CHAPTER 10

415 8 0
                                    

One month had past mas lalo kong nakikilala si Kaizer. He became more clingy. He likes taking pictures of me kahit na hindi ako minsan naka-tingin sa camera.

Si Mommy naman ay palagi pa rin akong kinukulit patungkol sa naging usapan namin noong bumisita sila rito sa penthouse. Hindi ko nalang siya nirereplyan. She even call me sometimes at puro sermon lang palagi ang natatanggap ko.

I don't know why hanggang ngayon hindi pa rin inaaprubahan ni Kaizer ang merging nila. Ayaw ko rin namang mag tanong. Pakiramdam ko kasi tapos na ang obligasyon ko at ayon ang pagpapakasal kay Kaizer kahit hindi naman namin talaga mahal ang isa't isa.

I don't care about the merging. Dahil hindi naman talaga namin napag-usapan nila Mommy and Daddy ang tungkol roon. Hindi ko rin alam bakit kailangan pa nila iyon. Sa huling pagkakatanda ko ay kaya sila palaging wala dahil mas lumago ang kanilang negosyo.

My parents owned a pharmaceutical company. Galing iyon sa pamilya ni Daddy. Recently ko lang rin nalaman na Kaizer owned the most trusted pharmaceutical company. Kay Gianna ko pa nalaman. Hindi naman kasi talaga ako nag research patungkol sa mga negosyo at ari-arian niya.

They are the supplier sa iba't ibang bansa pa. Ano ba ang hindi kayang gawin ni Kaizer? He's an Engineer, a Bussinesman and a Pilot. Paanong nagkaroon siya ng Pharma? Gaano ba sila kayaman? Si Tita Celestine ay isang beauty queen noon at mula siya sa isa sa pinaka mayaman na pamilya sa Russia. Si Tito Adlerius ay kilalang Engineer rin at Bussinesman.

I'm still clueless about everything. Sa Google ay napakarami nilang negosyo. Kaizer is powerful. Hindi na rin ako nag taka kaya siya ang pinili nila Mommy and Daddy na maging asawa ko.

Base sa naging research namin ni Gianna, five years ago lang nabuo ang Pharma ni Kaizer. Napatigil ako sa pagmumuni muni ng tumunog ang cellphone ko. Si Mommy na naman tumatawag.

I picked it up. "Hello, Mom."

"Ano ha?! Hanggang ngayon para pa rin kaming nanlilimos kay Kaizer! Hinahanapan kami ng ebidensya ng mga investors kung totoo ba ang merging sa pagitan ng kompanya namin! Napakalat ko na ang tungkol roon, Kailah! Hindi 'yon pwede mabaliwala!" Sigaw ni Mommy sa kabilang linya.

Palagi naman siyang galit pero tingin ko ay iba ngayon. Iba ang boses niya. Napapikit ako ng mariin. Dahil maski ako, wala akong kaalam alam tungkol sa nangyayari.

"Mom, please. I don't know a thing about your merging with Kaizer's pharma. Ngayon ko nga lang rin po nalaman ang tungkol doon," Mahinahong sagot ko kahit na parang sasabog ang puso ko sa kaba.

"Palagi kang nag mamaang-maangan, Kaliah! Letse ka talaga! Pareho kayo ng kapatid mo walang silbi! Anong maitutulong niyo sa negosyo, ha?! Wala!" Sigaw niya muli. Inilayo ko pa ang cellphone ko sa tainga.

"Mom, calm down. Sinunod ko na po ang gusto niyong magpakasal kay Kaizer at itigil ang pag-aaral ko. Hindi pa po ba sapat 'yon na tulong para sa negosyo niyo ni Daddy?" Tumulo na ang butil ng luha sa mata ko.

"Sumasagot ka pa ngayon?! Saan ka natutong mag salita against me, Kaliah?! Hindi kita pinalaking ganyan! Wala kang silbi! Siguraduhin mong may maibabalita ka na sa akin na maganda sa susunod na tawag ko. Humanda ka sa akin kapag wala pa rin," Ayon lang at pinatay na niya ang tawag.

Abot abot ang kaba sa puso ko. Pakiramdam ko hindi pa rin ako malaya kila Mommy. Hindi ko naman talaga alam ang rason kung bakit wala pa rin merging na nagaganap. Pinunasan ko ang luha sa mata ko.

Tinignan ko ang wall clock. It's 5 PM in the afternoon. Sinabihan ako ni Kaizer na sa labas kami kakain ng dinner. Naka-ayos na ako at hinihintay nalang ang driver na susundo sa akin. Bumaba na ako ng penthouse dahil naka receive na ako ng text mula kay Manong Roy. Ang driver nila Tita Celestine.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon