CHAPTER 19

366 7 0
                                    

"Limonov, Mom?" Lumapit pa si Kaizer sa kanyang ina.

"Kami lang ang Limonov sa Russia. I remember that kid, he's my niece. Anak siya ng Tita Celestia mo," Ang Mommy ni Kaizer na halatang gulat na gulat pa rin.

"Ibig sabihin Tita pinsan ni Kaizer 'yong Xavier Yegor na 'yon na inakala naming asawa ni Kaliah?" Si Erius.

"Yes. Dalawang lalaki ang anak ni Celestia kay Kernan Yegor. That is Kiernan and Xavier." Bumaling pa si Tita Celestine kay Erius.

"That mother fucker is my cousin? Paanong hindi ko alam ang tungkol dito, Mommy? Suminghap pa si Kaizer. Tila litong lito.

"Stop cursing, Trevor Kaizer," Tinignan pa ng masama ni Tito Adlerius si Kaizer.

"Hindi na ako muling bumalik sa Russia simula ng mag pakasal ako sa Daddy mo. Wala na akong babalikan pa doon dahil itinakwil na ako ng Lolo mo. Matagal na rin kaming hindi nakapag usap ni Celestia dahil na rin sa kailangan nila ng pribadong buhay," Paliwanag pa ni Tita Celestine.

I know that. Kilala ko rin si Tita Celestia. She's also happy to see me. Kilala niya rin si Kaizer at minsan na rin niya na ikwento sa akin na baby pa si Kaizer noong huli niyang makita.

"You know about this, Kaliah?" Ako naman ang binalingan ni Kaizer.

"Yes, Kaizer. I'm sorry. Hindi ko nasabi agad. The information about the Yegor is private," Tinignan ko si Gianna ngayon. "Gi, samahan naman muna si Gav sa pool area. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol dito," Pakiusap ko sa kanya agad naman siyang tumayo.

"Let's go, Gav," Kinarga niya si Gav patungong pool area. Kumakain pa rin ito ng fries at nuggets.

Sabay sabay naming pinanood si Gianna at Gavriel na pumunta doon. Nang makarating sila doon ay saka ako naka hinga ng malalim.

"Kaya ko kasama lagi si Gavriel at pinapaniwala ang mga tao na anak ko siya dahil hindi pwedeng malaman ng mga tao na may apo na ang mga Yegor. They doesn't want to hide Gavriel but they are willing to do it for his safety. I know you know what I mean, Tita Celestine," Bumaling ako kay Tita.

"I know exactly what you mean, anak. Hindi na dapat natin 'to pag usapan. Ang importante malinaw na hindi anak ni Kaliah si Gavriel," She said.

"Xavier Yegor is my fucking cousin. I can't believe it! Kaya hindi ko mahanap hanap si Kaliah noon dahil na sa Russia siya. Walang record ang pag alis niya," Sumalampak pa si Kaizer ng upo halos nang hihina.

"Hindi mo talaga mahahanap si Kaliah. Kung sumama siya sa mga Yegor noon patungong Russia malamang gumamit sila ng private plane. Kilalang mayaman ang mga Yegor sa Russia," Si Tito Adlerius.

"Okay. We get it now. E, bakit ka umalis noon, Kaliah?" Lumapit pa sa akin si Miguel ngayon at naupo sa couch.

Parang may bumara sa leeg ko. Hindi ako makapag salita agad sa diretsong tanong ni Miguel. Ang akala ko patungkol lang kay Gavriel ang itatanong nila. I'm not ready for this but I guess I really need to tell them the truth.

Tinign ko silang lahat at pare-pareho silang nag aantay sa sagot ko. Nag baba ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko 'to sisimulan.

"Tell us the truth, Kaliah. Why do you need to leave me here and give me a fucking annulment papers. I tried to find you for three fucking years," Galit na si Kaizer.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Natigilan ako ng biglang sumigaw si Gavriel at tumakbo papalapit sa akin.

"Mommy Kali, why are you crying? Don't shout and curse at my Mommy, please?" Tinignan niya pa si Kaizer.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon