Hershey's pov:
#Comfort"This white roses is best for your wedding anniversary, Sir. It's symbolizes of love, respect, admiration ,and eternal loyalty to your wife." Magalang kong plaiwanag kay Mr. Solis, ang suki na'min na laging bumibili dito ng bouquet of flowers para sa wife niya.
Humahanga nga ako dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawa, kahit pumuti man ang mga buhok nila pero ang pagmamahal niya sa asawa ay walang kupas at hindi mapapantayan.
"Okay, I'll get this one and also I want pink tulips it's because—"
"It's her favourite flower, Sir." Maagap kong sabi habang may nanunuksong ngiti sa kaniya habang inaarrange ang bouquet at may personal greetings card din.
"Alam na alam mo agad, Hija." Magaan na pagngiti naman ni Sir.
"Siyempre, lagi po kayong bumibili dito, Sir." Sagot ko naman at nilalagay na ang card sa labas ng bouquet bago ibigay sa kaniya ang rose at tulips.
"Kaya nga may discount na ako dito sa flower shop mo." Sabi nito at nilahad ang ATM card nito na agad ko naman kinuha at iniswipe sa counter.
"Of course, Sir. Lahat po ng mga suki ko ay may discounts at para po hindi ako mawalan ng customers gaya mo, Sir." Nakangiti kong sambit.
Matapos kong maswipe ang card niya ay binalik ko din sa kaniya.
"Hindi ka mawawalan ng customers, Hija. Kase bukod na maganda ang may-ari ay mabait pa." Nakangiting papuri sa akin ni Sir Solis.
Natawa naman ako sa tinuran niya bago siya hinatid sa may pinto.
"Siyempre mas maganda si misis niyo kaysa sa akin, Sir!" Panunukso na saad ko naman. Nakita ko na ngumiti siya habang may iniisip na kinangiti ko din sa kilig sa kanilang love story.
"I have to go. I know my wife are waiting for me." Paalam niya at lumabas na ng pinto, sumabay ako.
"Sige, Sir. Ingat po kayo sa pagdrive at happy wedding anniversary po sa inyo." Pahabol ko at hinatid ko pa siya sa kinaparadahan ng kotse niya.
"Thank you, Hija. Bye!" Sabi niya bago pumasok sa loob at tuluyan ng umalis.
"Sweetheart."
Nakangiti na akma akong papasok sa loob nang marinig ko ang boses na iyon. Napalingon ako at bumungad sa 'kin ang nakangiti at gwapong-gwapo niyang mukha at singkit na mga mata.
"What are you doing here? Are you done meet up with your friends?" Nagtataka kong tanong at gaya nga ng nakasanayan ko ay may stick ng branded na yosi sa lips niya na hindi pa nasisindihan.
Mabuti na lang nga at kung minsan ay nakikita ko na sa labas siya nagyoyosi. Hamakin mo na dalawang kaha ng yosi ang mauubos niya sa kalahating oras lang? Grabe talaga ang pagkahilig niya sa cigarettes.
Pero nagtataka ako kung bakit red na red pa din ang lips niya kahit nagyoyosi, at saka mabango din na langhap ko noong ninakaw na naman niya ang second kiss ko doon sa orphanage.
At saka napakapervert din ng lalaking ito, e! Noong sumakay ako sa kotse niya nung nagpaalam kami sa orphanage ay chinansingan na naman niya ako. May pahimas-himas sa hita at muntik pa niyang mahawakan ang boobs ko. Mabuti na lang at maagap akong nakaiwas sa kaniya.
Kaya kung sa loob kami ng condo ng kapatid ko ay todo iwas talaga ako na madikit sa kaniya at baka tuluyan ng mawala ang iniingatan ko.
Alam kong nanghihinala na siya sa mga kilos ko pero mali naman siguro ang kutob ko kase parang normal naman ang kilos niya.
"Yeah. As usual it's boring and not excited . So, I came here to see my wife." Nakangiti niyang saad. Umiwas ako kase uminit ang mukha ko.
Kaninang umaga ay maaga siyang umalis dahil magkikita naman daw sila ng mga barkada niyang Pinoy, may Russian, may Americano, at may Japanese din daw. Ayon iyon sa kwento niya sa 'kin kagabi.
BINABASA MO ANG
LUXIAN LIN
General FictionHershey Flores is the step-sister of Estrella Dellomes, a famous super model and a beauty queen holder. And Hershey knows that her step-sister is having intimate relationship with different male physique. But she's indeed already engaged with Mr. Lu...