Nang gabin iyon sumama nga ako sa pamilyang Venezio patungong Manila. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nanghihina ako dahil sa ngiti sa mga labi ni Mommy. Parang tuwang tuwa siya sa mga nangyayari.
Pinatuloy nila ako sa kanilang mansyon. Triple o higit pa ata ang laki nito sa mansyon namin sa Palawan. Pinatuloy nila ako sa isang malaki at magarbong kuwarto. Iyon raw ang guest room. Napakalaki no'n para lang sa guest room.
Isa isa kong binuksan ang napakarami kong maleta. Halos lahat ng gamit ko ay nakalagay doon. Natandaan kong halos wala na ngang natira sa buong kuwarto ko. Para akong pinalayas. Nag taka nga rin doon si Tita Celestine pero ang sabi ni Mommy para hindi na raw ako mahirapan sa pag balik incase na may naiwan ako. Pero hindi ako naniwala sa rason niya.
Tinitigan ko ang lahat ng maleta. May mga damit, bag, sapatos at iba't iba ko pang gamit. Natuwa ako ng makita ang laptop ko. Gusto kong buksan ang Facebook account ko para mabalita kay Gianna na nasa Manila na rin ako ang kaso hindi ko alam ang WiFi password nila.
Inikot ang mata ko sa buong paligid at may nakita ako sa tabi ng TV. Nilapitan ko ito at namangha akong box iyon ng WiFi. So ibig sabihin may WiFi ako dito sa loob ng guest room? Inikot ko iyon para hanapin ang password ng makita dali dali kong tinipa sa laptop ko. Gumana naman ito.
I opened my Facebook account. Nagulat ako dahil baha ng notification, may mga nag sent ng friend request galing sa mga bisita namin noong engagement party. May mga pumuso at nag comment rin sa profile picture ko na nilagay ni Gianna.
Dumiretso na ako sa Message at pinindot ang name ni Gianna. Napakahaba ng mga message niya sinasabing nakauwi na siya. Nag tipa ako.
Kaliah Ivelle Alvarez
I'm here na sa Manila. Nag visit ang family ni Kaizer sa house kanina. He decided to bring me with them here. We can talk, hindi ako kakabahan na may biglang papasok na Mommy sa room ko.Agad namang na-seen niya iyon at nag tipa ng reply.
Gianna Louise Santos
Whattt?! Seryoso ka? Ba't ang aga mo naman atang napunta ng Manila? Ano nangyari?Kaliah Ivelle Alvarez
I don't know either. Bigla nalang nag sabi si Kaizer na isasama na niya ako ngayon. I don't know if he knows where I get my swollen red face and may pasang braso. Mommy slapped me and even dragged me to the library.Komportable akong sabihin iyon sa kanya. Nakikita naman niyang sinasaktan ako ni Mommy noon. All she can do is to listen to me, comfort me, and gamutin ang mga pasa at sugat ko.
Gianna Louise Santos
Bakit ka na naman sinaktan? Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo? Tinulungan ka ba ni Nanay na gamutin 'yan?Sunod sunod niyang tanong. I've decided to call her instead. I'm not used to typing while telling her what happened. Gianna pick it up agad-agad. Bumungad pa sa akin ang mukha niya. Rinig na rinig ko ang malakas na sounds. Ito ata ang sinasabi niyang club na pinupuntahan niya para mag-inom.
"Hey, Madam! Wait! Lalabas lang ako," Aniya habang nag lalakad na.
Nang makarating sa labas at hindi na gaano maingay kinuwento ko sa kanya ang nangyari.
"Alam mo ba na narinig ko dito sa club kanina na ikakasal na raw 'yang si fiancé mo kaya mababawasan na ang poging masarap dito. I told you, matinik sa babae 'yan," Kuwento niya rin.
"Matinik? Hindi naman siya isda, Gi," Takang tanong ko na ikinatawa niya ng malakas.
"Nililiteral mo na naman! Sinabi ko na sa'yo ano ang meaning ng word na 'yan, Kaliah!" Tumawa pa siya.
Napaisip ako sa sinabi niya. Kung marami naman palang babae si Kaizer bakit pa siya pumayag na magpakasal sa akin. Sana siya na ang tumanggi.
Nag kuwento pa siya tungkol sa mga narinig niya. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha lahat ng information na sinasabi niya. Huwag naman sana siyang fake news.
BINABASA MO ANG
OUR MARRIAGE SAVED ME
RomanceKaliah Ivelle Alvarez is a sweet type of girl. She would do everything to make her parents proud and appreciate her. Bata palang ay tinuruan na siya sa iba't ibang gawaing bahay kahit mayaman ang pamilya nila. She thought they just want her to be in...