Chapter 14

1.1K 63 30
                                    

Hershey's povs:

"I'm excited to see someone!" Basa ko sa sketchbook na nakalahad sa harap ko. Namumula at iwas ang mukha ni Zhangri na tumingin sa akin.

Napangiti naman ako sabay siko sa tagiliran niya.

"Really? Your crush?" Pagsiko ko sa tagiliran niya. Ngumiti siya at tumango na iwas pa din ang mukha pero may sinusulat siya sa papel.

"It's a secret. Please don't tell anyone especially my brother Luxian. He knows that man and he is his friend."

Nakasulat sa sketchbook niya. Tumango ako sabay pisil sa pisngi niya. Ang cute talaga ni Zhangri at ang ganda ng singkit niyang mga mata. Like Luxian. Ang ganda nila tingnan.

"Okay. Your secret is safe with me." Tango at ngiti ko sabay akay sa kaniya sa labas para magtrabaho na.

Naging abala kami sa mga pagkaing inihanda sa bawat lamesa at ganun din ang mga alak. Mamahalin at ngayon ko lang nakita ang mga ito.

Kaarawan pala ngayon ng Tatay ni Luxian kaya napakaengrande ng okasyon ngayon. Mag-aalasais na kaya unti-unti na din dumadating ang mga bisita mula sa iba't-ibang lugar.

Marangya ang mga kasuotan at kumikinang ang mga alahas sa katawan nila. Hindi basta-bastang mga tao ang umaattend sa kaarawan na ito. Mga mayayaman lahat ang bawat bisita ng pamilya nila Luxian.

Napuno ng bisita ang malawak na hall hanggang sa dumating na din ang pamilya nila ni Luxian. Bawat isa ay binabati ang Tatay niya pero ang atensyon ko ay kay Luxian lang.

He is handsome tonight. Super pogi. Nangingibabaw sa lahat ng mga kalalakihan ang appeal at maotoridad niyang aura. Seryoso at walang mababakas na anumang emosyon sa mukha niya. He's in serious mood.

Pero nang magawi ang tingin niya sa akin ay bahagyang ngumiti ang mukha niya at saka napakindat pa. Umiwas tuloy ako dahil sa hiya.

Nakahilera kaming mga kasambahay dito sa tabi at madami kami para pagsilbihan ang mga bisita.

Bigla namang umeksena si Estrella na suot ang pinakamaganda nitong gown. Kulay pula na kumikinang sa mga mamahaling dyamante na parang beads lang sa damit na iyon.

May konting speech ang Tatay ni Luxian bago nagsimula ang kainan. Kami ay mabilis na nagsilbi ng mga inumin sa bawat lamesa. Ako ay nakatoka sa lamesa nila Luxian.

Bawat baso nila ay nilalagyan ko ng alak habang panay ang usapan nila sa lenggwahe nila. Si Estrella ay panay ang irap sa gawi ko. Hanggang sa tabi na ako ni Luxian at nilalagyan ang baso niya nang tumingin siya sa akin.

"Stay behind me." Mahina niyang sabi sa swabeng tono na kinatango ko. Nanatili ako sa likod niya.

Sa lamesa ng pamilya nila Luxian ay nakaupo ang lahat ng pamilya. Kasama si Zhangri na ngitian ako saka nakatitig ito sa isang lalaki na nasa kabilang lamesa. He's handsome too. Tapos nandito din iyong babae na may pakana ng bully kay Zhangri, tapos iyong lalaki na nakasalubong ko nun sa hallway. Siguro magkaanak.

"Miss pretty, I want some." Magalang na pagngiti sa akin nung lalaki na mabilis ko naman kinalapit sa pwesto nito, kaharap nito si Luxian. "Thanks. Please sit beside me." Sabi pa nito.

"No thanks, Sir. I'm not a visitor here." Magalang na tugon ko matapos lagyan ng alak ang baso nito. Nakatingala ito habang nakangiti pa din sa akin.

"It's okay. I want you to sit just in case I want another shot. What's your name, pretty girl?" Hindi mawala ang matamis na ngiti ng lalaki sa akin. Nagbubulungan lang kami kase ayokong makagawa ng atensyon sa lahat na kausap ako nito.

LUXIAN LINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon