Kabanata 37

7.5K 179 18
                                    

Kabanata 37

London

Kabababa ko lang mula sa loob ng eroplano. Kinakabahan ako at the same time I keep telling myself that this right. That I need this. Nga lang, I still don't know what to do. Kung paano magsisimula sa panibagong buhay na ito, malayo sa kinasanayan at kinagisnan ko.

Iginala ko ang paningin sa labas. Lahat ng nakikita ko kakaiba sa akin. Mga tao, itong lugar, lahat lahat. And I guess there is no turning back. Kakayanin ko, wala man akong kakilala.

Sa tingin ko, kailangan ko na ring maghanap ng matutuluyan. Kung hindi ako agad makahanap, mahihirapan talaga ako dahil mauubos ang pera ko kung habambuhay ay sa hotel ako mananatili.

Nakakalungkot. I ended fucked up. Pero hindi ako susuko. Ipagpapatuloy ko ang desisyong ito para sa anak ko dahil ayokong mabuhay siya na hindi magustuhan ng ama niya. Ayokong maramdaman niyang pagkakamali lang na ipinanganak siya. I want my child to grew up with pure love. Iyon lang muna ang nasa isip ko ngayon.

Nagpapasalamat nga ako dahil kahit papaano may pera akong naipon mula sa trabaho na pwede kong magastos. Malaki laki rin ang naitago kong pera dahil na rin sa mga paintings na naibenta ko noong sumali ako sa exhibit at itong projects na kailangan kong gawin. It's more than enough and a big help for me.

Maghahanap din ako ng trabaho rito dahil maaaring kulangin ako para sa mga gastusin. Isa pa, wala akong ni isang gamit sa tutuluyan ko kung sakaling makahanap ako. Isa pa, mahal din ang apartment dito kaya mauubos agad ang pera ko kung hindi ako magtatrabaho.

Pumikit ako at nilanghap ang hangin sa labas. Kinuha ko rin ang cellphone ko nang tuluyang makalabas ng airport. Bigla ko lang naalala na kailangan kong mag-update na safe akong nakarating sa bansang ito.

Binuksan ko naman ang wifi ng iphone ko para kontakin si Austin at Jo. Dahil iba ang network dito, through imessage ko napiling magmessage sa kanila. Kaya nang kumonek ako sa wifi, agad na bumadha ang maraming mensahe galing kay Austin, Jo, Ate Ellaine at kay Kenzo.

Nanginig naman ang kamay ko habang nakatitig sa pangalan ng lalaking minahal ko ng sobra pero sinaktan lang ako't ginamit.

Ayaw ko mang buksan ang mensahe niya, ngunit kanya pa rin ang una kong binasa. Tanga ko 'no? 

From: Kenzo

       Where the hell are you? Please answer me! Damn it, Liandra!

Iyon lang ang laman ng mensahe niya pero marami iyon at sunod-sunod. Meron din akong nabasa na nag-aalala raw siya kaya sagutin ko ang tawag at mga texts niya. I don't know if he's worried about me or what? Baka may kailangan pa siya kaya gano'n na lang niya akong hanapin.

Mapait akong ngumiti. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko para sa kanya. Kung galit, poot, pagmamahal ba o pangungulila. Ewan, hindi ko na alam. I'm just tired with all my life. Pagod na pagod na ako sa kanya, sa lahat.

At alam kong dito lang ako makakapagsimula muli dahil sigurado na akong malayo na ito sa kanya't hindi na ako matutunton pa. Handa ko na rin siyang kalimutan para sa ikabubuti namin ng anak ko. Kaya huminga ako ng malalim para pigilan ang luhang gusto na namang kumawala sa mga mata ko at ngumiti na lang.

Tuluyan ko na ring binura ang mensaheng iyon ni Kenzo dahil kung pananatilihin ko pa rito ang mga text messages niya, mas lalo akong hindi makakalimot.

"Huwag kang mag-alala, anak. We can be happy kahit tayong dalawa lang. Ipinapangako ko iyan sayo." Nakangiting sambit ko sabay hinaplos ang tiyan ko.

Nang nabuksan ko naman ang mensahe ni Austin, may sinabi siyang may susundo sa akin mula rito. Hindi ko naman alam kung sino iyon dahil wala naman akong maalala na may kamag-anak o kaibigan siyang naninirahan dito. Humingi rin siya ng paumahin pero hindi niya sinabi kung para saan iyon kaya nagtipa ako ng mensahe para sa kanya. Kaso delivered lang iyon kaya wala akong nagawa kundi hintayin muna ang reply niya bago ako umalis dito.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon