Kabanata 27

7.6K 170 17
                                    

Kabanata 27

Diversion

"Congratulations Ms. Acosta for your promotion! You deserved it. I'm very proud of you as your head." Bungad sa akin ni Mrs. Diana nang pumasok ako sa loob.

Malapad namang ngumiti ang tatlo ko pang kaibigan at agad na lumapit sa amin.

"Thank you, Mrs. Diana. I never expected this. Malaki po ang pasasalamat ko sayo dahil ikaw po ang tumulong sakin para pagbutihin ang trabaho ko. Salamat po sa pagtitiwala." Sambit ko habang may malapad at matamis na ngiti.

Niyakap naman niya ako at marahang hinaplos ang likuran ko.

"Proud na proud din kami sayo!" Sambit naman ng mga kaibigan ko at bumitaw naman ako mula sa yakap ni Mrs. Diana.

"Sayang lang, aalis ka na." Nanghihinayang na turan ni Jo.

"Mamimiss ka namin." Malungkot namang sambit ni Tala.

Napatawa ako sa kanila. Para namang hindi na ulit kami magkikita. We can chat and call through social media. Pwede rin naman akong bumisita rito when I have a free time. Pero sabagay, miski ako nalulungkot din naman. Mamimiss ko silang lahat. 'Yong kakulitan nila... 'yong mga ingay nila.

"Ano ba kayo? May social media naman para ma-contact ko pa rin kayo. Tsaka bibisita rin ako."

Lumiwanag ang mukha nilang lahat. Nagkatinginan pa silang tatlo na parang tuwang tuwa, maging si Mrs. Diana.

"Bibisita rin kami sa hometown mo!" Segunda naman ni Trina.

"I like the idea, Trina. Magbakasyon tayo roon sa resort nila. Sobrang ganda roon! Di ba, Liandra?" Sabi naman ni Jo at mabilis naman akong tumango.

"I'm in!" Sambit ni Mrs. Diana na mukhang excited pa sa tatlong baliw.

"Me too." Segunda ni Tala.

Nalulusaw ang puso ko ngayon dahil sa kanila. Honestly, I don't want to leave them here but Alvaro want me to be one of the Head there in Saint John dahil nag-resign na ang magaling na head doon. Isa pa, ayaw nilang mag-hire ng bago kaya napilitan siyang ilagay ako roon. Mas magiging maayos daw kung nando'n na lang ako para alam niya ang nangyayari sa branch nila roon. Isa pa, mas malapit ako sa pamilya ko if I go back. Nalaman din kasi ni Alvaro ang nangyayari sa pamilya ko lately. Well, Ate Ellaine stopped her freaking engagement with Jared. Nakakagulat ang pasabog niya nang panahong iyon kasi ang akala namin, maayos na siya kay Jared. Na ang tanging hinihintay na lang ay ang kanilang kasal. Inaayos na nga rin ni Mama at Tita Vina ang kasal nila. Setting of date na lang ang kulang... and they can marry each other anytime.

Nga lang, Ate barged in our mansion telling us she's stopping the engagement. Of course, Papa is mad. He is opposed with Ate's sudden decision. Tapos hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapakita si Ate. Ang alam lang namin ni Kali ay kasama niya si Marcus sa kung saan. Hinahanap na rin sila ni Papa pero hindi sila makita kaya alalang alala na rin kami.

So, Alvaro is very considerate with me. He made a decision to let me stay at our hometown. Nang sa gayon daw ay matulungan ko ang pamilya ko. I already told him it's not necessary. Labas na ang personal na buhay ko sa trabaho but he still initiate it. And I grab it.

Hindi na ako nakipaglokohan pa dahil bali-baliktarin man ang mundo, kailangan ako ng pamilya ko. At sa bawat araw na nakalipas, walang oras na hindi ko kinokontak si Ate Ellaine. Out of coverage nga lang siya kapag tinatawagan kaya alalang alala na kami ni Kali. I just hope she will came back. Mama's been worried since the day she left... and I don't know if I will blame myself for letting her leave gayo'ng nakikita kong stress at palaging umiiyak si Mama. She's always asking me and Kali to find her... and so I'm doing my best to get her back.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon