CHAPTER 12

401 8 0
                                    

Month of October. Dalawang buwan na kaming mag-asawa. Sa nakalipas na buwan hindi ako ginulo ni Mommy at Daddy. Maski sa text or tawag wala akong natanggap mula sa kanila. Hindi ko alam kung ano na ang binabalak nila ngayon. Iniisip ko nalang na baka kaya tumigil na sila sa pangungulit sa akin ay pinirmahan na ni Kaizer ang merging.

Nasa byahe kami ngayon patungo sa isang beach resort sa Batangas. Tomorrow is Asher's 6th birthday. Ang kapatid ni Kaizer. Gusto raw nitong doon mag celebrate. May mga imbitadong bata, of course.

Nauna na doon ang parents ni Kaizer kasama si Asher. Kami lang ang nahuli kakahintay kay Erius. Ayaw raw kasi nitong mag drive ng ilang oras.

Inaya ko rin si Gianna na sumama sa amin. I'm glad na sumama siya. Si Kaizer ang nag mamaneho habang ako ang nakaupo sa front seat. Nasa likod naman ang tatlo. Si Miguel, Gianna, at Erius.

Hindi maipinta ang mukha ni Gianna dahil siya ang katabi ni Miguel. Hindi ko alam kung nakapag usap na ba sila.

"Daan naman tayo sa drive thru," Nakabusangot na ani Erius.

"Hindi talaga natutulog ang buwaya sa tiyan mo, ano?" Pang aasar agad ni Miguel.

"Tss. Gutom na ako! Wala pa akong kain," Sumalampak pa siya sa inuupuan niya.

"Paano nahuli ka ni Kaizer na may kasamang babae kagabi. Diretso kasi kayo sa kama," Tatawa tawang biro ni Miguel.

"Who's that woman, Erius? She's familiar," Si Kaizer na nilingon ko at tila nagugulat ang mukha niya sa pag baling ko.

Napansin iyon ng tatlo, nag tawanan sila. Mas malakas pa sa sounds ng music ang boses ni Erius.

"La! Master, katabi mo lang ang asawa mo," Biro ni Erius na humahawak pa sa kanyang tiyan habang tumatawa.

Hindi ako kumibo. Lumingon lang naman ako sa kanya bakit siya nagugulat?

"Baby, hindi ko siya babae. Her face is just so familiar," Depensa niya.

"Wala akong sinasabi, Trevor Kaizer," Lumingon ako sa bintana at tinignan nalang ang lugar na tinatahak namin.

"Aray! Trevor Kaizer," Hindi rin napigilan maki gatong ni Gianna.

Nang lumingon siya kay Miguel pareho silang nagkatinginan at pareho rin umiwas.

"Defensive ka naman masyado, Kaizer. Wala pa palang sinasabi si Misis, e," Pang aasar pa ni Erius.

Kapag ito talaga ang kasama namin hindi nagiging tahimik ang paligid. Masyado silang opposite ni Miguel. Si Miguel mapang-asar din at palatawa pero hindi gano'n ang energy niya kagaya ni Erius na nasobrahan.

"Don't call her 'Misis', Erius!" Banta ni Kaizer sa kanya. Hindi siya makalapait sa akin ngayon dahil nag mamaneho siya.

Dumaan kami sa drive thru. Malayo palang ay sumisigaw na si Erius ng kanyang order. Napapatakip nalang ako sa tainga.

"Erius, shut up! Makakakain ka naman," Baling ni Gianna sa kanya at hinampas pa siya ng maliit na unan na dinala namin.

"Hoy, Miguel! Itong shota mo hinahampas ako!" Nag susumbong ngunit natatawa si Erius.

"Anong shota, ha? Mas gugustuhin ko nalang maging tomboy kesa maging shota 'yang pinsan mong maliit naman ang ano!" Naupo si Gianna at parang binuhasan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

Napalingon ako sa kanila at gusto kong matawa sa reaksyon ni Erius at Miguel. Pareho silang gulat. Kumurap kurap pa si Erius ng ilang beses. Tumikhim naman si Miguel ng makabawi.

OUR MARRIAGE SAVED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon