Chapter 13

831 54 28
                                    

Hershey's povs:

"Hershey." He called my name as if it was the best tone I've heard over my entire life. Smooth and cool in my ear.

Alam ko din na habang nakatitig ako sa kaniya ay namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Nakatitig din siya sa akin ng sobrang tiim.

"Luxian. I'm really sorry for deceiving you. At first, I don't want the plan of my sister to deceiving you by using me, but she threatened me by using my mother for me to accept her words. And I'll accept all of your punishment on me."

Tapos puso kong paghingi ng patawad sa kaniya. Kahit ulit-ulitin ko iyon sa kaniya ay hindi ako magsasawa dahil malaki naman ang kasalanan ko sa kaniya. Alam kong nasaktan siya.

Nakita ko ang pag-igting ng bagang niya pero huminahon din sabay haplos niya sa gilid ng pisngi ko. Marahan at magaan ang palad niya na humahaplos sa balat ko.

Wala na din ang kamay niya sa loob ng panloob ko at nasa beywang ko na ito nakahawak. Humahaplos ng konti.

"Yes. I'm really angry with you for deceiving me but I hate the most was myself for hurting you, baby. I'm sorry." Napakurap ako nang sabihin niya iyon. Panay haplos niya sa pisngi ko at nakatitig sa mga mata ko.

Mas lalong naghurumentado ang pagkabog ng dibdib ko. Nais na yatang lumabas sa sobrang tibok nito. Nahulog na nga ako ng husto kay Luxian kase mga salita lang niya ay nagkakaganito na ang puso ko.

"H-hindi mo naman kasalanan kung bakit mo iyon nagawa sa akin kase alam kong nadala ka lang ng galit mo. Hindi kita masisi——" Napatigil ako nang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko na agad kong matanto. "I mean, it's not your fault on doing that by forcing me because it's your right to get mad at me, Luxian."

Mahaba kong paliwanag na kinatiim at pisil niya sa pisngi ko na kanina pa niya hinahaplos habang nagsasalita ako. Naiilang na nga ako sa pwesto namin. Nakatayo kami sa harap ng maraming Tablet nila dito.

Naku! Baka multuhin ako niyan ng mga ninuno niya lagot ako nito!

"But still I'm hurting you, my wife." Magaan na sabi niya saka yumukod para hagkan ang noo ko.

Itong puso ko ay rumaragasa na naman ang tibok. Mahal na nga nito si Luxian na hindi dapat. Si Estrella ang nagmamay-ari sa kaniya. Hindi ako.

"Ayos lang iyon sa akin—— it's fine with me. But Luxian—— I mean, Mr. Lin?" Napatigil ako at seryoso siyang tiningnan na nakatitig din sa akin at kumunot pa ang noo sa huling sinabi ko. Iyon naman dapat eh.

"I'm still your husband." Paggiit nito. Umiling naman ako.

"No. You're my sister's husband."

Hindi siya nagsalita pero umiigting lang ang panga niya. Halatang pinipigilan niya ang magalit sa akin.

"You are my wife, Hershey Lin. That's the one thing that never changed. You're the one I've been married in front our parents." Paggiit na naman niya na hindi ko kayang suwayin.

Alam ko naman kase na ipipilit lang nito kaya ano pang silbi kung magpoprotesta din ako sa gusto ko? Napakaseryoso pa naman ng mukha nito at hindi 'yata nagbibiro eh.

Hershey Lin... Packing tape!

Bahala na lang ang Luxian na ito sa gusto nito. Total naman kapag nakaalis na ako dito ay titigil naman ito dahil Si Estrella nga ang wife nito.

"But thank you so much for not applying a case against me. I don't want to go in jail and I'll do my best on whatever you want in exchange of my freedom, Mr. Lin." Seryoso kong saad na kinahinga nito ng marahas.

LUXIAN LINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon