Kabanata 19

8K 215 15
                                    

Kabanata 19

Bad girl

"Congratulations iha for fulfilling your on-the-job-training." Sambit ni Tito Manuel sabay niyakap ako.

Kumalas din naman siya agad at may iniabot na maliit na box na ikinagulat ko.

It's a gift! I never expected Tito will give me a gift. I felt so overwhelmingly happy because this is too much. Sapat na sakin ang kaalamang naituro niya pero nakakagulat na may binigay pa talaga siya sakin.

"Thank you, Tito." Nahihiyang sabi ko.

Binuksan ko ang laman ng maliit na box at namangha nang makitang isa iyong gold keychain pendant na may naka-engrave na 'believe' tapos sa likod ay may pangalan ko.

"You like it?" Tanong sa akin ni Tito habang nakangiti.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at matamis na ngumiti.

"Tito, no, I loved it!" Bulalas ko.

"That's for your hardwork, iha." Sambit ni Tito sabay tinapik ng marahan ang balikat ko.

Nakarinig naman ako ng tunog ng heels kaya napabaling doon ang atensyon ko... maging si Tito. Namataan ko si Tita Leonora na may hawak na paper bag at mabilis akong sinalubong.

"Oh my... you have a gift for her too, hon?" Manghang ani Tita sa asawa. Natawa naman si Tito Manuel sabay tumango rin.

Nalungkot ang ekspresyon ni Tita nang tumingin sakin ngunit ngumiti rin ng pilit kalaunan.

"Nakakalungkot at babalik ka na sa inyo. Pero sana bumisita ka pa rin dito, iha. You know I will miss you." Sabi ni Tita.

"Of course, Tita. Promise po yan." Assurance ko sa kanila.

"Osya, here's my congratulations gift for you. I hope you will like it."

Ngumiti naman ako at mahigpit siyang niyakap. "Tita naman, e." Malungkot na sabi ko sabay kumalas.

"Pero thank you sa inyo ni Tito. Sa nagawang tulong niyo sakin. Sa pagtanggap sakin dito." Taos pusong sabi ko.

"I just can't believe it. Ang bilis ng panahon. Ang dami ko pa sanang gustong gawin na kasama ka. You know, minsan lang ako magkaroon ng anak na babae. My God, Liandra. Napamahal ka na talaga sa amin." Naluluhang sabi ni Tita habang nakahawak sa mga kamay ko.

Bumitaw naman ako sa kamay niya at ako na ngayon ang humawak sa kanya.

"Bibisita pa rin naman po ako gaya ng sinabi nyo. Never po akong makakalimot dahil naging pangalawang pamilya ko na rin po kayo."

Naramdaman ko naman si Alvaro sa likuran at mahigpit akong niyakap mula roon. "Don't worry, mom. Soon, you can be with Liandra all the time when she finally marry me." Natatawang sabi ni Alvaro at napatingin naman ako rito.

"Alvaro..." Mahinang saway ko.

Nagsitawanan ang mga magulang niya kaya ang pisngi ko ay pulang pula na. Ngayon kasi ang katapusan ng training ko kay Tito Manuel. Nabigyan na rin niya ako ng certificate. Katunayan na natapos ko ang buong training ko. Sobra nga akong nagpapasalamat dahil natupad ang pangarap kong maging apprentice ni Tito. Ang dami kong natutunan at alam kong magagamit ko iyon pagdating ng panahon.

Sa ngayon, naghanda sila para sakin kahit maliit na salu-salo lang. Farewell party daw ito kaya na-appreciate ko talaga ang kabutihan nilang lahat sa akin. Nakakahiya nga kasi nag-abala pa sila pero naiintindihan ko dahil alam kong napamahal na rin ako sa kanila. Tapos heto pa nga't hindi ko inaasahan na may regalo pala sila sa akin. Nakakatuwa! Minahal talaga nila ako kahit sa maikling panahon pero gano'n din naman ako.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon