"Who's that?" Bungad na tanong ni Kaizer sa akin.
"Si Mommy. Tara, breakfast na," Lumapit ako sa kanya.
Nag lakad kami patungo sa restaurant ng resort. Nandoon na sila at kumakain na. Bumeso ako kila Tita Celestine at Tito Adlerius. Nilapitan ko naman si Asher para batiin.
"Happy birthday, Asher!" Kinurot ko pa ang kaniyang pisngi.
"Thank you, Ate Kaliah. I want a nephew po for my gift," Bumungisngis pa siya.
Ikinagulat 'yon ng lahat. Sinaway siya ni Tita Celestine. Natatawa naman si Gianna at Miguel. Wala pa si Erius.
"Son, just wait, okay?" Natatawang balik naman ni Tito Adlerius.
"Who teach you that, Tavion?" Tanong ni Kaizer sa kanya.
"Si Kuya Erius po," Inosenteng sagot ni Asher.
Lalong tumawa sila Gianna at Miguel. Iiling iling akong tumabi sa kanya. Kung ano ano talagang nalabas sa bibig ni Erius.
Kumain na kaming lahat. Nag usap usap rin tungkol sa mga gaganapin mamaya. Maraming mga dadalong bata. Ang iba ay mang gagaling pa sa Manila pero sagot naman nila lahat ang gastusin.
Maya maya pa ay tumayo si Kaizer. Nagulat kaming lahat ng batukan niya si Erius na nag lalakad patungo sa lamesa namin. Taka siyang tinignan ni Erius.
"What did I do, bro? Fuck! Ang aga-aga," Napahilamos pa siya sa mukha.
"Your mouth, Erius," Sita ni Tita Celestine.
"I'm sorry, Tita. What's your problem, Kaizer?" Tanong niya habang naupo sa upuan na para sa kanya.
"Mamaya sasabihin ko sa'yo. You're a piece of shit!" Tinakpan pa ni Kaizer ang tainga ni Asher bago sabihin 'yon.
Tumawa naman bigla si Erius. "Ah! Sinabi na ba ni Asher ang gusto niyang gift?" Tatawa tawa pa siyang napatingin sa amin.
Kinurot ko siya sa tagiliran at napadaing siya. Nag umpisa na kaming kumain muli. Nang matapos ay nag aya silang mag ikot sa buong resort. Sila Tita Celestine at Tito Adlerius ay may aayusin sa veneu. Si Asher naman ay sumama sa kanyang personal maid.
I'm wearing a pink dress. Hinahangin ang mahaba kong buhok. Sinuotan naman ako ng shades ni Kaizer parehas ng kaniya. Samantalang naka busangot naman ang mukha ni Erius dahil magka holding hands si Gianna at Miguel.
"Ano ba 'yan! Sumama lang ba ako dito para maging 5th wheel?!" Para siyang batang nag mamaktol. Tinawanan naman siya ng dalawa.
"Sa dami mo ba namang ka late night talks kagabi hindi mo siguro malaman kung sino ang isasama mo rito," Pang aasar sa kanya ni Miguel.
"Tss. Tawag sila nang tawag sa akin. Namimiss na raw nila ako," Tila proud pa si Erius ng sabihin 'yon.
Hindi masyadong mainit kaya ayos lang na mag lakad lakad kami. Si Kaizer naman ay hindi matanggal ang kamay sa baywang ko. Palagi siyang ganito sa akin. Tila laging gustong ikulong ako sa bisig niya.
May dumaan na mga kababaihan. Napasipol si Erius agad. Lumapit pa siya sa isang babaeng naka yellow two piece bikini. Si Miguel naman ay tumingin rin kaya piningot ni Gianna ang tainga nito. Nilingon ko si Kaizer, halos mapatalon ako sa gulat ng sa akin siya nakatingin. Umiwas ako.
"Hi, Miss! I'm Erius and single," Pagpapakilala niya.
"Janica," Tinanggap naman niya rin ang kamay ni Erius.
Napailing kami ng mag umpisa na silang mag usap doon. Parang tanga si Erius na ngiting ngiti sa kausap niya.
Umorder nalang kaming apat ng shake at umupo sa vacant na lamesa malapit doon. Nag take pa kami ng pictures apat. Nakaupo ako sa harap ni Kaizer dahil si Gianna ang katabi ko. Tinaas ni Kaizer ang phone niya kinuhaan ako ng picture. Hawak ko ang shake ko at naka lagay ang siko ko sa arm rest ng inuupuan ko. Ngumiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
OUR MARRIAGE SAVED ME
RomanceKaliah Ivelle Alvarez is a sweet type of girl. She would do everything to make her parents proud and appreciate her. Bata palang ay tinuruan na siya sa iba't ibang gawaing bahay kahit mayaman ang pamilya nila. She thought they just want her to be in...