Sumunod ako kay Mommy patungong stage. Inalalayan pa siya ng bodyguard niya na naka abang sa gilid ng stage. I don't know what I'm doing here. Sumunod lang ako at gano'n din si Daddy. Tumingin ako sa mga tao at hinanap ko si Gianna. I need to calm down. Para akong hindi mapakali sa pagkakatayo ko.
Tumingin ako sa lalaking nasa harapan. He has this smirk and teasing smile pero hindi iyon gano'n kahalata. I'm scared the way he looks at me. Pakiramdam ko ay kahit ano mang oras ay sasaktan niya ako. Posibleng gym addict 'to. Makikita mo sa tindig niya kung gaano kalaki ang katawan niya kahit na nakasuot siya ng kulay itim na tux. He looks like he's in his 20's.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Lumingon ako kay Mommy na ngiting-ngiti sa mga tao. Binigay sa kanya ang mikropono pagkatapos siyang ipakilala ng emcee, napalingon naman sa kanya ang mga tao. Parang gusto kong mag tago nalang sa likod ni Gianna. Kung pwede ko lang siya sana isama sa stage, ginawa ko na.
"Good evening, ladies and gentlemen. First of all, I'm thankful that you all came here to witness this important event of our daughter. A lot of you are clueless of what's going on or why are you here because I didn't say anything in the invitation. Matagal na itong naka plano. Matagal na rin naka-handa at ang dalaga ko nalang ang hinihintay. I want you all to meet my Kaliah Ivelle Alvarez, the fiancé of Trevor Kaizer Venezio, the son of Mr. and Mrs. Venezio," Nakangiting saad ni Mommy.
Lahat natahimik pero lahat rin nakabawi at sabay sabay na nag palakpakan. Ako? Kahit alam ko na gulat na gulat pa rin ako. Hindi ako makagalaw. Gusto kong yumuko pero alam kong nakatingin sa akin ang lahat. Tinignan ko ang pamilya niya, mga nakangiti ito at nag palakpakan. Tinignan ko ang anak nilang nasa gilid with my pleading eyes. Gusto kong tumutol siya dito pero ba't parang ayaw niya? Napilitan rin ba siya? Ano ang kapalit ng pag payag niya? He look at me with a cold eyes na parang hindi niya nagustuhan ang reaksyon ko.
"Kindly please join us, Venezio family," Si Mommy pa rin.
Napayuko ako ng umakyat sa stage ang pamilya niya. Napa-angat lang ako ng tingin ng may tumabi sa akin. Alam ko na agad kung sino. Hinawakan niya ako sa siko. Titig na titig siya sa buong mukha ko. Tila binabasa niya ang iniisip ko. Napalunok ako sa paraan ng pag tingin niya. Wala pang kahit sinong lalaki ang nakalapit sa akin ng ganito. Wala akong experience sa interaction sa mga tao dahil tanging kasambahay lang at si Gianna ang nakakausap ko. Inilapit niya ang mukha sa ears ko at bumulong.
"You look so nervous. Relax, Kali," Bulong niya na nagpatindig sa balahibo ko.
What's with the nickname? They don't call me that. It's just Kaliah or Ivelle.
Napatayo ako ng tuwid at pekeng ngumiti sa mga tao sa harap. I look nervous. Baka mahalata ni Mommy at mapagalitan ako. Hinawakan niya ang siko ko at dumiretso ang kanang kamay niya sa baywang ko. Napalunok ako. Nahanap ng mga mata ko si Gianna sa gilid na parang binubudburan ng asin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Once again, a round of applause for the newly engaged, Ms. Kaliah Ivelle Alvarez and Mr. Trevor Kaizer Venezio," Ani ng emcee at ibinagay ang mikropono kay Kaizer.
Iginiya niya ako patungo sa harapan ng stage. Nakangiti ang lahat ng tao at titig na titig sa kanya. Tila nagagalak silang makita ito.
"Thank you for coming here tonight," Ayon lang ang sinabi niya at nag palakpakan ang lahat. Inabot niya ang mikropono sa emcee.
"Thank you, Mr. Venezio. How about our beautiful lady right here, Ms. Alvarez?" Inabot niya rin sa akin muli ang mikropono. Nanginginig ang mga kamay kong tanggapin iyon.
Nilingon ko si Mommy at Daddy, ayon na naman ang istrikto niyang tingin na tila sinasabing bawal akong magkamali. Tumikhim ako bago nag salita.
"I appreciate your presence here and the time you will spent with us. Please, enjoy the rest of the evening. Thank you!" Binigay ko agad ang mikropono at nag palakpakan ang mga tao.
BINABASA MO ANG
OUR MARRIAGE SAVED ME
RomanceKaliah Ivelle Alvarez is a sweet type of girl. She would do everything to make her parents proud and appreciate her. Bata palang ay tinuruan na siya sa iba't ibang gawaing bahay kahit mayaman ang pamilya nila. She thought they just want her to be in...