Kabanata 44
Philippines
"Welcome home, Lia!" Salubong sa akin ng pamilya ko na may masayang masayang ekspresyon sa mukha nila nang tuluyan kaming makapasok ni Enzo sa loob ng mansion.
Ngunit bigla silang nanahimik nang dumako ang tingin nila sa baba kung saan nakatayo ang anak ko habang nakahawak sa kanan kong kamay, inosenteng nakatingin sa lahat ng taong nasa harapan namin.
I expected this to happen when they saw us. Syempre, ilang taon akong nawala. Ilang taon kong itinago ang anak ko sa kanila kaya hindi na ako magtataka na magulat sila ng sobra.
They also surprised me a big time dahil may confetti pa silang isinabog pagpasok ko. Masaya naman ako dahil nandito kami ng anak ko. Handa ko na ring sabihin sa kanila ang lahat lahat.
I know they have been worried about me. Especially my parents... nalaman ko kay Ate na pinahanap ako ng parents ko but when they rest assured na nasa mabuti naman akong kalagayan, napanatag na sila. Nga lang, I requested to Ate to hide where exacyly am I. Ang sabi ko pagtakpan niya ako. Na kaya ako umalis ay para sa career ko. 'Yon ang nasa isip nila noon but silly, they're now seeing me with a child who completely look like a Saldivar. Damn.
"Lia? Anak?" si Mama ang unang naglakas loob umimik sabay lumapit sa amin.
Malungkot akong ngumiti. Tuluyang naluha nang yakapin ako ni Mama ng mahigpit. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pangungulila sa kanila kaya hindi ko napigilang maging emosyonal. Akala ko ang lakas ko... but then I was wrong. I'm weak. I need them in my life. Bigla ko tuloy kinaawaan ang sarili ko nang mga nagdaang taon dahil wala sila sa tabi ko. I'm weak and now I'm crying like a baby with my mother's arms.
"Mommy!" Tawag ni Enzo, bakas ang matinding pag-aalala sakin kaya mabilis akong kumalas kay Mama.
"Mommy, don't cry. Daddy will get mad at me if he will know mommy is crying. I should do everything to protect you. That's what daddy told me. So mommy, don't cry. Please." Pagpapatahan sakin ni Enzo.
Natawa na lang ako dahil walang oras na hindi niya binanggit ang pangalang Manu na tinuturing niyang Daddy na makikita na raw niyang muli. Tapos may ganito pa palang bilin ang lalaking iyon. I don't know what to feel but I'm thankful to him because if he didn't ever told Enzo about this country, I will never have the guts to come home.
"Mommy will stop crying if Enzo will kiss and hug mommy. Can you do that baby?" Sabi ko sa kanya kaya mabilis niya akong hinalikan ng tatlong beses sa labi't niyakap ng mahigpit na nagpangiti ng lubos lubos sa akin.
Tuluyan ko naman siyang kinarga. Humugot din ako ng malalim na hininga para harapin silang lahat. Alam kong naguguluhan na sila kaya ngumiti ako sa kanila. Nang tumama naman ang mata ko kay Ate, tumango siya habang may matamis na ngiti.
"Papa, Mama and all of you here, I want you to meet Lienzo Immanuel, my son."
I thought they will not react exaggeratedly anymore dahil nasaksihan na nila. Kita na nila. So, I chuckled at them. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko nang isa isa silang lumapit samin at yumakap. It's very heart warming. This is family. My family.
Honestly, I prepared myself with this. I expected they will just accept me. Of course I expected the bad side to that they would judge me lalo na ang mga kasambahay namin.
Sino bang hindi manghuhusga kung malaman nilang edukada ako, pinalaki ng maayos, propesyunal pero heto at may anak ako pero walang maiharap na asawa sa kanila. That after many years of being disappear, magpapakita na lang ako bigla na may kasamang anak.
BINABASA MO ANG
Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)
RomansHighest rank: #3 in General Fiction #76 in Romance Synopsis Acosta Sisters Series #2 Liandra Jade Acosta is a hot, sexy and gorgeous. She's almost perfect because of the talents she have. Sinalo na yata nito lahat ng talento sa mundo. That's why al...