CHAPTER 7

428 10 0
                                    

I woke up early in the morning. Uunat sana ako ngunit naramdaman kong may nakapulupot sa aking braso. Maski ang binti niya ay ramdam na ramdam ko sa mga binti ko. Nagulat akong napabalikwas ng bangon at dahil doon nagising si Kaizer. He look at me with annoyed face.

"I'm sorry. Nagulat lang ako. Nagising tuloy kita," I said it with a worry.

"I'm already awake," Bumangon na siya at nag stretch sa harapan ko.

He's already awake pero hindi niya manlang tinanggal ang pagkakayakap sa akin. Is he looking at me while I'm sleeping? Nakakahiya! Baka may tulo pa ng laway ang mukha ko.

"Oh, okay. Good morning," Saka ako dumiretso sa banyo.

Naligo ako diretso. Pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto. Wala na siya doon. Naisipan ko na rin bumaba upang makapag-handa na ng agahan. Nakasuot siya ng puting plain T-shirt kapares ang kulay abong short. Umiwas ako ng tingin dahil napansin niya ang pag baba ko.

Dumiretso na ako sa kusina. Sumunod naman siya.

"What do you like for breakfast?" I asked without looking at him.

"Ako na," Sabi niya at lumingon na ako.

"You know how to cook?"

"Yeah. I live alone so what do you expect?" Ika niya.

"I didn't expect that you know how to cook. I thought mayroon kang kasamang kasambahay dito," Pagpapaliwanag ko.

"I can do the house chores without the help of our house helpers. Paminsan minsan pinapadala ni Mommy ang ilang maid para linisin ang buong penthouse," Lumapit na siya sa fridge at kumuha ng kung ano.

"Can I help you?" Tinanong ko siya with a puppy eyes.

"No. Just the check the gifts. It's in the sala," He said it with finality.

I sighed at tumingin pa siya sa akin. Mas lalo akong ginanahan mangulit.

"Can I watch you nalang?" Again with my puppy eyes. He looked at me.

"No," Ayon lang at tinalikuran na niya ako. Nag umpisa na siyang mag luto.

Lumabas ako ng kitchen at sinunod ang sinabi niya. Nagulat ako sa tambak na regalo na nasa sala. Hindi ko alam kung paano namin bubuksan lahat iyon! Inisa isa kong tinignan. May ibang branded pa ang tatak. May iba namang naka balot ng plain white gift wrapper.

Para akong nalulula. Baka abutin ako ng isang linggo kung ako lang mag-isa ang mag bubukas no'n lahat. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganoon karaming regalo. Hindi naman ako nireregaluhan nila Mommy and Daddy. Tuwing Christmas naman ay binibigyan lang kami ni Ate Khad ng pera. Pero hindi rin naman namin iyon nagagamit.

Unang beses akong nakatanggap ng regalo noong eight years old ako. Isa iyong stuffed toy na spongebob. Naka hiligan ko kasing manood no'n noong bata palang ako. Si Ate Khad ang bumili no'n. Ang mga sumunod na regalo ay galing na kay Gianna. Sinasabi ko ngang huwag na huwag niya akong bibilhan ng mahal dahil iniipon niya iyon sa baon niya.

Naisip ko si Gianna. Gusto ko siyang papuntanin dito para tulungan ako dahil paniguradong hindi makakatulong sa akin si Kaizer dahil papasok na siya sa opisina. Pumasok ako muli sa kitchen at nakita siyang nag uumpisa ng mag luto.

"Kaizer, can I borrow your phone?" Lumapit pa ako sa kanya.

He gave me his phone agad-agad! Napaamang pa ako sa bigla niyang pag abot no'n. Binigay niya without asking me kung bakit ko hiniram.

Walang passcode ang phone niya. Ito siguro ang pinaka latest na iPhone. Hinanap ko ang Facebook. Pag bukas ko naka log in pala ang account niya. Nakita ko ang wall niya. Lumayo ako sa kanya ng kaonti para hindi niya makitang tinitignan ko ang timeline niya.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon