Konnaire's POV
Huminga ako ng malalim at kalmado lang na pinanood ang janitor na linisin ang opisina ng kliyente kong si Taddeo.
Matapos niyang basagin ang mamahaling lamesa ng opisina niya, umalis na rin kaagad ang mga babae niya dahil sa takot. Nagpatawag siya ng janitor at kasalukuyan nitong nililinis ang mga kalat.
Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking sentidido. Malamig ang opisina niya, actually, yung itong buong company niya pero dahil sa nerbyos ko sa ginawa niya, ang init-init na ng pakiramdam ko at parang gusto ko ng umuwi sa takot.
Taddeo Daze Conquero...
If I'm not mistaken, siya ay isa sa mga all-star bigtime ng mga kompanya sa bansa. Isa rin siyang MMA fighter kaya siguradong tablado ka kung hahamunin mo siyang makipag-sapakan.
Hindi ako mahilig manood ng mga news at kung hindi ko kukunin 'tong trabaho ko for him, hindi ko siya makikilala. Ngayong nabasa ko ang background ng kliyente ko, masaya ako dahil mataas ang sahod sa kanya dahil nga sikat pala siya pero hindi ko inaasahan na ganito siya kaagresibo at mainitin ang ulo.
Nakanood ako ng isa sa mga video niya para makilala ko pa siya at masaya pa ako nun dahil maganda ang mga feedbacks sa kanya ng mga tao. They love and admire him so much. Marami ring nagsasabing mabait siya at kung ano-ano pa pero, sa ngayon, naniniwala na talaga ako na "you'll see everything at the back of the camera"
"Excuse po, Mam." Napapikit-pikit ako nung sitahin ako ng janitor. Pilit ko siyang nginitian at tumabi ng kaunti para masigurado niyang malinisan niya pati ang side ko.
Sinulyapan ko saglit si Taddeo at mas lalo lang akong kinabahan dahil nakaupo ito sa swivel chair ng mismong worktable niya habang nakatitig sa akin.
Kahit maluwag ang opisina, at tatlo lang kaming nasa loob, para akong nasisikipan dahil sa nakakatakot na presensya niya.
"Ayos ka lang po ba?" Tanong ulit sa akin ng janitor. Medyo bata-bata pa ang janitor na 'to kaya maamo ang mukha niya. Mukha siyang mabait kaya nakahinga ako ng maluwag habang nakatingin sa mukha niya.
Atleast, may kasama akong approachable.
"Ayos lang..."
"Pasensya na po, ah?" Aniya.
Ngumiti ako. "Bakit naman po?"
"Kasi---"
"Ragah."
Natigilan kami sa pag-uusap nung marinig ko ang pangalan kong tinawag ni Taddeo.
Lumunok ako at pilit na ngumiti nung nilingon siya. "Bakit po?" Tanong ko.
His brows twitch slightly that makes him look irritate. "You're too far, again." Tinuro niya ang sofa na inuupuan niya kanina na malapit lang sa worktable. "Have a seat there. It's clean, already." Saka niya nilingon ang janitor. "And, can you please do your task quietly? Aren't you done cleaning things?"
Napalunok ang janitor at napakamot. "Malapit na po."
"Then, do it in silence and leave." He sounds pissed.
Bumalik agad sa pagtatrabaho ang janitor at hindi na ako nagawa pang nakausap. Halata sa presensya niyang natakot siya at ganon rin naman ako.
Maayos kong binitbit ang bag ko at sinunod ang utos ni Taddeo. Kita ko naman sa gilid ng aking mata na sinundan niya ako ng tingin.
Tahimik akong pinanood ang janitor at maya-maya rin ay umalis na siya.
Saktong pag-alis niya, may pumasok na lalaki at nakahinga ako ng maluwag nung makita si Sir Edgar. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung manager sa MMA ni Taddeo.