Kabanata 9
Family
Mabilis ang paglipas ng panahon na para bang hindi ko namamalayang tumatakbo ang oras. Hindi ko akalain na malapit na akong mag-fourth year at ang ibig sabihin lang noon ay nalalapit na ang training ko. Pero kahit gano'n, sariwang sariwa pa rin sakin ang lahat.
Naaalala ko pa ang huling engkwentro namin ni Kenzo. Hiyang hiya ako ng mga oras na 'yon dahil sa kanya. Other says I'm his girlfriend but because there is no statement coming from me... pati sa kanya, nawala rin ang issue tungkol samin lalo na dahil hindi na rin siya nagpakitang muli sakin.
But the good thing back there ay isa ako sa napiling nanalo na hindi ko lubos inaasahan. Nakakatuwa dahil lumaki ang bilang ng mga taong nakakakilala sakin. Hindi bilang si Liandra Acosta na anak ni Francisco Acosta, kundi Liandra na may talento at kakayahan sa salitang sining.
Ilang beses din akong naimbitahan at parati naman akong dumadalo dahil iyon ang buhay na gusto ko.
And I'm so happy because I can finally say na hindi ko na siya gusto. Siguro kaya naka-move on ako dahil hindi ko na ulit siya nakikita... madalang ko siyang isipin dahil sa school, sa mga competitions at kay Alvaro.
Masaya rin ako para kay Alvaro dahil ga-graduate na siya this year. Malapit lapit na rin iyon and I'm so proud of him. Hindi rin naging madali ang relasyon namin dahil sa sobrang busy niya. Nagte-training kasi siya tapos nag-aaral na rin siya para sa board exams. Sobrang tight ng schedule niya na sobrang limit lang ng pagkikita namin pero naiintindihan ko naman 'yon.
Isang taong mahigit na rin kaming magkarelasyon pero wala naman kaming problema kundi oras lang sa isa't isa. Hindi siya mahigpit sa mga bagay bagay kaya natagalan ko rin talaga siya. Matured na siyang mag-isip at malaki ang tiwala sakin. Bagay na wala ang mga dati kong naging boyfriend.
Hindi ko rin alam kung nasabi na ba niya ang tungkol sa pagte-training ko kay Architect Saldivar pero alam kong tutupad naman siya sa pangako kaya wala na akong problema. Hindi rin ako makapaniwala na tumagal kaming dalawa ng taon at hindi man lang siya nambabae. Sa nagdaang iyon, hindi ko pa rin masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sakin. Hindi ko rin alam kung bakit pero pinipilit ko naman ang sarili konh mahalin siya.
"Liandra."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Malapad akong ngumiti nang makita si Alvaro na may dala na namang bulaklak para sakin.
"Anong ginagawa mo rito? Dapat nagsabi ka man lang!" Natatawang sabi ko at kinuha sa kanya ang bulaklak na hawak.
Nandito ako sa bahay. Ayoko namang lumabas dahil naboboring na rin ako. So, naisipan ko na tumambay na lang dito sa may pool side at mamaya maya ay maliligo rin ako rito. Namiss ko rin kasing mag-swimming dahil sa sobrang hectic ng schedule ko nitong mga nakaraan. Ngayon lang talaga ako naging free dahil patapos na rin ang second sem ng third year.
"I came to visit and surprise you." Nakangising sambit niya sabay ipinulupot ang braso sa bewang ko.
"Balak ko sanang maligo mamaya. You can join me if you want or kung gusto mo'y doon tayo sa beach." Anyaya ko.
Pinisil niya ang ilong ko. Bagay na ayaw kong ginagawa niya dahil namumula agad iyon.
"There, you look cute!" Tumatawang sabi niya.
"Ewan ko sayo!" Nakasimangot na sabi ko sabay lumayo sa harapan niya't padarag na nagmartsa papunta sa lounger at naupo.
"Are you upset?" Tanong niya nang tumabi sa akin.
Hindi ko binalingan ang kapritso niya at nanatiling nakasimangot.
"I love you." Bulong niya sa tapat ng tenga ko kaya napangko ako sa inuupuan.
BINABASA MO ANG
Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)
RomanceHighest rank: #3 in General Fiction #76 in Romance Synopsis Acosta Sisters Series #2 Liandra Jade Acosta is a hot, sexy and gorgeous. She's almost perfect because of the talents she have. Sinalo na yata nito lahat ng talento sa mundo. That's why al...