Isang taon nalang nasa legal na edad na ako, mangyayari na ang kinakatakutan ko. Tuwing naiisip ko ang narinig ko noon mas lalo lang akong kinakabahan. Minsan naiisip ko nalang rin na mag layas kagaya ng ginawa ng kapatid ko pero hindi matutuwa ang magulang ko kung gagawin ko rin iyon.
Nakita ko kung paano sila nagalit kay Ate Khadija dahil sa pag lalayas nito noon. I was sixteen years old and Ate Khad is eighteen years old that time. Gusto nilang ipakasal si Ate sa mayaman pero matandang lalaki. Hindi niya iyon gusto at sinuway niya ang mga utos ng magulang namin.
Lumaki kaming hindi naranasan ang masayang pamilya. Palagi silang wala sa bahay. Wala sa mga events sa school at sa buhay namin. Palaging busy sa business nila. Ang rason nila ay para rin naman iyon sa amin. Both of us wants our parents to be proud and appreciate us. Pero kahit anong gawin namin hindi nila iyon makita, parang nakukulungan pa sila kahit sobra na ito. Hindi nila gusto ang sakto. Gusto nila ang umaapaw at sobra, kahit masama na. Masama ang sobra. Pero nag pursigi pa rin kami.
Pareho kami ni Ate na highest honor student sa school simula Elementary. I was in grade eleven that time. Si Ate Khad naman ay 1st year college taking Legal Management. Hindi niya iyon gusto, ibang kurso ang gusto niya. Si Daddy at Mommy lang ang may gusto ng kurso na iyon. Pero wala siyang nagawa.
After her debut naging abala ang mga kasambahay sa pag hahanda. Pareho kaming clueless ni Ate sa nangyayari. Inutusan kami ni Mommy na mag-ayos pero mas nag focus siya sa itsura ni Ate. Kailangan perpekto sa paningin niya.
Bumaba kami noon at nakitang may bisita na nag aabang sa malaki naming sala. Magka-hawak kamay kaming bumaba ni Ate Khad. Ipinakilala sa amin ang lalaking halos kasing edad lang nila Mommy at Daddy. Nakita ko rin kung paano nito tinitigan si Ate mula ulo hanggang paa.
Doon nag umpisa ang lahat. Ipinakilala si Ate sa matandang lalaki at sinabing ito ang magiging asawa niya. Hindi niya iyon gusto at tumanggi siya agad. She's brave enough to say what's on her mind, ayon ang wala ako. Kahit mapagalitan siya nila Mommy at Daddy ang importante nasabi niya ang saloobin niya.
Nang gabing iyon gusto nila Mommy at Daddy na pasamahin na si Ate Khad sa matandang lalaki. Doon na raw ito titira sa matanda. Hindi pumayag si Ate. Mabilis siyang tumakbo papalabas ng mansyon dala ang malaking bag na hindi ko napansin na hinanda niya.
Mag mula noong araw na iyon mas lalong naging istrikto sila sa akin. I was home schooled. I don't have friends. Ang sabi nila ayaw nilang gagaya ako kay Ate kaya mas pinili nilang hindi na ako palabasin ng mansyon. Hindi ako nag reklamo dahil wala naman akong karapatan.
Mag mula rin noon hindi na ako pinagsilbihan ng mga kasambahay namin. Ang sabi ni Mommy kailangan ko raw mag-aral ng gawaing bahay. Sinunod ko dahil pakiramdam ko noon iyon ang tama at kailangan.
At the age of seventeen, narinig ko sila ni Daddy na nag-uusap. Mommy said kailangan kong maikasal sa anak ng isa sa pinaka-mayaman sa bansa upang mas lumago ang negosyo namin. Simula rin noon dumagdag ang takot ko na baka magaya rin ako sa kapatid ko.
Paano kung sa matanda rin ako maikasal? Paano ako magiging matapang? Wala na si Ate kaya hindi ko alam kung sino pa ang kakampi ko.
Maraming bawal. Marami kaming hindi nagawa ni Ate kagaya ng mga nagagawa ng ordinaryong bata. Lumaki kami sa loob lang ng aming mansyon. Pag tungtong niya sa college doon lang niya naranasan makalabas pero may bodyguard pa rin na kasama.
Bumuntong hininga ako tinanaw ang tanawin na nasa harapan ko. Ito lang ang libangan ko. Makinig sa himig ng mga ibon, tignan ang mga halaman at ang paligid. Nandito ako ngayon sa garden ni Mommy. Ako na ang nag-aalaga ng mga ito dahil palagi naman siyang wala.
Ilang buwan nalang at eighteen na ako. Ang bilis ng panahon. Halos dalawang taon na rin wala si Ate Khad at wala kaming naging balita sa kanya. Ang alam ko hindi na rin siya ipinahanap nila Mommy at Daddy. Hinayaan na rin nila ito ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
OUR MARRIAGE SAVED ME
RomanceKaliah Ivelle Alvarez is a sweet type of girl. She would do everything to make her parents proud and appreciate her. Bata palang ay tinuruan na siya sa iba't ibang gawaing bahay kahit mayaman ang pamilya nila. She thought they just want her to be in...