CHAPTER 14

399 8 0
                                    

Nagkakatext kami ni Ate Khad. Inubos ko ang oras ko sa pakikipag usap sa kanya. Kinuwento niya sa akin ang lahat.

Narito lang siya sa Pilipinas dahil may inasikaso ang asawa niya. Ang asawa niya ay si Kuya Kiernan. Ayaw niya pa rin sabihin sa akin kung paanong kilala niya si Kaizer.

Patungo ako ngayon sa bahay ng family ni Mommy dito sa Manila. Tinawagan nila ako kanina at pinapamadali akong pumunta. Hindi ko alam kung bakit.

Nag taxi lang ako at hindi na nag paalam kay Kaizer. For sure, nasa penthouse na ako bago pa siya makauwi mamaya.

Kinakabahan akong pumasok sa pinto dahil nakita ko agad ang ekspresyon ni Mommy. Nakikita ko lang naman siyang nakangiti tuwing may kinakausap na ibang tao.

"Mag uusap tayo. Sumunod ka sa akon," Ayon ang salubong niya sa akin at umakyat na siya agad sa hagdan.

Wala ata si Daddy ngayon dahil hindi ko nakita ang sasakyan niya. Tanging maids lang ang kasama ni Mommy ngayon. Sumunod ako sa kwartong pinasukan niya kahit na kinakabahan ako.

"I have a plan, Kaliah. I need you to cooperate. Mukhang walang balak ang Kaizer na 'yon sa merging. Ako na ang kikilos para mangyari 'yan. Hindi ako papayag na makukuha ka niya ng libre lang," Sinarado niya ang pinto.

"What is it, Mom?" Hindi ako umupo. Tanging naka sandal ako sa pinto ng kwarto.

"Alam ko na ang baho ng mga Venezio. Pababagsakin natin siya gamit 'yon. Saka ka kikilos kuhanin ang lahat ng kanila. Ang pharmaceutical company niya. Lahat!" Tuwa pa siya na parang bruha sa mga palabas.

"Mommy, I don't want to do that. Please. Kakausapin ko nalang po si Kaizer tungkol sa merging," Pag mamakaawa ko.

"Hindi, Kaliah! Tama na ang ilang buwan naming pag hihintay ng Daddy mo! Nauubos na ang pasensya ko! Lahat ng investors nag aalisan na dahil wala na silang tiwala. They even call me sinungaling dahil wala pang merging na nagaganap!" Tumayo siya at lumapit sa akin.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Halos mapapikit ako dahil akala ko ay sasampalin niya ako. Hindi ko siya matingnan ng maayos. Parang hindi na siya ang Mommy ko. Ibang iba na ang paraan ng pag tingin niya.

"Kaliah, anak, makinig ka sa akin," Saka niya pinaliwanag ang lahat ng plano niya.

Tumulo ang butil ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam bakit naging ganito kalala si Mommy. Hindi ako kumibo dahil na rin sa takot na baka masaktan niya muli ako.

Nang makalabas ako sa bahay ay dali dali akong pumara ng taxi. Nag pahatid ako agad sa penthouse. Pinaniwala ko lang si Mommy na susundin ko ang gusto niya upang makaalis sa bahay na iyon.

Umiiyak akong pumasok sa penthouse namin ni Kaizer. Wala pa siya. Dali dali kong hinanap ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Ate Khad.

"Ate," Hindi ko napigilan ang iyak ko.

"Why are you crying, Kaliah? Are you okay? What happened?" Tanong niya.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng napag-usapan namin ni Mommy. Sinabi niyang bukas na bukas pumunta ako sa address na binigay niya.

Hindi ko alam kung paano nakakilos. Nakapag luto pa ako ng hapunan namin ni Kaizer. Saktong alas syete ay dumating siya. Sinalubong ko siya at niyakap ng mahigpit. Hinalikan naman niya ang noo ko.

"Are you okay, baby?" Tanong niya at tumango lang ako.

Kumain at natulog kaming walang imikan. Hindi ko siya kayang traydurin ng gano'n. Hindi ko alam ano ang rason niya para hindi sumunod sa kasunduan nila ng parents ko patungkol sa merging.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon