Lumipas pa ang ilang buwan mas lalong dumadagdag ang kaba ko lalo na dalawang linggo nalang, darating na ang araw na kinakatakutan ko. Sa loob ng ilang buwan mas lalong humigpit sa akin sila Mommy. Ayaw na nila akong palabasin ng mansyon, maski sa garden pinag-bawalan na ako.
Naging abala sila para sa aking debut party na alam ko naman hindi tungkol iyon doon. May iba pa. Engagement party. Hindi pa nila sa akin sinasabi ang tungkol doon pero alam ko na. Ang tanging nagagawa ko lang para hindi ma-bored ay manood ng TV. Paminsan-minsan nag bubukas ako ng Facebook account sa laptop para makausap ko si Gianna. Kailangan wala sila Mommy at Daddy sa mansyon.
Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita. Minsan nagsisend siya ng picture ng mga gala nila at hindi ko maiwasang hindi mainggit. Iyon ang buhay na ipinagkait sa akin. I don't know why my parents wants me to have a husband at an early age. Are they arranged marriage too?
Lumabas ako ng aking kuwarto at bumaba na. Nakita ko si Mommy na may kausap. Ngiting-ngiti ito sa akin. Nang mapansin ni Mommy ang tinitignan ng lalaki bumaling ito sa hagdan kung nasaan ako.
"Hi sweety! Come here, I'll introduce you to my own designer. She designed your dress for your debut party," Nilapitan pa niya ako at tinulungan makababa.
Ganito si Mommy kapag may ibang tao. Asikasong asikaso niya ako pero pag wala na halos hindi na rin niya ako pansinin na parang hindi niya ako nakikita. Hindi ako nag reklamo. Sabi nga ni Gianna hindi raw ako marunong no'n. Na palagi akong tameme at walang palag sa lahat, lalo na sa parents ko.
Lumapit ako at tumayo ang lalaki. He looks like in 30's. He flips his long hair backwards. Gay.
"Henz, this is my daughter, Kaliah. Kaliah, this is Henz the designer of your gown," Nakangiti pa si Mommy.
"Hi. I'm Kaliah. Nice to meet you, Sir," Nag lahad pa ako ng kamay at inabot naman niya iyon.
Isa ito sa mga itinuro saamin ni Ate noon. Ang pagiging pormal. Nakasanayan ko nalang rin pero noong una nahihiya at nauutal pa ako.
"Oh, darling. No need to call me sir, just Henz. Pleasure to meet you. Ang ganda ganda mo! Para kang beauty queen," Parang hindi makapaniwalang saad niya. Ngumiti ako.
"Of course, Henz! Mana sa Mommy," At nag tawanan pa sila ni Mommy.
After it ipinakita sa akin ang sususotin kong dress. It's a white dress. A bodycon off shoulder dress sequin. It's too revealing. It has slit at the side. Hindi siya dress para sa isang debut party! Ipinasukat iyon sa akin at halos mailang ako. Sanay akong mag suot ng dress dahil iyon naman palagi ang pang bahay ko pero hindi ganito kaikli.
Pumalakpak sila ni Mommy nang makita ako. "Bagay na bagay sa'yo, hija," Si Henz.
Napaiwas ako ng tingin kay Mommy dahil nakita niya ang ekspresyon ko. I know that look. It's a warning look na kapag may sinabi akong ikapapahiya niya ay malalagot ako. Ngumiti nalang ako kay Henz at ipinaharap niya pa ako sa salamin.
"You have a natural beauty, Kaliah. Bagay na bagay sa'yo ang maalon ngunit pino mong buhok," Pag puri ni Henz.
"Thank you, po," Nahihiyang saad ko.
After a couple of days dumating na ang araw na hinihintay ng magulang ko. Sobrang busy nilang lahat sa pag-aayos. Ngayon ang birthday ko. August 16. Pero ni isa sa magulang ko walang bumati sa akin. Masyado silang abala. Tanging ang mga kasambahay at si Gianna lang ang bumati. Sanay naman na akong hindi binabati ng magulang ko tuwing kaarawan ko. Sanay rin akong hindi nagce-celebrate. Dahil parang hindi rin naman iyon importante sa kanila.
Nakikita ko mula sa teresa ng kuwarto ko ang design ng debut party ko or I should I say engagement party? Tumabi sa akin si Gianna. Umuwi siya dito dahil ayaw kong wala siya sa tabi ko kapag hinarap ko na ang problema ko.
BINABASA MO ANG
OUR MARRIAGE SAVED ME
RomanceKaliah Ivelle Alvarez is a sweet type of girl. She would do everything to make her parents proud and appreciate her. Bata palang ay tinuruan na siya sa iba't ibang gawaing bahay kahit mayaman ang pamilya nila. She thought they just want her to be in...