Kabanata 5

10.5K 248 16
                                    

Kabanata 5

Pagpayag

Months had been passed. Maraming nangyari. Tapos na rin ang unang sem kaya pumapasok na kami ngayon for second semester. Wala namang masyadong nangyari nang nakaraang pasko at bagong taon, it was just a simple celebration with family. Wala nga lang si Ate.

Sa mga nakaraang iyon, mabilis kumalat ang balita sa buong unibersidad na nililigawan ako ni Alvaro. Katulad na lang ng nangyari kay Ate nang malaman ng lahat na sila ni Marcus, naging usap-usapan iyon sa lahat. Students who always keeps their distance with me became a pester because of him. And damn this Alvaro! Gustong gusto pa yata ang nangyayari. He liked publicity. Jeez.

Naiirita na rin ako kay Austin dahil pinepeste niya ako araw-araw na sagutin ko na ang lalaking iyon dahil sobrang dami na rin nitong ginawang pakulo. He's always giving me bouquet of flowers. Walang palya sa mga nagdadaang araw. Parati rin niya akong sinusundo sa tapat ng room at hinahatid bago makapasok. Ewan ko ba sa kanya kung paano niya nalaman ang schedule ko---oh damn it! Si Austin! Siya ang may pakana no'n!

Nandito ako ngayon sa school. I'm having a training in taekwondo. Matagal tagal na rin ang huling training ko at dito ko ibinubuhos ang lahat ng stress sa mga nagdaang araw. Alvaro's not here with me because he's on his internship. At sa pagkakaalam ko, pagkatapos ng fifth year niya rito sa SJU, isa na rin siya sa mamamahala ng Saldivar Architecture Firm na pagmamay ari ng pamilya nila.

"Nice kick, Liandra! We'll continue the next session on------"

"If I'm on my mood." Hinihingal na putol ko sa sasabihin ng trainor ko.

Ngumiti naman siya at tumango, "I see. Well, kung gusto mo naman, pumunta ka na lang dito. May mga trainee rin naman akong araw-araw na tinuturuan."

"Yeah, sure! I'll go ahead for now... and thank you." Nakangiting pamamaalam ko.

Austin quickly get and carry my bag. Binigay din niya ang isang bote ng tubig na nabuksan na rin niya.

"Thank you." Sabi ko sabay ininom ang malamig na tubig.

"Sporty as it is." Nakangising sabi ni Austin habang umiiling.

"That's my another stress reliever, Austin. Iyan lang ding sports ang ginagawa ko. I'm not so athletic enough to be called sporty." Natatawang sabi ko dahil iyon ang totoo.

"Whatever!" Maarteng aniya at natawa na lang ako.

Sabay kaming naglakad palabas ng school. Walang masyadong estudyante dahil sabado ngayon. Niyaya ko lang din si Austin kasi wala akong makasama papunta ng school and I need an assistant. Mabuti na nga lang at pumayag siya. Siguro'y wala pa siyang lakad kaya naman nandito siya't hinintay ako hanggang sa matapos ang session ko.

"Oo nga pala, nagtext diyan ang manliligaw mo." Sabi niya nang makarating kami sa loob ng parking lot.

Hindi ako nagdala ng sasakyan dahil tinatamad akong mag-drive at tamad talaga akong mag-drive. I'm not a fan of cars, hindi ako mahilig magmaneho. Sumasabay lang ako o di kaya'y nagpapahatid at nagpapakaon sa driver namin. Minsan ko lang din dalhin ang sasakyan ko kapag urgent or natipuhan kong gamitin. Inusap ko lang talaga kanina si Mang Fred na ihatid muna ako bago si Mama na sinunod naman nito. Tsaka ang balak ko sana'y magpahatid na lang kay Austin pauwi.

"Anong meron?" Tugon ko.

Tiningnan ko siya at isinara ang boteng ininuman. Nakangisi si Austin habang nakatingin sa akin at base sa ekspresyon niya'y mukhang may ginawa siyang kung ano na hindi ko magugustuhan.

"Kung free ka raw today and... I'm sorry if I replied you're not busy." Mahinang sambit niya na ikinamilog ng mga mata ko.

"You freak! I have many things in my head to do!" Bulyaw ko sa kanya sabay pinaghahampas siya sa braso kaya daing siya ng daing.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon