Hershey's povs:
"Oh, bad mood ka na naman, besh?" Bungad sa akin ni Risa. Kakapasok ko lang dito sa office ko.
"Sino bang hindi mababadmood kung ang asawa ng malandi mong kapatid ay napakapervert?!" Inis kong bulalas at sa inis ko ay nakagat ko pa ang dila ko. Kaya ito ako nanggagalaiti sa inis.
"Ano ba kase ang nangyari ngayon at bad mood ka?" Usisa nito at naupo sa kaharap na bangko.
"Ninakaw niya first kiss ko, e!" Inis na bulalas ko at saka napapadyak pa sa sahig, iyon ang pinuputok ng butche ko. Nais ko ngang umiyak sa inis.
"So, masarap ba humalik? Anong lasa ng labi? Mabango ba hininga?" Sunod-sunod na usisa ni Risa na lalo kong kinainis at saka pinandilatan.
"Ako ba ang kaibigan mo o ang insek na 'yon, ha Risa?" Pagdabog ko sa lamesa na kinatigil naman nito, pero panakaw ang ngisi sa akin.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.
"Are you leaving?" Tanong ko nang makitang nakabihis ng pormal.
"Yeah. I have friends here, so I'll meet them today." May yosi sa labi nito na hindi pa nasisindihan.
"Ah, okay, take care and be safe with your driving." Pagtango ko at tipid na ngumiti.
"You're not coming with me?" Kunot noo na tanong nito. Mas sumingkit pa ang mga mata na kay ganda tingnan.
"Go ahead! I'll go later at my shop!" Sabi ko at nakatitig lang naman siya.
Napaatras pa ako nang umabante siya sa may pwesto ko ngunit napatigil ako nang pader na ang mabungguan ko.
Hindi ako nakaiwas nang mabilis niyang nahawakan ang batok ko habang ang isa niyang kamay ay sa balikat ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mabilis niyang kinain—i mean hinalikan ang lips ko!
"BESHY!! HERSHEY!!" Napapitlag ako sa sigaw ni Risa at pagyugyog niya sa balikat ko, napakurap pa ako at saka siya tinaasan ng kilay.
"Hindi ako bingi para sigawan mo." Sambit ko at ngumisi lang naman ito.
"Nagwewet dreaming ka kase—"
"Gaga! Hindi ako nagwewet dreaming no!" Akma ko siyang sasabunutan pero maagap ang kilos nito palayo.
"So, ano nga ang feeling ng first kiss mo, besh?" Panunukso na naman niya sa akin. Napairap lang ako at saka inatupag ang mga papeles sa lamesa.
"Ewan ko at hindi ko alam—manahimik ka diyan." Asik ko nang makita ang paglapad pa ng ngiti niya.
"Asus! Bakit namumula 'yang face mo? Kinikilig ka din no?" Sabi nito.
Malakas kong naidabog ang palad sa lamesa at pinandilatan na tinitigan ito. Ayoko na ngang maalala ang eksenang iyon ay pinapabalik naman sa 'kin ng babaeng ito.
Kung bakit kase nasabi-sabi ko pa, e, halata naman na chismosa ang kaibigan kong ito. Hay naku!
"Tatahimik ka ba o gusto mo bitayin kita patiwarik dahil libre kong ibibigay sa 'yo ang mga flowers ko?" Umuusok na talaga ang inis ko.
Peke naman itong napatikhim kasabay ng pagtaas ng dalawang palad nito sa ere, pero nakangiti pa.
"Ehem! Ehem! Magtatrabaho na nga at mahal ko pa ang self ko!" Tumawa pa ito sa biro nito bago umalis sa harapan ko.
Napailing na napapikit ako at saka kinalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa ginagawa ko. Aabalahin ko ang sarili dito.
"Ah, besh! Nakahanda na pala ang mga dadalhin na'tin sa orphanage at ilang sandali ay paparating na dito ang service na'tin." Paglapit muli ni Risa na kinaangat ko ng tingin.
BINABASA MO ANG
LUXIAN LIN
General FictionHershey Flores is the step-sister of Estrella Dellomes, a famous super model and a beauty queen holder. And Hershey knows that her step-sister is having intimate relationship with different male physique. But she's indeed already engaged with Mr. Lu...