Chapter 17

962 70 26
                                    

Hershey's povs:

"Good morning, Sweetheart." Bati nito bago halikan ang labi ko. "This is for you." Sabay lahad ng dalawang paper bag na laman ay damit at alahas.

"Thank you." Pilit na pagngiti ko hawak ang paper bag na mamahalin. Siguro galing sa babaeng iyon para madali na akong matodas, kumbaga suhol sa maaga kong pagkamatay.

Nandito na ako sa loob ng silid nito. Kanina lang ako bumalik pero doon ako sa silid ni Zhangri nagpalipas ng oras. Hindi ako nakatulog kaya medyo namamaga ang mga mata ko.

"Hey, what happened to your eyes? You're crying?" May pag-alala sa mukha nito pero alam kong peke iyon. May pahaplos-haplos pa.

"I'm fine." Simpleng sagot ko saka napayapos sa braso nito at nagpalambing. "Can we go to the city? I haven't visit on other places there. Can you bring me on the best tourist attractions there?" Pilit ang ngiti ko.

"Sure, Sweetheart. Wait me here and I'll get shower quick." Galak na tugon nito saka mabilis na hinalikan ang labi ko bago ito pumasok sa banyo.

Mabilis na nawala ang ngiti ko. Kung hindi ko lang nais makuha ni Zhangri ang passport ko na tinago nito ay nungka kong pakisamahan iyon. Gago siya niloloko lang pala niya ako!

Sana makita na ni Zhangri.

Mabilis siyang nagshower at nagbihis sabay lapit niya sa pwesto ko. Ngumiti ako sabay yapos sa braso niya at lumabas na kami. Sasakyan niya ang ginamit namin papunta sa Banwa.

Ilang minuto ang binyahe namin nang makarating kami sa isang Buddhist temple. Nasa mataas na bahagi iyon ng lugar kaya makikita sa ibaba ang buong lugar. Nagpark ito sa gilid at mabilis itong bumaba para pagbuksan ako ng pinto sa gilid.

"Thanks." Pagngiti ko nang makalabas ako. Pumikit ako para damhin ang sariwang hangin na tumatama sa balat ko. Napakalamig dito.

Magkahawak kamay na nilibot namin ang buong lugar habang kumukuha ng litrato. Kahit ito lang ay may remembrance ako sa lugar na ito.

Ang daming turista din ang naglilibot dito na galing pa sa ibang bansa. Napakaganda nga naman ng lugar.

"Luxian, kiss me." Sabi ko na kinangiti nito nang malapad sabay kabig at halik sa labi ko. Kasabay nun ang pagclick ng camera ko.

"Sweetheart, you took many pictures."  Puna nito nang mapansin nga na ilang beses akong kumukuha ng litrato.

"Of course, it's my first time coming here so I'd take this opportunity and for souvenir also with you." Paliwanag ko na totoo naman.

Hindi na siya nagsalita at nagpunta pa kami sa ibang site para magpapicture na ako lang mag-isa at kasama siya. Hanggang sa mapagod kami at nagpahinga saglit.

"You're hungry?" Tanong nito.

"Yes. Your child growling inside my tummy." Tugon ko na kinangiti na naman nito ng malapad sabay hila sa akin papunta sa nakahilerang restaurant na nasa ibabang bahagi.

He ordered our foods while I'm busy scrolling my phone. Tinitingnan ko ang mga pictures namin na lahat ay masaya at nakangiti ang mukha.

May halikan, solo, at yakapan ng mahigpit at hindi ko maiwasan ang malungkot dahil pakitang tao lang ito ni Luxian. He's acting cool and happy in front of me as if he's not planning of killing me. He's the best actor.

"Happy?" Bulong nito sa tenga ko habang nakayapos ito sa likod ko.

"Super. Thanks for bringing me here." Tugon ko at napahawak sa kamay nito saka siya nilingon. Tumama tuloy ang labi ko sa labi niya na kinangisi niya.

LUXIAN LINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon