Kabanata 42

8K 169 6
                                    

Kabanata 42

Strange Friend

"Baby, I will leave you at your Nani Tina, okay? Mommy will go to work to earn money for us, understand?" Paliwanag ko kay Enzo kung bakit ako aalis.

Inosente naman siyang tumango at malapad na ngumiti. Sa edad na tatlong taon, masaya ako dahil naiintindihan niya na hindi ako palaging nasa tabi niya. Pilit ko kasing sinasabi na kailangan kong magtrabaho para sa aming dalawa. Noong una hindi pa niya maintindihan pero pilit ko namang ipinaintindi sa kanya iyon kaya kalaunan ay alam na niya.

"Yes mommy. Take care, mommy." Nakangiting sabi niya.

Napatitig ako sa mga mata niyang kuhang kuha ang sa ama niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili na haplusin ang mga mata ng anak ko. Kahit ang ilong at labi niya'y nakuha kay Kenzo. That Saldivar genes is very dominant!

O baka naman pilit talaga akong pinaglalaruan ng tadhana para mas lalo akong hindi makalimot sa nararamdaman para kay Kenzo? Na pilit ipapaalala sa akin araw-araw na ang lalaking mahal ko, kamukhang kamukha ng anak ko.

Ano ba tong iniisip ko?

Iwinaksi ko naman agad ang nasa isip ko. That's a waste of time! Why am I even thinking of him again?

"Where's mommy's kiss then?" Kapagkuwan ay tanong ko kay Enzo.

Mabilis naman niyang ipinulupot ang maliliit na braso niya sa leeg ko at pinupog naman niya ako ng halik sa pisngi at sa labi.

Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi ni Enzo at hinaplos haplos iyon.

God! I just want to thank you for giving me a child like him. Hindi ko alam kung nakapagpasalamat na ako Sayo pero I'm thankful because You gave me a wonderful gift that I will treasure forever.

Bago pa ako maging emosyonal sa harapan ng anak ko, pinanggigilan ko ang pisngi niya kaya tuwang tuwa siya.

"Mahal na mahal kita, anak." Nakangiting sambit ko sabay hinalikan ang noo niya at mahigpit siyang niyakap.

Bumitaw din ako agad. Baka kasi mamaya hindi na ako tumuloy sa trabaho dahil ayaw kong mawalay sa kanya.

"You play well, okay? Don't let your nani chase you around. Mommy will be sad and lonely if Enzo get lost, so behave, okay?" Paalala ko sa kanya.

"Yes mommy, I won't get lost because Enzo don't want mommy feel sad and lonely. Enzo wants mommy to be happy so Enzo will be a good boy when mommy is not around!" Sagot niya naman kaya hindi ko napigilang hindi matuwa.

Enzo is very naughty and playful but he really have a good heart. Ayaw niya ng nalulungkot ako kaya kapag nakikita niya akong stress o di kaya'y malalim ang iniisip, bigla niya akong yayakapin, hahalikan, and tell me those three sweet words. That's what I loved the most from him. He understand and always there for me when I'm so down. My own Lienzo, my inspiration to live well in this world. Siya lang ang dahilan ng lahat para sa akin kaya hindi ko hahayaang mawala siya. Poprotektahan ko ang anak ko laban sa lahat kung kinakailangan.

"Very good, baby." Papuri ko sa kanya.

Malapad at matamis akong ngumiti nang yakapin niya akong muli.

"I love you, mommy!" Malambing na sabi niya habang nakayakap sa akin.

Hinagod ko ang likod niya bago ako kumalas.

"And mommy love you so much."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil kailangan ko pang ilebel ang sarili ko para lang maabot ni Enzo.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon