Kabanata 21
Bodyguard
"Oh my God! I missed you so much, bessy!" Salubong na bati sa akin ni Austin sa may parking lot nang makababa ako sa sasakyan.
Ang lakas maka-bakla ng boses ng gaga. Palibhasa kami lang ang nandito. Pero namiss ko rin siya, gosh! Ang huling pagkikita kasi namin ay no'ng nag-bar kami sa may Lipa. Honestly, niyayaya naman niya ako madalas pero mas pinili kong magkulong na lang sa bahay noong nagbakasyon.
I just don't feel to hang out. Masyado rin akong na-stress dahil sa lalaking iyon. But well, nevermind! I already sick of my love for him. Masyado na akong nabaliw sa kanya. Nasasaktan kapag naaalala ang pangyayaring iyon.
Ang sarap sarap niyang ibaon sa lupa, alam niyo ba 'yon?
Hindi naman kasi talaga makatarungan ang ginawa niya sakin, gosh! He called me Bea, okay? He called me when I'm not Beatrix for God sake! Nakakawala ng bait iyon at sa ilang linggong bakasyon ko, iyon lang ang tanging nasa isip ko at nasaktan na naman ako ng sobra.
My pride, my ego, gosh! Lahat lahat wala na siyang tinira. My heart has been wrecked because of that fucking bastard Kenzo and I hate him to the depth of hell until now.
Kahit siya rin ang naghatid sa akin, hindi ko siya kinibo nang mga panahong iyon. I never talked back to him kahit nagsasalita siya. Ni hindi ko rin siya inimbitahan papasok sa loob ng mansion sa ininflict niyang pain sakin. Hindi ko rin nasalubong ng maayos ang pamilya ko dahil walang wala talaga akong gana. Parang naupos akong kandila nang mga sandaling iyon. Nawalan ng buhay sa sobrang tindi ng sakit na binigay niya.
Good thing, hindi na sila nagtanong kung bakit gano'n ako dahil sinabi kong pagod lang ako dahil sa paparty ng mga Saldivar sa akin.
Nandito nga ako ngayon sa SJU dahil pasukan na ulit. This is our last term in this school and I'm so excited to graduate. Nangako rin kasi sa akin si Tito na kukunin niya ako para sa firm at syempre, who am I to refused that offer when it is a good opportunity to me, right? So, I grab it. I'm so excited to work too.
"I heard the great architect Immanuel Saldivar absorbed you. Puro papuri ang matandang Saldivar na iyon, Liandra ayon sa sabi-sabi. Grabe, ikaw na talaga!" Masiglang sambit ni Austin at napailing na lang ako hanggang sa makaupo ako sa upuan sa loob ng room.
"They are just good to me, iyon ang totoo." Sagot ko pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita tungkol doon na hindi ko na lang inintindi.
Nagsimula na rin ang klase at briefing lang naman ang nangyari. Ang ibang prof naman ay hindi umattend sa kadahilanang unang araw pa lang naman ng pasukan. Kaya heto ako't nagliligpit ng mga gamit para lumabas na sa classroom dahil tapos na ang klase ngayon.
Kasabay ko ngayon si Austin patungong parking lot nang mahagip ng mga mata ang lalaki habang kausap ang isang propesor na hindi nalalayo ang edad sa kanya.
Pain crepts within me.
Iiwas na rin sana ako ng tingin nang makita niya ako. Mukhang nagpaalam na rin siya kay Ms. Regina na kung makatingin sa kanya'y parang siya lang ang lalaki sa mundo.
Tss. Playboy!
Nagpatuloy nanan ako sa paglalakad. Habang si Austin naman ay patuloy pa rin sa pagkukwento tungkol sa experience niya sa training niya.
Pero hagyang naiwan sa ere ang kasunod na sasabihin niya nang may bigla siyang itinuro.
"Si Kenzo!" Bulalas ni Austin sabay binundol ang braso ko.
Nagtaas ng isang kilay si Kenzo kay Austin. Mukhang mainit ang dugo sa katabi ko pero agad ding bumaling sa akin.
Binalewala ko naman ang presensya niya. At akmang lalampasan na sana siya nang pigilan ako ni Austin habang may naka-plaster na ngisi sa labi.
BINABASA MO ANG
Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)
RomanceHighest rank: #3 in General Fiction #76 in Romance Synopsis Acosta Sisters Series #2 Liandra Jade Acosta is a hot, sexy and gorgeous. She's almost perfect because of the talents she have. Sinalo na yata nito lahat ng talento sa mundo. That's why al...