Kabanata 47

9.4K 197 16
                                    

Kabanata 47

Revelation

Gaya ng sinabi ni Kenzo, nagpunta siya araw-araw sa mansion para sa anak ko. Isang linggo na rin ang nakalipas na ganito ang estado namin at hinahayaan ko lang siya. Hindi ko rin naman siya pinapansin habang nandito siya. Hindi rin naman niya ako kinikibo kaya mas ayos sa akin ang ganito.

Ayoko na ring makipagtalo. Nakakapagod kaya nanahimik na lang ako. Pilit niya rin kasing iginigiit na mahal niya ako samantalang may fiance siya at mahal na mahal niya si Bea.

Hindi rin mawala sa isip ko ang halik na iginawad niya sa akin nang unang beses na nagkausap kami. Binabaliw na naman ako ng nararamdaman ko. Halos gusto ko na lang kalimutan ang ginawa niya sa akin dahil ang totoo'y miss na miss ko na rin siya.

Nakakatawa, hindi ba? Galit ako sa kanya at the same time mahal na mahal ko rin siya kaya heto't nababaliw ako dahil hindi ko alam kung anong susundin ko. Kung utak ba o ang puso kong tila naghahari na sa sistema ko dahil lang sa halik na iyon.

Bakit ba ganito ko na lang minahal ang lalaking iyon? Ilang taon na ang nakalipas, pero ganito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit hindi ako makawala sa nararamdaman ko? Totoo rin ba ang pagmamahal niya sa akin o isa na namang patibong iyon dahil gusto niyang kunin ang anak ko?

But he told me he will never took Enzo from me. Hindi niya raw iyon gagawin dahil ako ang gusto niyang makuha. God! That man really knows how to made my heart gone wildly beating for him.

Nandito ako sa may balkonahe, pinapanuod ang anak ko at si Kenzo mula rito. Sa halip na laro ang gawin nila, naging hobby na talaga nilang mag-bonding sa harap ng coloring book. Mukhang nakuha talaga ni Enzo ang pagiging artistic dahil mukhang hindi siya mahilig sa laruan. Sa murang edad, iyon ang gusto niyang gawin dahil simula nang magka-isip siya sa kung anong ginagawa ko, namamakialam siya sa mga pinta at iginuguhit ko. Namulat na siyang gano'n ang ginagawa ko kaya kapag may projects ako, binibigyan ko siya ng papel, lapis at pangkulay. Sabay kaming gumuguhit. Somehow, I can say, that's our bonding together. Nakakatuwa.

Napangiti naman ako nang makita ang emosyon sa mukha ng anak kong tuwang tuwa dahil nakatapos na siyang magkulay sa pahinang iyon. Hindi ko rin maipagkakaila sa sariling tama silang lahat. Kailangan talaga ni Enzo ng ama na maituturing na kanya dahil kahit anong gawin ko, hindi ako sapat. Kasi kung sapat na ako, sana hindi na naghahanap pa ng atensyon si Lienzo kay Kenzo.

Huminga ako ng malalim at umalis doon. Inihiga na lang ang sarili sa ibabaw ng kama at nag-isip ng kung ano-ano tungkol sa paano kung hindi ko pala nalaman na ginagamit ako ni Kenzo? Mananatili kaya siya sa tabi ko? Masaya kaya siya na magkakaanak kami? O balak na rin niya talagang iwan ako pagkatapos niyang magawa ang balak niya? Kasi kung totoong mahal niya ako, sana wala siya sa bahay ni Beatrix. Sana nakipag-ayos siya kaagad sa akin o hinanap man lang ako. Kaya paano ko papaniwalaan ang mga binitawan niyang mga salita kung ang dami kong pagdududa sa kanya?

"Mommy, are you okay?"

Napangiti ako at niyakap ang anak ko sa pagkakahiga. Pinupog ko rin siya ng halik sa pisngi kaya tawa siya ng tawa.

"I'm okay, baby. Where's your daddy? Are you done coloring?" Malambing na sabi ko nang tumigil ako sa paghalik sa kanya.

Hindi ko man lang namalayang nandito na pala siya. Sobrang lalim pala ng talaga ng iniisip ko kanina. Hays.

"No mommy. Daddy is just worried about you that's why we came here." Inosenteng sagot niya habang umiiling kasabay ng pagkarinig ko ng katok mula sa pinto ng silid.

Bumukas iyon at sumilip si Kenzo na matamis ang ngiti kaya hagyang tumalon ang puso ko sa tuwa.

"Can I come in?" Pamamaalam niya.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon