Kabanata 17

8.1K 193 9
                                    

Kabanata 17

I'm hurting

"Beatrix... what are you doing here?" Tanong ni Kenzo habang salubong ang mga kilay.

Tumingin sa akin ang babae sabay baling kay Kenzo. Mabilis naman itong lumapit kung nasaan si Kenzo sabay mahigpit na niyakap.

"Nagpunta ako sa station mo pero sabi nila hindi ka raw pumasok kaya nagpunta ako rito." Magiliw na sabi ng babaeng Beatrix ang pangalan.

Mapait ko silang pinagmasdan. The way Kenzo looked at this woman is really different. Punong puno iyon ng adorasyon at pag-iingat na never kong nakita sa paraan ng pagtingin niya sakin.

"You should just text or call me so I can go with you." Marahang sabi ni Kenzo sa kanya.

Damn shit, why am I hurting? Why am I feeling this way? Bakit parang pinagpipira-piraso ang puso ko ngayon? Bakit ako nasasaktan? Akala ko kaya ko ng ihandle ulit ang nararamdaman ko. Pero bakit tila nagkamali ako?

Para akong tangang nakatayo. Natulos sa pwesto. Hindi makaalis sa di ko rin malamang dahilan.

Kahit anong oras, kahit kanina o ngayon... pwede akong umalis pero hindi ko magawa. Nasasaktan ako!

"I'm lonely and I need you." Malungkot na hinaing ni Beatrix sabay hinawakan niya ang kamay ni Kenzo.

Bumuntong hininga si Kenzo sabay lumipat ang tingin sakin kaya nabigla ako. Pero agad din namang bumalik ang tingin sa babaeng nasa harap.

"Trix..." Banayad na tawag ni Kenzo sa girlfriend niya.

And calling his girlfriend by her nickname crept my heart. Masakit dahil siguro may nararamdaman ako sa kanya. Hindi ko matanggap na talagang may girlfriend siya. Ngayon ko lang siya nakitaan ng ganitong emosyon kaya hindi malabong kasintahan niya nga ito. Tsaka kilala ko ang babae. Hinding hindi ako pwedeng magkamali dahil silang dalawa ang dahilan kung bakit nasaktan ako ng mga sandaling iyon... noon.

"I know. But can we talk in private? Just the two of us?" Sabi ni Beatrix sabay baling sa akin.

And I know what she meant by that.

Mapait akong ngumiti at tumango sa babae. Tumingin naman ako kay Kenzo at malapad na ngumiti.

"Mauuna na ako, kuya." Nakangiting sabi ko.

Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ni Kenzo pero hindi ko na iyon inalintana. Sa halip, mabilis akong pumasok ng mansion.

"Liandra!"

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nang mamataan siya'y nakakunot ang noo niya at mukhang galit sa akin.

"Bakit? Okay lang sa akin. Kahit sa ibang araw mo na lang ako turuan. Marami pa naman tayong oras para roon, hindi ba? Tsaka ipagpapatuloy ko pa nga pala ang ginagawa ko." Magiliw na sabi ko sa kanya. Pilit tinatakpan ang pait sa boses ko dahil sa sakit na lumulukob sakin.

"You will be punish for calling me like that again. Don't forget about that." Pagbabanta niya at natawa naman ako.

"I call you that just because of your girlfriend. Ayokong mag-isip siya ng kung ano. Isinalba na nga kita, e. Ayoko namang may magalit gayo'ng wala naman siyang dapat ikagalit. Sige na." Natatawang sabi ko.

Lumalim ang gatla sa pagitan ng mga kilay niya. Waring hindi nagustuhan ang lumabas na salita muka sa labi ko. Sa huli, bumuntong hininga siya sabay umiling.

"I will just talk to her then." Mariing aniya sabay mabilis akong tinalikuran.

Mabigat ang dibdib ko habang walang buhay na naglalakad papuntang kwarto. Hindi na ako nag-abalang tapusin ang ginagawa sapagkat ramdam ko na wala akong magagawang maganda.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon