Kabanata 8
Competition
Gaya ng sinabi ni Kenzo, sinamahan niya nga ako papuntang mall. Hindi ko 'to inaasahan kasi alam kong busy siyang tao at walang oras sa mga ganitong bagay.
Kanina pa rin akong pasulyap sulyap dahil tinatantya ko siya. I mean... he's a policeman right? May duty siya dapat sa mga sandaling 'to pero narito siya kasama ko na parang handa akong samahan sa kahit saan ako magpunta.
"What are you staring at?" Seryosong tanong niya sakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Ngayon ko lang napansin na nakasimpleng t-shirt lang siya at maong pants. So, does it mean he's not on duty?
Exactly, Liandra!
Ngumiwi ako sa pakikipagtalo sa sarili. Saktong pagbaling ko naman ay namataan ko ang isang store na nagtitinda ng mga undergarments. Lihim akong napasulyap kay Kenzo na prenteng naglalakad katabi ko. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin pero humugot ako ng lakas ng loob kahit na nakakahiya.
"Uhm... I will just go there, you know, uh. Maiwan na muna kita rito." Namumulang sabi ko, hindi rin makatingin ng diretso sa sobrang kahihiyan.
Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya. Bagkus ay dumiretso ako sa loob ng store na nagbebenta ng mga underwear. Nakuha niya yata ang ibig kong sabihin kaya hindi na siya pumasok sa loob. Pakiramdam ko nga ay sasabog na ang mukha ko sa sobrang hiya. Hindi ko kasi lubos akalain na makakasama ko siya sa nakakahiyang parte ng buhay ko. Ni hindi ko pinangarap mangyari ang lahat ng ito. Gosh!
"Uhm, magba-bathroom lang ako." Paalam ko muli nang daluhan siya sa may labasan.
Hindi nakatakas sakin ang mga bulungan ng mga babaeng dumadaan samin. Mukhang kilig na kilig ang mga iyon habang pinag-uusapan si Kenzo. Ang iba naman ay pahilim na kinukuhanan siya ng litrato kaya agad akong umiwas at nagmartsa palayo sa kanya.
Hindi ko alam kung nakasunod siya sa akin pero bahala siya, basta pupunta ako ng comfort room para makapagpalit. Ayoko na ring sumabay sa paglalakad niya. Sumasama lang kasi ang timpla ko. Tss.
I went outside after I changed everything in me. Medyo naging kumportable na rin ako pero hindi ko pa rin maitangging iritado ako... lalo na sa kanya at sa mga babaeng pasulyap sulyap sa kanya.
Nababanas ako. Naiinis ako to the point na gusto ko siyang sumbatan pero wala naman akong karapatan. Mas lalo pa akong nainis dahil hindi man lang siya umiiwas sa palihim na kumukuha ng picture niya.
Why do I sounds like a jealous brat? Dapat wala akong pakialam! Dapat balewala siya sakin pero hindi ko magawa. Palagay ko'y dahil na rin siguro sa mood swings ko kaya ganito ako kaapektado.
"Done?" Nakapamulsang tanong niya nang dire-diretso akong lumabas sa restroom na hindi siya pinapansin.
"Anong problema?" Tanong niya habang hawak na niya ang siko ko.
Sinipat ko siya ng tingin at pinagtaasan ng isang kilay. Kunot noo naman niya akong tiningnan habang ang mga mata ay naninimbang pero hindi ako nagpatalo kaya mariin ko rin siyang tiningnan.
"Wala ka bang ibang gagawin kundi sumunod sakin?" Masungit na tanong ko.
"Meron." Walang emosyong sagot niya.
So, what is he doing here with me? Kung may gagawin pa pala siya? Bakit hindi na lang niya unahin iyon hindi iyong nandito siya sa tabi ko at parang walang kailangang gawin?
Hindi naman ako nakiusap na ihatid niya ako rito o samahan. Wala akong hiniling na kahit ano dahil ang gusto ko lang ay siya ang magbayad ng expenses na magagastos sa sasakyang binangga niya.
BINABASA MO ANG
Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)
RomanceHighest rank: #3 in General Fiction #76 in Romance Synopsis Acosta Sisters Series #2 Liandra Jade Acosta is a hot, sexy and gorgeous. She's almost perfect because of the talents she have. Sinalo na yata nito lahat ng talento sa mundo. That's why al...