CHAPTER 11

413 8 0
                                    

After his meeting he asked me kung may gusto ba akong puntahan. I told him na hindi pa ako nakakapunta sa mall. I don't have any idea what it looks like in person dahil sa pictures ko lang naman iyon nakikita.

Hindi naman ako gano'n ka-ignorante dahil nakakapanood naman ako ng TV at nakakapag research about things noong nasa mansyon palang ako namin sa Palawan. Malayo ang mall doon at hindi rin naman kami pinapayagan lumabas. Our parents deprived us the life we supposed to live.

Sa mga movies na napapanood ko sa TV namin, hindi gano'n kadalasan ang turing ng magulang sa mga anak. Kaya nagkaroon ako ng ideya na somehow mali ang ginagawa nila Mommy. Pero ayaw ko pa rin sila suwayin.

Si Kaizer na ang nag drive patungong mall. Ang sabi niya dadalhin niya raw ako sa pinaka-malaking mall sa Pilipinas. Tinatahak na namin ang way patungo roon.

It's already 7 PM in the evening. Sobrang dilim na. September na rin kasi kaya mas maagang dumilim.

I saw the sea side! Sa pictures ko lang ito nakikita noon. Si Gianna ay nakuwento na rin noon sa akin na nag punta na sila rito ng friends niya.

We are at SM Mall of Asia. Parang gusto kong tumakbo. Nag nining-ning ang mga mata ko sa nakikita. Ang mga puno ay may christmas lights na! Sa gilid naman ay mga palaruan. Sobrang daming tao. May mga matanda, bata, at teenagers.

Pumunta kami sa parking lot at dumiretso na papasok sa loob ng mall. Kaizer hold my hand at nag lakad kami.

"This is my first time going to the mall," Ngiting-ngiti pa ako habang sinasabi 'yon sa kanya.

"And why is that? You have mall in Palawan," Kaizer asked me curiously.

"Mom and Dad won't allow us," Malungkot kong sabi.

"Us?"

"Uh, yeah. I have a sister."

"I didn't see your sister at our wedding, even in your house."

Napatahimik ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ikwento 'yon sa kanya. Pumasok kami sa isang mamahalin na restaurant. Agad naman kaming pinag silbihan at umorder na.

Bumuntong hininga ako bago ko i-kuwento sa kanya ang tungkol kay Ate Khad. I even tell him about what my parents did to Ate kaya wala ito. Nakinig naman siya at hinayaan akong matapos sa kuwento ko.

"Your parents didn't try to find her?" Kuryosong tanong niya agad pagkatapos kong mag kuwento.

"I didn't ask my Mom and Dad about Ate Khad. Galit sila. Hula ko lang na hindi na nila ipinahanap dahil hindi naman na nila nabanggit noon," Sumimangot pa ako.

Napakurap ako ng makita ang cellphone niya na nakatutok na pala sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko at inagaw ang phone niya. Kinukuhaan na naman niya ako ng picture.

"Kaizer, delete that!" Kunwaring galit na banta ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Tinawanan niya pa ako.

Nag serve na ang pagkain namin. Ayon na naman ang cellphone niyang nakatutok sa mukha ko. Ngumiti nalang ako sa picture. He smiled at what I did.

Kumain na rin kami at nag kuwentuhan pa. Pagkatapos kumain ay dinala niya ako sa iba't ibang clothing store na naroon. Pumipili siya ng iba't ibang damit na para sa akin.

"Try this," Inabot niya pa ang floral dress.

"Bakit mo ako bibilhan? Hindi ko naman kailangan n'yan," Sabi ko pero hindi siya nakinig.

"You can get the things you like here. I'll pay for it," He casually said.

Lumapit naman sa akin agad ang isang babae at tinulungan ako.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon