Kabanata 13
Saldivar Mansion
Kararating lang namin ni Alvaro sa mansion nila. Magiliw naman kaming sinalubong ni Tita Leonora gaya ng dati. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at mabilis namang tumalima si Alvaro at kinuha ang dala kong bagahe at isang bag.
"Welcome home, iha!" Magiliw na bati ni Tita sabay mahigpit akong niyakap.
"Thank you po." Nakangiting sabi ko sabay kumalas naman siya.
Tita na ang tawag ko sa kanya dahil parati niya akong sinisita noon kapag tinatawag ko siyang Ma'am o di kaya'y Madam. Nasanay na rin naman akong tawagin siyang Tita dahil na rin sa pagbisi-bisita ko kapag iniimbitahan ako ni Alvaro.
"I like the Tita but it suits better if you finally call me mommy."
Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. Ramdam kong gustong gusto talaga ako ng mommy ni Alvaro kaya ganito na lang siya makitungo sa akin na parang itinuturing na talaga niya akong anak.
"Mom!" Saway ni Alvaro sa ina.
Ikinawit naman ni Tita ang braso niya sakin at matamis na ngumiti nang tingnan niya ako.
"Bakit doon din naman ang patungo niyong dalawa, right iha?"
I bit my tongue inside my mouth. I don't know what to say. I'm still not comfortable when they got to say it right in my face. Para akong sinasampal dahil sa sobrang guilt. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung anong nararamdaman ko para kay Alvaro. But I admit I'm happy with him. Nasanay na yata sa presensya niya dahil palagi ko siyang kasama.
"Don't pressure her, mom! You're scaring her." Saway pa ni Alvaro sa ina.
Sumimangot na parang bata si Tita sa anak. Pero nang bumaling sa akin ay malapad siyang ngumiti.
"Let's get in?" Excited niyang sabi.
"Sige po." Natatawa ko namang tugon.
Si Tita Leonora na ang humila sakin papasok sa loob. Mukhang sobrang excited siya sa kung ano kaya nagpatianod na lang ako.
"I will show you your room. Come on, iha. Ipinaayos ko na iyon. I hope you will like it!" Excited na sambit niya sabay mabilis akong iginiya papasok sa loob ng kanilang magarbong mansion.
"You're finally here, iha." Magiliw na salubong ni Tito Manuel nang makarating kami sa living room.
"Thank you po for letting me be your apprentice and letting me stay here with you." Nakangiting sabi ko at kahit nakaka-intimida ang ekspresyon ay alam kong mabait naman siya.
Gaya ni Tita Leonora, naging malapit na rin ako kay Tito Manuel. Madami na rin siyang naituro sa akin at naikwento tungkol sa gusto kong propesyon. Hindi tuloy ako nagkamaling idolohin siya gayo'ng tunay na napakahusay niya sa larangang iyon. Medyo naiilang lang ako dahil kamukhang kamukha niya si Kenzo. Maging mga mata ng lalaking iyon ay nakuha niya sa ama. At halos patayin ko na sa isip ko ang pangyayari kagabi na ayaw ko ng balik-balikan pa.
Nagulat din si Austin nang makabalik ako sa table namin. Mukha akong balisa at namumutla. Hindi rin ako pinatulog dahil sa halik na ginawad niya sakin.
I don't know what is his motive. Balak niya ba akong sirain sa pamilya niya? Kay Alvaro? Pero bakit? Wala akong ginagawang masama sa kanya. Kung 'yong painting ang tinutukoy niya, hindi ko naman nakita ang laman no'n kaya bakit siya galit na galit sakin?
"Feel at home and I hope you enjoy your stay here." Nakangiting sabi ni Tito.
Ngumiti ako at tumango. "Sigurado po akong mae-enjoy ko ang pananatili rito." Masigla kong sagot kaya natawa naman ang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)
RomanceHighest rank: #3 in General Fiction #76 in Romance Synopsis Acosta Sisters Series #2 Liandra Jade Acosta is a hot, sexy and gorgeous. She's almost perfect because of the talents she have. Sinalo na yata nito lahat ng talento sa mundo. That's why al...