CHAPTER 4

319 8 0
                                    

Suot ko ang ring na bigay ni Kaizer. Namamangha ko iyon tignan. Halos mabaliw pa nga sa kilig si Gianna ng sabihan ko sa kanya ang tungkol doon. Halos hindi rin ako makapaniwala dahil naman kailangan no'n. Arrange marriage lang ang mayroon kami.

"Anong nararamdaman mo? Ayaw mong tanggalin 'yan ah? Ilang araw na 'yan d'yan," Nakangisi pa si Gianna.

"Sabi niya 'wag ko raw tanggalin," Saad ko bago naupo sa kama ko.

"Oh, e, ba't mo sinusunod? Ikaw ah?" Pang-aasar niya pa.

Hindi ako kumibo. Itinaas ko pa ang daliri ko para titigan itong mabuti. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang halos lahat ng sinasabi niya ay dapat kong sundin. Nag kukusa ang pag tango ko sa lahat ng sasabihin niya.

"Ano na nga, Madam? Mag papakasal ka ba o itatakas na kita tutal uuwi na rin ako sa Manila bukas," Pagkukumbinse pa ni Gianna.

"Pinag-bantaan na ako ni Mommy tungkol d'yan. You see after the engagement bawal na rin akong lumabas ng kuwarto ko. Hinahatiran lang ng foods. Maski sa baba ng teresa ko may naka bantay."

"So? Mag papakasal ka nga? Alam mo, i-try mo kaya. Syempre pag kasal na kayo doon ka na titira sa kanila, makakawala ka na dito. Isipin mo nalang rin na ayon ang purpose ng pagpapakasal mo sa kanya, makikinabang ka rin kasi makaka-alis kana dito sa mansyon niyo," Hinawakan pa niya ang kamay ko at hinaplos ang ring.

"Pakiramdam ko mabait sila. His Mom gave me a flowers and cake. His brother, Asher treats me like his older sister. His Dad always smiles at me everytime I looked at him," Pag kuwento ko pa.

"Oh, see! Subukan mo lang, alam mo rin naman pareho tayong walang magagawa," Humiga siya ng maayos at tumingala si kisame. I did the same.

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula ng araw na iyon. Bukas ang uwi ni Gianna sa Manila dahil may klase na siya. After our engagement party kinausap na ako ni Mommy. She wants me to stop studying already. Sinubukan ko siyang pigilan at kumbinsehin na pwede naman akong home school ulit dahil 3rd year college na ako at sayang iyon kung titigil ako, pero sinampal lang niya ako. Dapat daw ay pagtuunan ko ng pansin ang pagiging mabuting asawa kay Kaizer.

Nakita iyon ni Gianna. Sinabi ko sa kaiya ang saloobin ko tungkol doon kaya napilitan siyang lumiban pa sa klase ng ilang araw. Idadahilan nalang raw niyang nagkasakit siya.

Nasabi na rin ni Daddy sa akin ang magiging ayos ng buhay ko after namin mag pakasal. Aalis na ako dito sa mansyon at doon na ako titira sa Manila kung saan nakatira ang pamilyang Venezio. Nakita ni Gianna na opurtunidad iyon upang maka-alis na ako sa pagkakakulong ko rito.

Sumasama ang loob ko dahil hindi naman ako nag reklamo sa pag papakasal ngunit ipinatigil rin nila ako sa pag-aaral. Hindi ko sila maintindihan kahit na pinipilit kong intindihin ang lahat ng sinasabi nila.

Nagising ako kinabukasan na wala na si Gianna pero nag iwan siya ng note. Maaga ang flight niya patungong Manila. Ako nalang ulit mag-isa. Bumangon ako at nag ayos. Pagkatapos no'n ay binuksan ko ang pinto sakto naman ay pakatok palang si Mommy.

"Mom, good morning, po," Bati ko rito.

"Hmm. Ngayon aayusin ang mga gamit mo. Bukas ang alis natin patungong Manila. Sa Linggo gaganapin ang kasal mo," Imporma niya.

"Mom, pwede po bang mag-aral ako doon? Please, po. Hindi ko naman po kalilimutan ang tungkulin ko. Gusto ko lang po talagang mag-aral," Nakayuko ako pero kabadong kabado.

"No! We already talked about this shit, Kaliah! Ayon nalang ang gagawin mo hindi mo masunod? 'Wag mo gayahin ang kapatid mong walang silbi," Inis niyang wika.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon