Kabanata 50

10.6K 208 1
                                    

Kabanata 50

Art Gallery

Nakarating ako sa mansion, umiiyak at wala sa sarili. Hindi muna ako lumabas ng sasakyan. I don't want them to see me look wasted lalo na ng anak ko. Alam kong hindi iyon masisiyahan kapag nakita niya akong malungkot at umiiyak kaya huminga muna ako ng malalim at pinalis ang mga luha sa pisngi. Pinilit ko ring ngumiti kaya nang makuntento ako sa itsura ko'y tuluyan na akong lumabas sa sasakyan. Pero laking gulat ko na lamang nang tumambad sa harapan ko si Kenzo. Galit at seryosong nakatingin sa akin.

"What are you doing here?" Pagalit kong tanong.

Pero imbis na sagutin ako, mabilis niya akong hinigit at pwersahang ipinasok sa passenger seat ng sasakyan niya.

"Kenzo!" Naguguluhan kong pagtawag kasabay nang pagpasok niya sa may driver seat at walang sere-seremonyang binuhay ang makina at pinaharurot iyon palayo sa mansion.

Nang balingan ko siya, nababakas ang galit sa kanya at hindi ko alam kung bakit siya pa ang may ganang magalit gayo'ng siya ang nagtaksil sa aming dalawa.

"What do you think you're doing?" Mariing tanong ko habang mabilis ang pagpapatakbo niya papunta sa kung saan man niya ako dadalhin.

Natatakot na rin ako dahil hindi ito ang normal niyang pagpapatakbo sa sasakyan. I feel like we're going to be in an accident kung hindi niya ito pababagalin.

"Kenzo! Lower your speed!" Utos ko pero sa halip na bagalan, mas lalo pa yata niyang binilisan.

Sunod-sunod ang lunok ko habang matindi ang kaba. Mabuti na lang at walang mga sasakyan na masyadong dumadaan kundi baka maaksidente kami ng wala sa oras. But the fear I'm feeling right now does not fade.

Nakakatakot siya. Walang bakas na emosyon sa mukha niya na parang dati lang. Yung parang noong mga panahong hindi ko maramdaman na mahalaga ako dahil tsaka ko lang nakikita ang emosyon niya kapag kaharap niya si Beatrix or di kaya'y kapag napag-uusapan si Bea.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Iritadong tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot.

"Bakit hindi mo na lang intindihin ang mag-ina mo? Mas kailangan ka naman yata nila." Sabi ko.

Namataan ko ang pag-igting ng panga niya, tila kinokontrol ang sarili. Sobrang higpit din ng paghawak niya sa manibela at ramdam ko ang iritasyon sa mga mata niyang nakatuon lang ang atensyon sa daan.

Bumuntong hininga ako. Hindi na rin ako umimik at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari. Kaya nang tumigil ang sasakyan, napaawang ang labi ko dahil dinala niya ako sa hide out kung saan tinuruan niya akong mag-pottery.

"Come with me." Walang emosyong turan niya.

Kahit labag sa loob kong sumunod sa kanya, sumunod pa rin ako. Namiss ko ring magpunta rito at mag-pottery.

God! Walang pinagbago ang lugar na ito makalipas ang mahabang panahon. Parang inalagaan pa ring mabuti ni Kenzo ang bahay dahil gano'ng gano'n pa rin ang itsura.

"Bakit mo ako dinala rito?" Kapagkuwan ay iyon ang lumabas sa bibig ko.

Sa halip na sumagot, hinuli niya lang ang kamay ko. Magpupumiglas sana ako nang higpitan niya ang pagkakahawak doon kaya napabuntong hininga na lang ako.

Nagtungo naman kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan niya iyon gamit ang susing hawak na kinuha niya sa bulsa sabay ipinasok sa seradura ng pinto. Nang tumunog iyon, kaagad niya iyong pinihit at binuksan.

When I stepped inside on that room, my jaw dropped when I saw myself in every painting there. Lahat ako ang subject ng mga painting. Gosh!

The painting was ascending in order. Simula ito noong makilala niya ako dahil may canvas ako ritong nakahilig ang ulo sa may manibela ng sasakyan niya. Pati noong sa feeding program na masaya kong inaabutan at binibigyan ng mga pagkain ang mga bata. Noong lumaban ako sa kumpetisyon na masayang nagpipinta. Noong nasa kanilang mansion ako habang gumagawa ng mga templates. Pati noong nagtatrabaho ako meron ding pinta.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon