Kabanata 15
Saldivar Boys
He stayed hugging me from behind for about ten minutes? I don't know... but maybe fifteen? Hindi ko alam! Dahil ang tanging nasa isip ko lang sa mga sandaling iyon ay ang puso kong labis ang paghaharumentado sa ginawa niya.
I wanted to ask him why. Why is he suddenly like that? Anong nangyari? Sobrang naku-curious ako sa kanya. Hindi ko lang talaga magawang magtanong sapagkat ayaw kong sirain ang momento niya.
Pakiramdam ko may pinagdadaanan siya. Kaya imbis na magtanong, hinayaan ko na lang siyang yakapin ako ng mahigpit. Halos mangamatis yata ang mukha ko nang kumalas siya sa akin.
Nahihiya ako. Ang ibig kong sabihin ay parang tinakasan ako ng sarili. Nawala ang kumpiyansa at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Ramdam ko pa rin ang pagwawala ng kung ano sa tiyan ko. Masarap ang yakap niya. Feel ko safe ako roon.
Now, I just saw him having an expression. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi pero bakas ang lungkot at paghihinagpis sa kanya.
Bumuntong hininga naman siya sabay bumaling sa akin. Bigla naman akong kinabahan kaya bahagya akong napalunok at nag-iwas ng tingin.
"How did you know this place?"
Lumunok muna ako bago siya hinarap. Parang isang napakalaking pagkakamali na nagpunta ako rito dahil sa paraan ng pagsasalita niya.
"I asked Angge a good spot tapos, uhm... dinala niya ako rito." Kinakabahan kong sagot.
Hindi siya umimik. Bagkus ay tumango lang sa isinagot ko kaya namuhay ang matinding katahimikan sa pagitan namin. Ang tanging maririnig lang yata rito ay ang mga dahon sa punong nagsasayawan dala ng malakas na hangin.
Bumaling ang atensyon niya sa pininta ko. Salubong ang mga kilay nang matitigan iyon. Bahagya rin akong nilingon at lumipat muli sa painting na ginawa ko.
"You paint this?" Nakakunot noong tanong niya.
Tumalima ako at kinuha iyon sa kamay niya. Mabilis ko ring inayos ang mga gamit para makaalis.
"Liandra!" Mariin niyang tawag sa pangalan ko.
Nabitawan ko naman ang painting ko dahil hinigit niya ang palapulsuhan ko. Kaharap ko na rin siya at hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
"Ikaw ba ang nagpinta nito?" Mariing tanong niya.
Pinantayan ko ang titig niya. Nangunot naman ang noo niya kaya binaklas ko ang kamay ko sa kanya.
"Oo, bakit?" Walang emosyong tugon ko.
"Bullshit!" Pagmumura niya sabay iniwanan ako ritong may katanungan na naman sa isip.
Nagising ako kinabukasan mga bandang alas-diyes ng umaga. Late akong nakatulog sa kaiisip kay Kenzo. Lahat ng kinilos niya, pinag-isipan ko kung para saan iyon pero wala man lang akong nakuhang kahit na ano.
Narinig kong may kumatok sa pintuan. Naka-lock iyon kaya mabilis akong bumangon at pinagbuksan kung sino man siya.
"Ikaw pala." Bungad ko nang mamataan si Alvaro sa harapan na naka-business suit.
Mukhang may trabaho pa rin siya hanggang ngayon at magpapaalam na sa akin. It must be important. Hindi kasi ganito kapormal ang mga suot niya tuwing nagpapaalam siya kapag aalis na siya.
"I have meeting today. Hindi ko rin alam kung makakauwi ako. So, you take care of yourself, okay?" Nakangiting aniyang bakas doon ang pagod.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango,
BINABASA MO ANG
Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)
RomanceHighest rank: #3 in General Fiction #76 in Romance Synopsis Acosta Sisters Series #2 Liandra Jade Acosta is a hot, sexy and gorgeous. She's almost perfect because of the talents she have. Sinalo na yata nito lahat ng talento sa mundo. That's why al...