CHAPTER 6

416 8 0
                                    

Our wedding day came. I was so nervous buti nalang kasama ko si Gianna. Naisipan niya pa ngang itakas ako pero hindi ako pumayag. Sinabi ko sa kanyang maayos naman ang trato sa akin ng mga Venezio at hindi na niya kailangan mag alala sa akin.

Trevor Kaizer and I exchanged our I do's in front of so many people. Akala ko simpleng seremonya lang pero hindi pala. Hindi ako ang nag-ayos ng kasal ko kaya wala akong ideya kung ano ang tema, sino sino ang mga dadalo at kung ano ang magiging itsura ng kasal.

Hindi nga kami nag kita ni Kaizer sa gabi hanggang sa takdang oras ng kasal. Umuwi raw ito sa sariling penthouse. After the wedding dumiretso kami sa reception.

Hindi naman nagpapigil si Mommy sa pagkausap sa mga tao. I know what exactly she's doing. Nakaupo ako at ang asawa ko ay nasa kabilang dulo ng hall may kausap. May asawa na ako at hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman nawala ang titig niya sa akin na parang binabantayan ang bawat kilos ko.

Pinanatili ko naman ang ngiti sa labi ko kahit ang totoo ay kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko. I'm still eighteen. Ang dami ko pang hindi na experience gawin kagaya ng palaging ginagawa ng mga teenager.

Ilang congratulations pa ang narinig ko. Hindi naman ako pinansin nila Mommy at Daddy. Parang ibang pakay ang ipinunta nila rito.

Tinignan ko si Gianna na ngiting ngiti kasama ang isang lalaking tingin ko'y kasing edad lang rin niya. Hindi ko alam paano niya iyon nakilala. Ang sabi niya ay anak raw iyon ng isang imbitadong pamilya.

Lumapit ako kay Gianna. Kapit na kapit siya sa lalaki. Buti nalang ay naunang umalis si Nanay Mercedes kasama ang ibang kasambahay dahil pauwi na ang mga ito sa Palawan.

"Pwede ko bang mahiram muna si Gianna?" Tanong ko sa lalaki. He nodded.

"Ano ba 'yan, Madam! Inistorbo mo ang kilig ko," Sabi niya. Dinala ko siya sa bathroom.

"Oh, anong gagawin natin dito? Dapat 'yung asawa mo ang dinala mo rito!" Sabi niya pa.

"Why would I invite him in a woman's bathroom, Gi?" Inosente kong tanong.

"Gagawin niyo rin naman 'yon mamaya," Makahulugang sabi niya. I still don't get it.

After kong mag banyo ay lumabas na kami. Nilapitan naman ako ng mga kababaihan.

"Hi, Kaliah! I'm Jada," Inabot niya pa ang kamay. Nag shake hands kami.

Nagpakilala rin ang iba pang tao na lumapit sa amin. Hula kong gusto na akong hilahin ni Gianna paalis doon. Nag excuse kami upang makaalis.

Lumapit ang isang photographer. Gusto kaming kuhaan ng litrato ni Gianna. Tumango naman ako. Dalawang click lang ng camera at natapos na.

"Kuya! I-send mo sa akin 'yang picture namin. Now na! Para may ma-ipost ako sa Facebook at Instagram," Lumapit pa si Gianna sa photographer at napailing ako.

Lumingon ako sa buong paligid. Ang daming tao. Parang hindi sila napapagod kahit gabi na. Sinenyasan ako ni Kaizer na lumapit sa kanila. Sumunod naman ako agad.

Nang makalapit ay agad gumapang ang kamay niya patungo sa baywang ko.

"Kaliah, this is my cousins," Ipinakilala niya ang dalawang lalaking naroon.

Nakipag shake hands pa ako sa kanila at pormal na nakipagkilala. After it nag usap sila. Muli akong luminga linga at hinahanap si Gianna. Nandoon pa rin siya katabi ng photographer hawak ang kaniyang cellphone. Nakakahiya! Ngayon niya pa naisipan kunin ang picture namin.

"Bro, higpit naman ng hawak mo. Gusto na ata niyang umalis," Natatawang biro ng pinsan niyang si Erius.

Nakitawa naman ang isang pinsan pa nilang si Miguel. Dahil doon mas lalong humigpit ang kapit ni Kaizer sa akin. Kinukulong na naman ako. Nag tawanan pa silang muli dahil napansin ang ginawa ng pinsan.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon