Kabanata 36
Hospital
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan pabalik sa condo ni Austin. Lahat ng gamit ko, dala ko na rin. I decided to just get away with him dahil hindi ko yata kakayaning harapin pa siya.
I was fooled, alright? And I pity myself.
Nakakahiya na magpapakita pa ako at itanong kung totoo ang sinabi ni Beatrix sa akin. Magmumukha lang akong tanga.
Maybe, he's also making fun of me dahil mabilis akong kumagat sa kanya. Siguro iniisip niya na napaka-easy to get kong babae. 'Yong pakiramdam na wala man lang siyang naramdamang thrill dahil hindi ko siya pinahirapan. Basta na lang siyang tinanggap sa buhay ko.
Ang tanga mo, Liandra!
Kailan ka pa naloko ng isang lalaki?
Narito ako sa condo ni Austin dahil wala rin akong maisip na puntahan kundi siya. Mabuti na nga lang may spare key ako ng condo niya kaya madali akong nakakapasok.
Pagod na pagod na rin ako and I feel like I will lose consciousness anytime because of the dizziness I'm feeling.
Kanina habang nag-iimpake ako ng mga gamit, bigla na lang akong naduwal. Sobrang sama ng pakiramdam ko hanggang ngayon. Ang hapdi hapdi na rin ng mga mata ko dahil kaiiyak ko. Ni wala akong tulog gayong malapit lapit na ring sumikat ang haring araw.
"Austin? Austin? Austin!" Umiiyak na tawag ko habang kinakatok ang kwarto niyang naka-lock.
I know I shouldn't get here but I need a comfort. I need a friend at si Austin lang ang makakatulong sa akin ngayon. Siya lang naman itong malapit sa akin.
Pakiramdam ko mamamatay na rin ako sa sobrang sakit ng puso ko. Dahil parang sirang plaka sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Beatrix sakin.
Hindi ko matanggap na niloko lang ako ni Kenzo para makuha ang gusto niya.
Suddenly in the midst of thinking earlier, realization dawned on me. I remember the time when Kenzo get my phone after we made love last time. May kinakalikot siya sa cellphone ko. Mukhang alam ko na kung ano iyon.
Paano ko nga naman mahahalata iyon at malalaman, wala naman akong alam na kaugnayan niya kay Ate? Last time, I saw him browsing my photo albums at tumigil siya sa picture ni Ate nang may makita siya roon sa phone ko. Nagtanong siya about kay Ate at malaya ko namang sinagot.
I'm so stupid!
Why the hell am I inlove with that cunning man again? Kasi sa totoo lang, wala talaga akong sapat na rason kung paaano ko siya minahal ng sobra sobra na halos wala na akong itinira sa sarili!
Nakakainis. Nagmukha talaga akong tanga! Kung bakit ba walang nasabi sa amin kung sinong heart donor nang operahan si ate. I never bothered to asked my parents too dahil noon ay hindi na iyon mahalaga sakin. The only thing that mattered to me that time ay may heart donor na siya at magiging maayos na siya.
And all this time, malaki pala ang utang na loob ng pamilya ko sa pamilya nina Bea dahil isinalba niya ang buhay ng kapatid ko.
God! What a fucking coincidence!
"Austin, please, wake up. I need you..." Umiiyak habang hinang hinang sambit ko, walang katapusang pagkatok sa labas ng pinto niya.
Ilang minuto ang nakalipas at hindi ko tinigilan ang pagkatok sa pinto niya. Ngunit sa huling lakas na ibinigay ko, bigla iyong bumukas.
Mapupungay ang mata niya pero nang tumingin sa akin, mukhang nagising bigla dahil gulat ang rumehistro sa mukha niya.
Kinusot niya rin ang mga mata niya at tuluyang ginising ang sarili para sa akin.
BINABASA MO ANG
Colors Of Your Heart (Acosta Sisters Series #2)
RomanceHighest rank: #3 in General Fiction #76 in Romance Synopsis Acosta Sisters Series #2 Liandra Jade Acosta is a hot, sexy and gorgeous. She's almost perfect because of the talents she have. Sinalo na yata nito lahat ng talento sa mundo. That's why al...