Kabanata 23

7.5K 184 25
                                    

Kabanata 23

Forget Me Not

Since then after hearing those deadly words came out from him, all I did is to avoid him. Sa tuwing papasok, mas maaga sa oras ng klase ko. Sa pag-uwi, patago akong lumalabas ng university at doon sasabay kay Austin. Gano'n lang ang daily routine ko.

Sa nagdaang sem na iyon, naging matagumpay ang plano ko kaya hindi na ako kailanman ginulo ni Kenzo. It's over! Tama na talaga ang katangahan ko. Hindi na maganda ang epekto sakin. What I mean is wala naman talaga siyang magandang naidulot sakin since the beginning.

Ilang taon na rin ang nakalipas pero mistulang sariwa pa rin ang nasaksihan at narinig mula sa labi niya.

I can't forget it kaya tuwing gabi, umiiyak na lang ako kapag walang magawa. I feel so down, wrecked and ruined. I hurt myself. Dapat umalis na lang ako noon. Nang sa gayo'n ay hindi siguro ako nasaktan.

Austin knows about it. Umamin ako dahil nagtaka na siya sa pamumugto ng mga mata ko sa tuwing papasok ako. I often wear sunglasses to hide my swollen eyes. Hindi naman ako pinakialaman ng iba nang sabihin kong may sore eyes ako.

Alvaro on the other hand, gano'n pa rin. Busy pa rin siya sa firm nila pero hindi naman siya nakakalimot magtext o di kaya'y tumawag noon.

Ngayon, ikatatlong taon ko na sa trabaho. Naririto ako sa Manila dahil dito ako nakadestino gaya ng ipinakiusap ko. And I feel so blessed because I got to work here in Saldivar Architecture Firm. And I feel good because I never saw him again after that freaking New Year's Eve. Masasabi ko ng maayos ako dahil siguro sa bagong ambiance. Bagong buhay at malayo sa kanya. Malayo rin sa mga ala-ala na ako lang naman ang nagte-treasure.

Dito sa Manila, kasama ko si Alvaro. We often date everytime we go home. Of course, if he wasn't very busy... but I understand it. Siya ang CEO ng kompanya kaya dapat lang na maintindihan ko. Pero bawing bawi naman siya kasi siya parati ang naghahatid sundo sa akin sa condominium na tinutuluyan ko. Nga lang, tuwing late siyang makakauwi dahil sa meetings, pinapahatid na lang niya ako. Pero pag hindi urgent at may meeting siya kinabukasan, magdadala ako ng sasakyan para hindi na nakakaabala sa driver.

I sipped my coffee while making a blueprint at this late night. Nasa condo na ako pero trabaho pa rin ang ginagawa ko. Si Ate Ellaine kasi nagpapagawa ng blueprint para sa itatayo niyang bagong resort sa Nasugbu, Batangas. Sobrang demanding niya kaya hindi ko matapos tapos. Akala niya siguro wala akong ibang ginagawa when I still have remaining projects to do. Hindi naman kasi biro ang pinagagawa niya lalo na't malaking resort ang itatayo. And she told me to finish it right away. So, how can I do that?

Ano ako si wonder woman? Tss.

Nagtalo pa nga kami kasi sinabi kong hindi ko matatapos iyon kaagad. It's not possible to make it with just one day! Tapos may ipinapabago pa siya. Hay nako, Ellaine Ysobelle! Hindi ko alam kung maganda nga bang umuwi ka na rito sa Pinas o hindi. She's not innocent anymore! She's now scolding me. She's mean especially when she can't get what she wants! Kung dati rati, she's not ignoring my calls or everyone's calls so she can give help, ngayon kung maka-ignora siya, wagas!

Nga lang, advantage samin na narito na siya kasi kinuha na niya ang posisyon kay Papa. Matanda na rin kasi si Papa kaya kailangan na ring magpahinga sa trabaho. Laking pasasalamat namin ni Kali nang tuluyan na siyang umuwi at masaya naman ako para sa kanya kahit pa lagi niya akong inaaway dahil sa blueprint na 'to.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Nag-flash doon ang pangalan ni Ate kaya napairap ako.

From: Ate Ellaine

Can you do it faster, Lia? I need it as soon as possible.

Umirap ako sa ere at nagtipa ng mensahe. Sinabi ko lang na ginagawa ko ang lahat maabot lang ang expectation niya. Pero hindi naman siya nag-reply.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon