Kabanata 23

1.3K 37 9
                                    

Konnaire's POV

Kinabukasan, nagising ako dahil nakapa kong wala si Tad sa tabi ko. Dito kasi siya natulog sa kwarto ko pero wala naman ng ibang nangyari pa sa amin. Kaunting pag-uusap lang at pinahintulutan niya na rin agad akong matulog.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Tad na nagluluto sa kusina--- para siguro sa agahan namin.

Narinig niya ang tunog ng pinto ng kwartong pinaglabasan ko kaya nilingon niya ito. Ngumiti ako at bahagyang lumapit. "Morning..." Pupungay-pungay ang matang sabi ko dahil kakagising ko lang.

Pinahinaan niya saglit ang apoy ng stove bago siya lumapit sa akin at halikan ako sa pisngi. "Morning, love. I tampered things on your fridge, it's that okay? Nagluto ako..."

Tumango ako. "Walang problema..." Nilagpasan ko siya at tinungo ang kanyang niluluto. Narinig ko naman ang yapak niya papasunod.

Naramdaman ko ang kamay niya na yumakap sa bewang ko kaya bahagya akong napanguso. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin kagabi. Ang daming kaganapan. Nahihiya tuloy akong maalala ang mga actions ko kagabi, para akong walang delikadesang babae.

"Good morning!!!!" Sabay kaming napalingon nung marinig namin ang masiglang bati ni Kiro. "Oh? Nandito si Kuya Taddeo?" Gulat niyang tanong at lumapit sa amin. "Anong meron?"

Nilingon ko si Tad and I found him grinning at me. Parang hinihintay niya rin ang isasagot ko kay Kiro. "Uh, wala naman. Napadalaw lang..." Pagpapalusot ko. "Papasok ka pala ngayon diba?"

"Yessss!!" Galak na sagot niya. "Maaga ako, Ate! Pupuntahan ko si Wayne para sabay kaming pumasok."

"Ha?" Nilingon ko ang orasan. Maaga kasi ang pasukan nila kaya nag-aalala ako kung maghihintayan pa sila. "Maaga rin pasok niyo, baka malate kayo?"

"Hindi 'yan, te! Late naman laging pumasok teacher namin sa first subject. Mag-aasikaso na ako ngayon..." Nilagpasan niya kami at umupo sa upuan ng dining. "Kakain na ako ta's maliligo para makapunta agad ako kay Wayne. Magtatanong rin ako kasi may mga na-missed akong activity."

"Ah, oo nga..." Nag-aalalang pag-sangayon ko. "Sige, ire-ready ko na ang pagkain mo. Magdala ka ng gamot, ha? Baka mamaya tamaan ka bigla ng sakit." Sabi ko habang kumukuha ng mga plato at kutsara para iready na sa lamesa.

Si Tad naman ay itinuon na ang atensyon sa niluluto habang nakikinig sa amin. "Are you already okay, Kiro? I heard, nagkasakit ka." Sali ni Tad.

Tumango si Kiro. "Opo, Kuya. Pero, okay na ako ngayon. Magaling mag-alaga si Ate at Kuya Ram e haha!" Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Kiro.

Nilingon ko agad si Tad at bahagya itong natigilan pero kalauna'y tumuloy sa ginagawa. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga na mukhang hindi gusto ang narinig.

"A-Ah!" Lumapit ako kay Tad at hinaplos ang braso nito. Nilingon ko ang niluluto niya at mukhang patapos na ito kaya nilingon ko ulit si Kiro. "Luto na ang pagkain, Kiro. Luto ni Kuya mo Tad 'yan. Masarap 'yan. Sandukan kita..." Pagbibigay buhay ko sa unti-unting dumidilim na presensya ng katabi ko. Nilingon ko si Tad na walang ekspresyon ang mukha. Pinatay niya ang stove at naghugas ng kamay. Tumikhim naman ako. "Umupo ka na. Ako na mag-aayos ng pagkain niyo---"

"It's fine." Malamig ang putol niya sa pagsasalita ko kaya napaawang ang bibig ko.

Tumikhim ako. "Hindi na, ako na." Marahan ko siyang hinila sa upuang pwede niyang mapwestuhan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at sumunod sa gusto ko.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now