Kabanata 46

8.7K 180 12
                                    

Kabanata 46

Talk

"Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong ko kay Kenzo na nasa harapan namin ni Enzo habang kumakain kami ng breakfast sa may veranda.

Lumingon si Enzo sa likuran niya at tuwang tuwa naman siyang tumayo at sinalubong ang daddy niya.

"Daddy!" Magiliw na bati ng anak namin sabay nagpabuhat kay Kenzo na walang kahirap hirap na kinarga.

Matamis na ngumiti si Kenzo kay Lienzo na nagawa pa niya itong halikan sa labi kaya tuwang tuwa ito at grabe makakapit sa kanya.

"Are you visiting us, daddy?"

Tumingin sa akin si Kenzo, seryoso pero puno ng pagsusumamo ang mga mata. I know what is that for. Ayaw niyang itaboy ko siya pero hindi niya ako mapipigilan. I already told him this is not the right time to talk pero heto siya sa harapan ko at hindi sinunod ang sinabi ko.

"Is that for mommy? You always told me you missed mommy." Ani Enzo sabay hinawakan ang bouquet na may pinagsamang kulay puti at pulang rosas.

Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang bulaklak. Nang makita ko kasi siya, galit agad ang pinairal ko. Pero nang malamang may dala siyang bulaklak, pakiramdam ko'y halos mabaliw ang puso ko sa loob ng dibdib ko na parang gusto na noong kumawala.

"Liandra..." Baritonong pagtawag niya sa pangalan ko na ikinatulos ko sa kinatatayuan.

Lumapit siya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy kong paglunok. Iniabot niya ang bulaklak at hindi ko alam kung tatanggapin ko iyon dahil hinihipnotismo ako ng mga mata niya.

This is his effects on me! Damn. Kailan ba ako masasanay? Paano ko patitibayin ang sarili ko kung ganito ang epekto niya sa akin?

Goodness gracious! Can I get a hold of myself just for once? Because I'm about to choke right now with the tingling sensation running through my body while he's looking at me intently and holding that bouquet. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko sa mga mata niya ang pangungulila't pagmamahal habang nakatingin sa akin. Parang hinihipnotismo ako ng mga mata niya't alam ko sa sarili kong hindi maganda ang nangyayari sa akin.

"Oh! Iho, anong sadya mo rito?" Rinig kong singit ni Mama dahilan ng pagbitaw ko sa mga mata ni Kenzo.

Ibinaba rin niya ang bulaklak sa mesa kung saan doon nakapatong ang breakfast namin.

Thank God, Mama suddenly came here dahil naputol ang kung anong kahibangang magagawa ko.

Pasimple akong napahawak sa dibdib ko at pumikit ng mariin. Pilit ko ring pinakalma ang sarili dahil hindi maaaring ganito ako.

May fiance siya, Liandra. That's it. Isiksik mo yan sa utak mo dahil si Enzo lang ang ipinupunta niya rito, okay? Don't let your guards down on you because of your pathetic feelings with him. 

"Grandma, this is my daddy. He looked just like me, right grandma?" Magiliw na sabi ni Enzo sa lola niya sabay yumapos ng mahigpit kay Kenzo.

Marahan namang humalakhak si Kenzo sa ginawa ni Enzo sa kanya. Pinagdikit kasi niya ang mukha sa mukha ng daddy niya kaya nakakatawa iyon.

I'm loving the scenario, alright. I admit it. But I don't let myself laugh at them. Itinago ko iyon sa sarili. I won't give Kenzo a satisfaction on his face.

But cursed that laugh! Why am I even melting with just that? Kaya nang magtama ang paningin namin, pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

"Ma'am, I'm sorry to trespassed. Binibisita ko lang po ang mag-ina ko." Kapagkuwan ay sambit niya kay Mama.

Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon