know better who is deserving for you. For the both of you.."
Umiling si Alina.
"Mom, we know that. But don't you trust us?"
Hinawakan ko ang kamay ni Alina dahil alam ko na kung saan ito tutungo. If Daddy wants us to manage our company then Mommy will agree to his decisions.
"All of our life, we followed what this family want. Hindi na namin nagagawa ang gusto namin. Daddy was not here. He's-"
"That's enough, Alina."
Padabog na tumayo si Alina at nagmartsa paakyat ng hagdan. Lumingon ako kay Mommy. She was looking at me.
"I'm sorry, Mom. Mahal ko po siya." Tumayo ako at lumapit kay Mommy upang haplusin ang kanyang kamay pagkatapos ay naglakad na ako patungong kwarto.
I appreciate this family, but it's too much that even what we really want ay hindi namin pwedeng gawin when it comes to career.
BINABASA MO ANG
Courting My Bad Boy (COMPLETE)
RomanceCourting My Bad Boy She only want peace. He's good at destroying it. A deep-rooted hate, life changing descisions and thirst for revenge. All Rights Reserved © bluecrazyaddicted