CHAPTER 20

431 4 0
                                    

The next thing I knew I woke up beside Kaizer. Si Gavriel naman ay nasa kabilang gilid ko na. Pagkatapos namin mag usap kagabi ay nag paalam naman ang parents niya. Bibisita nalang sa susunod.

Si Erius, Miguel, at Gianna naman ay nanatili pa. Uminom sila ng beer habang naka tambay sa pool area. Tahimik naman akong nakikinig sa kanila habang paminsan minsan kausap si Gianna.

Hindi ko alam ano ang nangyari sa kanila pag alis ko. But one thing is for sure ang daming nag bago sa kanila. Kapansin pansin ang pag sulyap ni Miguel kay Gianna habang si Gianna naman ay tila walang nakikita.

Hindi sila nag uusap. Hindi rin tinitignan ni Gianna si Miguel. Hindi ko alam paano nangyari na naging ganito sila. Maayos sila noong umalis ako. Mag kasama pa nga sila natulog sa room noon.

Si Erius naman ay ganoon pa rin. Still playful. He's already twenty six pero wala pa rin girlfriend. Hindi ata siya nag seseryoso.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Kinuha ko pa ang cellphone ko para maitext si Ate Khad. Paniguradong nag aalala na 'yon sa anak niya.

Nagulat ako sa napakarami niyang missed calls at text. May isang text mula kay Xavier.

To Ate Khad:
I'm sorry, Ate. We're here at Kaizer's penthouse. Hindi ako nakauwi kagabi. Uuwi kami ni Gavriel today.

Napatalon naman ako nang mag ring ang cellphone ko. It's Xavier. Bago ko sagutin 'yon ay umirap ako at nakita kong naroon na pala sa pinto ng bath room si Kaizer nakatitig sa akin.

"Hello?" Bungad ko kay Xavier.

"Where are you?" Tanong agad ni Xavier.

Bago sagutin sinilip ko muli si Kaizer at papalapit na siya sa akin ngayon. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa pag lapit niya.

"Secret. Uuwi rin kami ni Gav," Mariing sabi ko.

"Pa-secret ka pa. Sana kung may gagawin ka iniwan mo nalang ang pamangkin ko sa akin," Tumawa pa siya.

"Whatever, Xav. I'm going home mamaya," Dahil sa sinabi ko napatitig sa akin ng masama si Kaizer.

"I can fetch you and Gav. Text me the address. I'm going to hang up now," Ayon lang at pinatay na ni Xavier ang tawag.

Dahan dahan ko namang binaba ang cellphone ko. Masama pa rin ang titig sa akin ni Kaizer.

"Uh. Good morning," Masayang bati ko kahit na parang may kumakalabog ng malakas sa puso ko.

Hindi siya sumagot at lalo akong nilapitan. Sobrang lapit na parang ayaw niyang may kaonti kaming espasyo.

"Uuwi na kami ni Gav. Hinahanap na siya ni Ate. Susunduin kami ni Xavier," Kinakabahang sabi ko.

"No need for him to fetch you here. Let's go to your sister's house."

"Bahay ni Xavier ang tinutukoy ko. Doon kami pansamantala nila Ate," Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag.

"Ihahatid ko kayo. Don't text him the address," Umalis na siya sa harap ko pagkatapos sabihin 'yon.

Gising na si Gavriel pag labas ko ng banyo. Naka upo siya sa kama habang kinakausap niya si Kaizer.

Nag ayos na ako dahil kailangan na namin umuwi. Si Gavriel nalang ang kailangan ko asikasuhin.

"Let's eat breakfast."

Nilingon ako ni Kaizer bago si Gavriel. Agad naman sumunod ang bata sakaniya. Tahimik kaming kumain at paminsan minsan si Gavriel lang ang sasalita. Puro kwento tungkol sa buhay niya sa Russia.

Natapos kaming mag ayos ng alas otso ng umaga. Naka suit si Kaizer halatang papasok sa opisina.

Pinarada niya ang aston martin niya sa tapat ng bahay ni Xavier. Bumaba kami at binuhat niya naman si Gavriel.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon