CHAPTER 8

414 8 1
                                    

Isang linggo na simula noong kinasal kami ni Kaizer. Isang linggo na rin akong kinukulit ni Gianna kung may nangyari na ba. I always tell her na wala. I don't think gagawin namin iyon ni Kaizer lalo na he bed a lot of women kaya baka hindi niya rin magustuhan kapag sa akin niya iyon gagawin because I don't have experience at all.

Palagi rin dumadalaw si Miguel sa penthouse namin. Minsan kasama si Erius, madalas ay hindi. Palagi siyang nakikisabay sa amin mag dinner. I somehow know why. Hindi rin nag pupunta si Gianna sa penthouse kahit ilang beses ko siyang kulitin. Pakiramdam ko iniiwasan siya ni Gianna at ayaw ko naman mas kulitin siya kung hindi siya komportable sa presensya ni Miguel.

I decided na tumambay sa pool area. Nilublob ko ang mga paa ko roon. Maaga ako natapos mag luto ng dinner namin at hinihintay ko nalang si Kaizer umuwi.

Sunset. Nag kulay violet na may kaonting orange at yellow ang langit. Hindi ako fun ng sunset, I prefer sunrise. Gandang ganda ako sa langit tuwing sisikat na ang araw.

Napatayo ako nang marinig kong may nag doorbell. Tinignan ko ang orasan. 6:30 PM, kadalasang 7 PM sakto ang uwi ni Kaizer. Masyado naman ata siyang napa-aga ngayon.

Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata ko ng makita si Mommy at Daddy. Napalunok ako at pinilit kong ngitian sila.

"Mom, Dad! What brought you here?" Tanong ko.

"Hindi mo manlang ba kami papapasukin, Kaliah?" Tanong rin ni Daddy. Nag iwas ako ng tingin. Nilakihan ko pa ang pag bukas ng pinto at pinapasok sila.

Nauna silang pumasok at tuloy tuloy na nag lakad sa pasilyo. Tinignan nila ang interior ng penthouse. It somehow amaze my Dad. Kitang kita sa mukha niyang gusto niya ang taste ni Kaizer.

Naupo sila sa couch. Ayon na naman ang mga tingin ni Mommy na parang may nagawa akong kasalanan.

"Anong oras nauwi si Kaizer, hija?" Si Daddy.

"Around 7 PM, Dad. Baka maya maya po ay nandito na iyon. What do you like to drink po?" I asked without looking at them.

"Nothing. Nakakapag-usap ba kayo ng asawa mo tungkol sa negosyo?" Si Mommy.

"Hindi po," Umiling pa ako.

"E, ano pang silbi mo dito? Dapat ngayon palang may alam ka na sa mga ginagawa niya. Alamin mo kung ano ang mga pinagkaka-abalahan niyang negosyo ngayon!" Galit na aniya.

"Mom, why would I do that?" Takang tanong ko.

"Para alam mo kung ano ang dapat kunin! Hayaan mo siyang magtiwala sa'yo at bigyan ka ng sarili mong kompanya," Gigil niyang sabi.

"Mom, I don't even know how to manage a company," Tila gatilyo iyon sa kanya at dali dali siyang tumayo upang sampalin ako.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa kaliwang pisngi ko. Paniguradong mamumula na naman iyon. Tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Natututo ka na sumagot ngayon! Hindi mo siguro ginagalingan sa kama kaya hanggang ngayon wala pa rin merging na nagaganap! Baka sinabi mo pa kay Kaizer na kinakawawa ka namin at sinasaktan kaya hanggang ngayon hindi pa rin naaprubahan ang merging ng negosyo namin," Sigaw niya sa akin. Agad namang dumalo sa kanya si Daddy para paupuin at pakalmahin siya.

Hindi ko na inasahan na ako ang aaluhin ni Daddy. Palagi naman siyang walang imik tuwing ganito samin ni Ate Khad si Mommy. Hindi niya kami sinasaktan pisikal pero kahit kailan ay hindi niya rin kami pinag tanggol tuwing pagagalitan o mananakit si Mommy.

Merging? Ayon siguro ang inaasahan nila upang lumago ako negosyo kaya nila ako pinilit ipakasal kay Kaizer. Gustong gusto ko pang mag salita pero takot na takot akong masaktan muli ni Mommy.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon