Nagising ako kinabukasan na may nakayakap sa akin. Agad akong napangiti dahil nakita ko si Gav. Dinungaw niya ang mukha ko.
"Good morning, Mommy Kali!" He went up to kiss my cheeks.
"Good morning, Gav. Your Mama and Papa will be here tonight. Are you excited?" Bumangon kaming dalawa at tumungo sa bathroom.
"Yes, Mommy Kali. But Papa is so busy," Nalungkot ang mukha niya.
"Of course, Gav. Your Papa needs to work to provide for your family," Nakangiti ko siyang tinignan. Hindi na siya kumibo at nag umpisa na mag sipilyo.
Ganito ang mahirap. Nakikita ko sa kanya ang sarili ko dahil palagi rin wala sila Mommy and Daddy. Mas mabibilang pa sa daliri kung ilang beses lang sila nananatili sa bahay kaysa sa kanilang pag-alis.
Nasanay naman kaming gano'n ni Ate Khad. Napaisip tuloy ako kung kumusta na ba kaya sila? It's been three years at wala akong naging contact sa kanila.
I wonder if ginulo ba nila si Kaizer. I hope not. Kailangan ko sigurong kausapin si Kaizer muli tungkol sa annulment namin.
After namin mag-ayos ay dumiretso kami sa Mall. Bibili kasi ako ng dress para sa event na dadaluhan namin ni Xavier mamayang gabi. Ako ang napili niyang date dahil ayon ang naging usapan namin kapalit ng pag tulong niya sa akin noon sa isang subject ko na sobra akong nahirapan.
Kasama ko ang personal maid ni Gav, of course pati si Gav at isang driver. Wala na si Xavier sa bahay niya pag alis namin.
"Let's go, Gav. Mommy Kali will buy a dress and after we will watch a movie," Binalingan ko siya at hindi mapakali ang mga mata niya kakatingin kung saan. Nang bumaling siya sa akin, ngumiti siya habang tumatango.
This is his first time sa Mall. Sa Russia kasi ay palaging sa play ground ko lang siya nadadala. Hindi pa kami pwede sa malayo. Grabe ang pag iingat ng kapatid ko kay Gav. Lalo na sa trabaho ng kaniyang asawa, kaya hanggang ngayon hindi nila pinapaalam na may anak sila.
After kong makapamili ng isang simpleng dress. Inaya ko silang kumain. Pumasok kami sa Shakey's, kaonti lang ang mga tao. Umorder ako ng sapat lang para sa aming apat. Including Gav, his personal maid and the driver.
Natapos kaming kumain at napag desisyunan kong ipalagay na muna ang mga pinamili ko sa kotse. Pinasama ko na ang driver at personal maid ni Gav. Pumila na ako para bumili ng ticket.
"Gav, what movie do you like to watch?" Walang sumagot sa tanong ko. Luminga linga ako sa magkabilang gilid ko pero wala si Gavriel!
"Gavriel!" Sigaw ko. Walang sumagot. Tinignan ko isa isa ang mga batang andoon. Wala si Gav! Oh shit!
I get my phone to call the driver so they can help me find Gavriel. Mayayari ako kay Ate Khad pag may nangyari kay Gav. Nasaan ba siya?! Fuck it!
"Kuya! Si Gav po nawawala. Balik na po kayo dito, please," Kalmadong sabi ko. Agad naman nakuha ng driver 'yon.
Luminga linga pa ako. After how many fucking minutes of pag hahanap, I found Gavriel! Nakaupo siya at kumakain ng ice cream! Nilingon ko ang lalaking kasama niya. It's fucking Kaizer Venezio! My husband!
"Gavriel! Where have you been?" Agad ko siyang nilapitan at niyakap. I'm fucking worried! Talagang mapapatay ako ni Kuya Kier pag nalaman niyang nawala si Gav.
"Mommy Kali! Do you want ice cream?" Dinilaan niya pa ang ice cream niya na nasa cone. Tumingin ako kay Kaizer at halos mapatalon pa ako sa paraan ng pag titig niya.
"No. I told you don't talk to strangers. Come on!" Inaya ko na siyang tumayo pero ayaw niya.
"Mommy Kali, he's not a stranger. He told me he's your husband so that means he's my Daddy!" Excited pa siyang tinuturo si Kaizer.
BINABASA MO ANG
OUR MARRIAGE SAVED ME
RomanceKaliah Ivelle Alvarez is a sweet type of girl. She would do everything to make her parents proud and appreciate her. Bata palang ay tinuruan na siya sa iba't ibang gawaing bahay kahit mayaman ang pamilya nila. She thought they just want her to be in...