So far, itong story ko ang pinaka-masaya ako habang sinusulat ko. Ito rin 'yong mas mabilis kong natapos dahil hindi ako napapagod na sulatin ang bawat chapter. Ito rin ang pangalawa sa natapos ko. This story teach me so many things. The love for the family, the willingness to forgive, and to love dearly. To you, my readers and silent readers, thank you. To my baby Kaliah Ivelle and Trevor Kaizer, I will always love you. You have a very special place in my heart.
Isusulat ko ang story nila Khadija and Kiernan. The title is Yegor's Palace 1: Chained by that Russian Man. The next story will be Xavier's story with his special someone. The title is Yegor's Palace 2: Chased by that Russian Man. May story rin si Gianna, Miguel, and Erius. Coming soon.
________________________________
Kaizer's POV
She was just sixteen the first time I saw her. I was twenty two that time. Tahimik lang siya at sobrang naiilang sa mga tao. Hindi ngumingiti at tila napipilitan lang makipag usap sa mga tao kapag may ipapakilala ang magulang niya.
Isang beses ko lang siya nakita at hindi na siya muling sinama pa ng magulang niya sa mga events. I searched her name sa social media pero wala akong mahanap. That's why I've decided to visit her in Palawan.
"Oh? Mag babakasyon ka sa Palawan?" Si Erius. Isang araw sa opisina ko habang tinatapos ko ang lahat ng kailangan para makatagal ako sa Palawan.
"No," Simpleng sagot ko.
"E, anong gagawin mo roon? Girl hunting?" Natatawang biro niya.
"Pakiramdam ko alam ko na," Si Miguel habang nag babasa ng magazine.
"Ha? Anong alam mo na?" Kuryosong tanong ni Erius pero hindi na muling kumibo si Miguel.
Pumunta nga ako ng Palawan gamit ang sarili kong chopper. I know how to drive it. I'm a lincense pilot. Sumama si Erius at Miguel sa akin.
Hindi ako bumisita sa kanila dahil baka magulat ang magulang niya at lalo na siya. Nasa loob lang ako ng sasakyan na nakaparada sa tapat ng malaking bahay nila.
Naka upo siya sa isang bamboo chair. Sa garden nilang nakikita ang labas. Nag babasa siya ng libro. Naka suot siya ng kulay maroon na dress. Naka lugay ang kaniyang mahabang buhok.
Lumabas ako ng aking kotse dahil mas gusto ko siyang matitigan. Napansin niya yata iyon kaya lumingon siya sa gawi ko. Tinignan niya ako at lumapit siya sa barandilya nila.
"Hello po. May kailangan ka po?" She asked sweetly.
Umiling lang ako sa kanya. Hindi ko alam paano ko siya kakausapin. Hindi niya ba ako natatandaan?
"What's your name?" Tinanong ko pa rin kahit alam ko na. Ayaw ko naman siyang mapahiya kung hindi ko siya kakausapin.
"Kaliah Ivelle, po. Bakit ka po nasa tapat? Kanina ka pa po d'yan, napansin ko lang," Parang musika sa pandinig ko ang boses niya. Hindi niya nga ako maalala.
"Nothing. I'm Trevor Kaizer," Hindi ako makangiti. Para akong naiistatwa sa marahang boses niya at sa mga ngiti niya.
"Kaliah! Halika na. Kumain ka na ng tanghalian," Tawag sa kanya ng isang kasambahay.
"Opo, Nanay Mercedes. Papunta na po," Bumaling siya doon. Pagkatapos ay lumingon siya muli sa akin. "Papasok na po ako sa loob. Ingat ka po," Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang pumasok sa malaki nilang bahay.
Simula noon mas lagi na akong napunta sa Palawan. Gustong gusto ko siyang makita. Hindi ko nga lang pwedeng lapitan. Para akong nahuhumaling sa kanya. I know she's too young for me but I can't help it.
BINABASA MO ANG
OUR MARRIAGE SAVED ME
RomanceKaliah Ivelle Alvarez is a sweet type of girl. She would do everything to make her parents proud and appreciate her. Bata palang ay tinuruan na siya sa iba't ibang gawaing bahay kahit mayaman ang pamilya nila. She thought they just want her to be in...