Chapter 14 : Change

33 3 0
                                    


Chapter 14

Change

Tahimik lamang ako nang hinatid niya ako sa aming bahay. Walang may balak magsalita habang nasa biyahe kami parehas.

"Pinakuha ko na ang sasakyan mo," aniya. Hindi ko siya nagawang lingunin, dahil alam kong seryoso ang kanyang mukha.

"Okay." walang ganang sagot ko. Pinanatili ko lang ang tingin ko sa bintana. Hindi ko kayang tingnan siya.

"Are you alright?" Wala sa sarili akong napatingin sa kanya. He looked at me. Ako na ang unang umiwas ng tingin.

"Okay lang ako." sabi ko.

Napansin ko ang pag igting ng kanyang panga. Ano naman kaya ang iniisip nito?

Pasimple akong sumulyap sa kanya habang nagmamaneho siya.

His hooded eyes are very intimidating, I don't remember when or where I get easily hooked with his eyes. It's like his eyes is very dangerous.

"What?"

"Huh? Ah wala." Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya. Medyo dinapuan ako ng hiya dahil sa tagal ng pagkakatitig ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa aming village.

Ginawa ko na lang na busy ang aking sarili sa pagtingin sa mga bahay sa buong village at sa mga sasakyang dumaraan.

Tumigil ang sasakyan sa tabi ng aming bahay. Nakita ko agad ang paglabas ni Kuya Josh sa aming bahay. Sumunod si Alina.

Nauna nang bumaba si Azron. Kumalampag ang pinto ng sasakyan kung saan lumabas si Azron.

Huminga ako ng malalim at lumabas rin ako ng sasakyan. Parehas na mga mata ang bumaling sa akin.

Mabilis na lumapit sa akin si Kuya Josh at inilayo ako kay Azron.

"Makakauwi ka na," Mabilis kong binalingan si Kuya na matalim ang tingin kay Azron.

"Kuya," aniya ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya Josh.

"Ano pa ang hinihintay mo? Makaka alis ka na." aniya Alina. Hindi na nila nagawang pakinggan ang sinabi ko.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Kuya sa akin.

"Salamat sa tulong mo, Azron." Namamaos na sabi ko kay Azron. Tila lumambot ang kanina ay matalim na tinginan nilang tatlo.

"I'll go now," aniya sa akin at tinalikuran kami.

"Oo, tama umalis ka na-"

"Kuya," Hindi ko na pinatapos pa si Kuya.

Mabilis na naglaho sa aming paningin ang sasakyan ni Azron.

Ako na ang naunang pumasok sa loob ng bahay.

"Ano naman ang napag usapan niyong dalawa? May nakuha ka bang bagong lead?" Binalingan ko si Alina na ngayon ay nakahalukipkip.

"Talaga ba? Halos muntik nang may kumuha sa akin kanina. Tapos iyan ang itatanong mo sa akin? Hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta na ako?"

"Tsk. I don't want any of your dramas." umirap siya. " If you don't have any news, then, I'll do it."

"Anong gagawin mo?" may pagbabanta sa boses ko.

"Kill him."

"Don't you dare, Alina."

"Bakit? Huwag mo sabihing nagkakagusto ka na sa kanya? Baka nakakalimutan mo kung sino ang tunay na kalaban natin?"

"Hindi nga iyon!"

"Iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan."

"Ayaw ko na nitong ginagawa natin! Gusto ko nang tahimik na buhay! 'Yong malayo sa ganito!"

"Lagi ko na ba kayong maaabutang nag aaway na dalawa?" Parehas kaming napalingon sa pintuan, si Mommy, kagagaling lang sa bakasyon niya sa Europe.

"Mom!" Mabilis na yumakap si Alina kay Mommy. Lumambot ang kanina ay galit na mukha sa akin.

"How are you, hija?" Lumayo si Alina kay Mommy.

"I'm fine, Mom. I mean, we're fine."

Lumakad si Mommy palapit sa akin.

Hinaplos ni Mommy ang aking buhok at malamyos akong tiningnan.

"Mom, akyat lang po ako." paalam ni Alina. Bago siya lumakad ay matalim niya akong tiningnan. Hindi ko alam kung bakit parang nitong huli ay lalong uminit ang ulo sa akin ni Alina. Samantala, noong pumayag ako sa misyon na ito, ay napakabait niya sa akin.

"Pinahihirapan ka ba ng mga kapatid mo?"

"Mommy, I don't want this. Ayoko ng ganito."

"Hija, Kung nabubuhay lang ang Daddy niyo, I am sure ito rin ang gusto niya para sa iyo."

"Mom, ang pumatay? Ang maging ganito? Nabubuhay sa paghihiganti at galit?"

"Hija," Muling hinaplos ni Mommy ang aking buhok.

"Mommy, ayoko nito. I just want a normal life. This life na ibinigay ni Daddy sa atin, I am sure na hindi niya-"

"Your Dad is very generous, Hija. He just want a better life para sa inyong tatlo."

"Ang alin, Mom? Itong buhay na ito? Wala na nga si Daddy, dahil sa mga nangyayaring ito. Puro paghihiganti pa ang nasa puso nina Kuya at Alina."

"Gusto nilang ipagpatuloy ang sinimulan ng Daddy mo, Alam mo naman kung sino ang gumawa noon sa Daddy mo, hindi ba?"

"I know, Mom."

And I know if this war will continue, it will ruin everything.

Courting My Bad Boy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon