Chapter 18

1.6K 87 45
                                    

Hershey's povs:

FIVE YEARS LATER.

"Nanay! Nakabenta po kami ng flowers ni Kuya Shadow!" Masayang hiyaw ng anak ko habang tumatakbo ito dito sa loob ng aming maliit na flower shop, malapit sa seaside.

Sinalubong ko siya ng yakap at halik.

"Talaga? Andami bang tourist doon sa seaside?" Nakangiting paggulo sa buhok niya na medyo makapal.

"Opo, Nanay! Eto po oh ang benta namin!" Paglahad niya sabay pakita ng maliit niyag sombrero kung saan nakapaloob ang pera.

May mga coins, dalawang bente, dalawang singkwenta at isang one hundred na papel. Muli kong ginulo ang itim niyang buhok sabay halik sa malambot at cute niyang pisngi.

"Wow! Ang galing naman ng Moon ko! Kiss Nanay sa cheeks dali!" Inihanda ko ang pisngi ko at mabilis naman niyang hinalikan ang mga ito.

"Love you, Nanay!" Nakabungisngis na paglambing niya sabay yakap ng mahigpit sa akin.

"Love you too, anak. Oh, asan na ang Kuya Shadow mo?" Tanong ko at palinga-linga sa labas.

"Nagbebenta pa po ng mga shells eh! Kasama niya po Sina Kuya Tonton!" Sagot nito at napapatingin din sa labas. Napangiti at iling na lang ako.

Sobrang saya ko nang malusog silang lumabas sa akin noon. Sa bahay ko lang sila ipinanganak habang tirik na tirik ang malaki at bilog na buwan sa bintana namin na nagbibigay anino at liwanag sa kinaroroon ko.

That's why they're Moon and Shadow. My cute and adorable male twin.

Wala na akong mas isasaya pa noon nang masilayan ko na ang kambal ko. Sila ang lakas at buhay ko kaya wala na akong hihiling pa sa Kaniya.

"Sige na Nak, lagay mo na sa alkansya mo iyang pera mo nang mapunasan kita ng pawis at magpalit ng damit." Utos ko na agad niyang kinatalima.

Kinuha niya ang alkansya nila ng Kuya Moon niya at inihulog doon ang pera. Ang laman nun ay pambili daw nila ng mga gamit nila sa school.

Sa susunod pa naman na buwan ang pasukan nila kaya mag-iipon daw sila ng pera ng sa ganun ay di na daw ako mahirapan sa pagbili ng gamit nila.

Napapangiti na kinuha ko ang towel at damit para bihisan siya. Nakita ko na inaalog niya ang alkansya nila.

"Nanay! Ang bigat na po ng alkansiya namin ni Kuya!" May halong pagkamangha at ngiti sa mukha niya.

Lumapit ako sabay hawak din sa piggy bank nila. Mabigat na nga siya dahil sa mga coins.

"Oo nga Nak. Malapit na siyang mapuno." Ngiti ko at ginulo na naman ang buhok niya. "Dali na magpalit ka na ng damit para iwas sakit."

"Opo, Nanay namin!" Bulalas nito sabay lapag ng alkansya at lapit sa akin. Napisil ko ulit ang pisngi niya.

Matapos ko siyang bihisan ay tinulungan na lang niya ako dito sa aming maliit na flower shop. Isang taon pa lang ito at dahil maraming tourist sa seaside ay naisipan kong magpatayo ng flower shop at ilang souvenirs na din. Malapit pa sa bahay.

May pumasok na isang toristang lalaki habang patingin-tingin ito sa mga nakadisplay na bouquet.

"Sir, Good Morning po!" Mabilis na salubong ng anak ko na kinangiti at lapit ko din sa kanilang pwesto. Nakita ko naman ang gulat at pagkawili nito sa anak ko.

"Good morning. May I help you, Sir?" Magalang na saad ko sabay lapit naman ng anak ko sa akin.

"Your child?" Sa halip ay tanong nito na tumingin sa anak ko bago sa akin.

LUXIAN LINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon