Konnaire's POV
Kinabukasan, nagsimula kaming itour ni Sanerie sa magagandang tourist spot sa Batanes. Umaga palang kanina, naghanda na kami para masulit namin ang buong araw ngayon dahil lunes na kinabukasan.
Hindi ko alam kung anong araw gusto ni Tad na bumalik kami sa Manila pero gusto ko sanang bukas na agad kami umuwi dahil may pasok pa si Kiro sa school at gusto ko rin magtrabaho. Mashado akong maraming absent at kailangan kong mapunan 'yon para hindi madagdagan ang guilt at konsensyang bumabagabag sa akin. Baka mamaya, sabihin, tini-take advantage ko ang pagkakaroon namin ng relasyon ni Tad para hindi magtrabaho.
Kasalukuyan kaming nasa kabahayan ng Basco. Sinusuri namin ang mga mapayapang tao habang ini-enjoy namin ang paghahanap ng mga souvenir para sa pag-uwi. Gusto kasi nila Tad and Lojiko na mag-uwi kami kaya hindi na kami nakipagtalo pa.
Napabuntong-hininga ako habang sumusunod sa kanila. Naalala ko na naman ang nagmessage sa akin.
Sa totoo lang, kahapon, wala ng mashadong nangyari. Binantayan naming dalawa ni Kath ang mga bata maligo sa pool at pasimple naming pinag-usapan ang tungkol sa nagmessage sa akin. Hindi ko na binabalak pang ipagsabi ito kay Tad lalo na't wala naman kaming kasiguraduhan na importante ba talaga ang bagay na ito.
Tulad ng napag-usapan at napagdesisyunan namin ni Kath kahapon, hindi na namin pa pinroblema ang nagmessage sa akin kahit na napapaisip pa rin ako.
"Are you fine?" Nabalik ako sa wisyo nung tanungin ako ni Tad. "What's on your mind?"
Ngumiti ako. "Wala naman. Bakit?"
"Parang may iniisip ka..." Ani sa akin ni Tad.
"Kuya Tad, pwede ko rin bang bilhan ng ganito si Wayne?" Naagaw ni Kiro ang atensyon naming dalawa. Nasa bilihan kami ng mga bracelet, necklace and other accessories kaya nagtatanong si Kiro para sa kaibigan niya.
"Yes. Just pick anything, I'll buy it for you." Ani Tad.
"Konnaire!" Napalingon naman ako Kath nung tawagin niya ako. Humarap siya sa akin habang nakaturo sa bracelet niya. "Ganda ba?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo, bagay."
"Naks naman, sige, hindi ko nalang bibilhin..." Humagalpak siya ng tawa kaya natatawa rin akong napailing-iling. Ang kulit talaga...
"Warrie, this looked good on us. It's a couple bracelet. It's very simple but fine." Pang-aagaw ng atensyon ni Lojiko kay Kath.
Sumimangot si Kath. "Pass, ayoko sa corny." Pang-aasar ni Kath pero lumapit pa rin si Lojiko sa kanya at isinukat sa palapulsuhan ang tinutukoy ni Lojiko na couple bracelet. "Tigas ng bungo nito talaga." Pagsimangot ni Kath.
"Bagay sa inyo." Papuri naman ni Sanerie habang nakatingin kay Kath at Lojiko.
"Tsh, kid." Komento naman ni Sano sa pinsan. Sinamaan lang siya ng tingin ni Lojiko.
"Do you want one too?" Napalingon ako kay Tad na nasa tabi ko.
Umiling ako. "Huwag na..."
"Kanina pa tayo nag-iikot pero wala ka pa ring mahanap na gusto mong bilhin." Ngumuso siya.
Natatawa akong kumapit sa braso niya. "Hindi kasi ako mahilig. Baka hindi ko rin masuot, sayang." Depensa ko.
Bumuntong-hininga siya. "Just try it. I can pay for it."
"Ayan ka na naman..."
He giggled. "But, seriously, are you fine?"