Chapter 16

903 61 20
                                    

Hershey's povs:

"Zhangri, it is true that you can speak now?" Tanong ko habang hawak ko ang mga palad niya.

We're here at her room. Nakalabas na ako mula sa hospital kahapon. Isang linggo din pala akong na-confine at mabuti na lang ay hindi malala ang natamo kong tama sa likod ko.

Isang araw din akong namalagi sa silid ko na bantay sarado ni Luxian. Mabuti na lang din at ligtas ang baby namin nung tinamaan ako ng bala.

Buntis na pala ako nun.

Ngayon lang ako nakalabas o nakalusot sa kaniya dahil saglit siyang umalis kaya nakapuslit ako dito kay Zhangri para makibalita.

"Yes and thank you, sister Hershey." Mahina niyang sabi na kinatigil at laki ng mga mata ko. So, totoo nga ang balita na nakakapagsalita na siya!

"Gosh! I'm really happy that you've finally getting back your voice." Bulalas ko sa tuwa at saka siya niyakap. Ang ganda ng boses niya.

Sinabi niya sa akin kung paano iyon nangyari. Doon pala nagsimula nung makita niya akong tinamaan ng baril. Sa gulat niya at gusto akong mailigtas ay nagsisigaw siya at doon nanumbalik ang boses niya.

She had a traumatic gun experienced when she was a kid. Dahil parehong binaril ang mga magulang niya sa harapan niya dahilan para mawala ang boses niya sa sobrang takot.

"Thank you, sister Hershey. We can talk normally now." Sabi niya na may maluha-luhang mga mata.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa marahas na bumukas ang pinto niya at iniluwa si Luxian na masama ang tingin sa akin. Pilit naman akong ngumiti sa harapan nito nang makalapit ito sa harapan ko.

"Saglit ako nawala e takas ka na." Pagtagalog niya na kinakagat ng labi ko at pigil ang tawa ko. "Hershey. Ano kakatawa ha?" Slang na sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumawa. Napatingin silang dalawa sa akin at mas lalong kumunot ang noo ni Luxian na yamot na ang mukha.

"Brother Luxian, ikaw alam na language nila?" Si Zhangri na kinalapad ng ngiti ko.

"Konti pa eh." Sagot ni Luxian at umiiling na ngumingiti sa kanilang pagtatagalog. Ang cute lang kaseng pakinggan ng accent nila.

Tumikhim ako saka pinunasan ang mga mata kong naluluha na sa kakatawa ko. Gosh! They're cute as in! Love na love ko na ang dalawang ito.

"Maraming salamat dahil inaaral niyo ang lengwahe ko. Ang gandang pakinggan ng pagtatagalog niyo kase may accent kahit medyo bulol." Pagkuha ko sa pansin nila.

Nagkatinginan ang mga ito bago nagkibit-balikat sa akin. Hinila ako at niyapos ni Luxian sa beywang sabay pisil niya sa ilong ko.

"Naughty girl. I'll punish you later. Let's go." Napakagat-labi na lang ako sabay giya niya sa akin sa labas.

Sumunod si Zhangri na bigla kaming binati dahil sa pagbubuntis ko. Siya palang at ang magulang ni Luxian ang nakakaalam ng pagbubuntis ko.

Hindi ko alam kung alam na ito ni Estrella, dahil nang dumating ako dito ay hindi ko pa siya nakita.

Nang mangyari ang barilan at nang nalaman ni Luxian na buntis ako ay hindi na niya ako hinayaan pa na magtrabaho dito sa loob ng mansion nila. Ingat na ingat siya sa akin at hindi ko naman masuway.

Masaya ako sa pinapakita niya pero natatakot naman ako na malaman ito ni Estrella dahil tiyak ako na magwawala iyon at manunugod.

"Are you hungry?" Tanong niya nang papunta na kami sa dining table nila.

"Medyo." Tugon ko na alam kong naiintindihan niya.

"Ano gusto mo kainin?" May accent talaga ang tono niya kahit bulol ang pagtatagalog niya. Ang cute ni Luxian.

LUXIAN LINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon